Painful Pleasure-3

42.2K 528 23
                                    

Bakit mo siya ilalayo sakin kung alam mong ako lang ang nagpapasaya sa kanya?

Alex POV:

"What the fuck is wrong with you?!" Malakas kong sigaw sa kanya na halos umecho ang boses ko sa buong building.

Nakita kong hinigpitan niya ang paghawak sa braso ni Lily and then she smile na para bang siya ang nanalo.

"Dahan-dahan ka naman sa pagsasalita, Alex. Alam mong may kasama akong bata." Mahinahon niyang sagot sa tanong ko, at mas lalong uminit ang ulo ko dahil ginamit niya ang bata laban sa amin ni Amanda.

I run my fingers through my hair at lumuhod ako para harapin si Lily. Tiningnan ko ang magagandang mata ni Lily at dahan dahan kong kinuha ang panyo sa bulsa ko.

"Anong gagawin mo?" Natatarantang tanong ni Myrtle.

"She doesn't deserve a mother like you." Alam kong natigilan siya sa sinabi ko dahil hindi niya ako pinigilan nang takpan ko ang mga mata ni Lily. Siniguro ko ring matakpan ang taenga niya dahil ayaw kong marinig niya ang lahat ng sasabihin ko.

"Kahit takpan mo pa ang mga mata niya ay hindi ka rin naman niya makikita."

I swallowed hard with what she said. "Tinakpan ko lang ang mga mata niya dahil alam ko na kahit wala siyang nakikita ay naririnig niya tayo. Ayaw kong isali siya sa gulong inumpisahan mo."

I heard her sigh. "Alam mong hindi kita pwedeng ibigay sa kanya." Halos pabulong niyang sabi sakin.

"Alam mo rin na hindi kita gusto, Myrtle." Nakita kong may luhang lumabas galing sa mga mata niya. Alam kong masasaktan siya sa lahat ng sasabihin ko sa kanya ngayon, pero wala na akong pakialam. Hindi ko na siya hahayaang sirain ang pamilya ko. Hindi ko na siya hahayaang manalo.

I saw her smile. Isang ngiti na para bang nagpapahiwatig na matagal na niyang alam na hindi talaga kami pwede.

"I know."  She said.

"Pwes isuko mo na ako Myrtle. Huwag mo na akong pahirapan pa. Huwag mo ng pahirapan ang kakambal mo. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo." Mas lalo niya lang pinapahirapan ang sarili niya dahil sa ginagawa niya.

"I can't!" Sigaw niya sakin at ang munting pag-iyak niya ay naging hikbi na.

"You can, Myrtle! You can!" I shot her back. Alam kong kaya niya akong pakawalan. Pero hindi niya kayang pakawalan ang pride niya.

"Hindi ko kaya, Alex. Isinakripisyo ko ang sariling buhay ko para sayo! Isinakripisyo ko ang buhay ni Jeff kapalit ang buhay mo! Tapos iiwan mo lang pala ako? Huh! Anong kahayupan to?" Mangiyakngiyak niyang sabi sakin.

"Alam mong hindi ko ginusto ang nangyari, Myrtle. Kusang ibinigay ni Jeff ang buhay niya sakin--"

"Hindi niya ibinigay ang buhay niya sayo, Alex! Ibinigay niya lamang ang mga mata niya sayo pero hindi ang buhay niya!" She interrupted me at nakita kong napaluhod siya sa harapan ko. "Hindi niya ibinigay ang buhay niya sayo." Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan at kusa na lamang itong lumabas ng maalala ko ang mga nangyari noon.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Where stories live. Discover now