End of Part 1

87.1K 950 130
                                    

Mistaken Pleasure

Epilogue

5 years later..

Nakatayo ako ngayon sa libingan ng dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko. Sila ang nagturo sakin kung paano lumaban sa laro ng buhay. Sila ang nagturo sakin kung paano pahalagahan ang mga taong nasa paligid ko. Sila ang nagturo sakin kung paano maging kontento sa lahat ng bagay na meron ako ngayon. At sila din ang nagturo sakin kung paano magmahal. 

Hindi natin alam kung hanggang kailan at hanggang saan lang tayo. Lahat ng tao sa mundo ay namamatay. Lahat ng bagay ay kumukupas. Walang permanente at walang tumatagal. Dahil lahat ay nawawala kapag dumating na ang panahong kailangan na nitong mawala. Life is so unpredictable. Hwag kang pasisiguro sa future mo, dahil lahat ay pwedeng magbago. Ang mahalaga ay may paninindigan ka. Panindigan mo kung ano ang pinaniniwalaan mo. Dahil yan lang ang magiging sandata mo kung sakaling atakihin ka ng kamalasan. 

Minsan, kaillangan nating tanggapin na hindi talaga para sa atin ang isang tao. Dahil baka masaktan lang tayo. Kaya nga maraming tao ang hindi nag eexpect eh, kasi naniniwala sila sa kasabihan na kapag nag expect ka ay masasaktan ka lang sa huli. Pero hindi nyo ba naisip na dahil din sa kasabihang yon ay marami ang naging bitter? Kasi iniisip nila na palagi na lang silang nasasaktan. Bakit hindi mo bigyan ang sarili mo ng another chance. Hindi ko naman sinasabi na magtiwala ka agad sa isang tao. Ang gusto ko lang iparating ay maging masaya ka. Kung masaya ka, lahat nang ginagawa mo ay hindi mo pagsisisihan. Basta panindigan mo lang ito. Kung nasaktan ka man dahil sa ginawa mo, be it! Panindigan mo! Ginawa mo yon diba? Naging masaya ka naman don. Kaya wala kang dapat na pagsisihan kasi pinanindigan mo.

"Mommy!!" 

I was back to my senses nang marinig ko ang malakas na sigaw ng dalawang batang tumatakbo patungo sa direksyon ko. Limang araw na kaming nandito sa Pilipinas, sa Korea kasi kami namalagi this past five years. Ang cute nilang tingnan. Pareho ang suot nilang damit at magkamukhang magkamukha sila. Napangiti ako nang makalapit sila sa akin at sabay nila akong niyakap ng mahigpit. Umupo ako at hinalikan ko sila sa pisngi.

"Mommy, okay lang po ba si Tita dyan sa loob?" Napatingin ako sa anak kong babae. She's 5 years old and she's so cute. Ang galing na din nyang magsalita at ang talino pa.

"Ano ka ba, Alexa! Syempre! Tita Myrtle is all right, wala naman siya dyan eh! Nasa heaven na siya." Napatingin naman ako sa anak kong lalaki. Ang cute nya. Ang taba taba ng pisngi nya at ang talino din nya.

"Really, Mommy? Nasa heaven na po ba si Tita?" I caressed her face at nag smile ako sa kanya.

"Yes, baby. Tita Myrtle is in heaven right now." Nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap ko siya.

"Mommy, si Alexa lang po ba ang yayakapin nyo? Ako po ang nagsabi sa kanya non!" Pagmamayabang nya at nagpout siya. Mahina akong tumawa at niyakap ko din siya.

"Ang cute mo talaga Alexis!" I heard him chuckled. Haha. Ang cute lang. 

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ