Painful Pleasure-4

50.6K 627 48
                                    

Dear, Soulmate.

Can you please keep this picture of mine and hanapin mo ako kapag ready ka na?

Love, your destiny.

Continuation of Alex's POV:

"Huwag mo siyang pigilan kung gusto ka man niyang iwan."

Tumatak sa isipan ko ang sinabi sakin ni Rona kanina. Kahit ilang ulit ko pang iwaglit sa isipan ko ang sinabi niya ay hindi ko magawa. Masakit mang tanggapin ang katotohanan na ako ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay ni Amanda ay hindi ko parin pinagsisihan ang ginawa ko noon. Dahil alam ko na kung hindi dahil sa kamaliang nagawa ko noon ay hindi siya mapapasakin.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Amanda habang nakahawak ako sa kamay niya. Ang bigat sa pakiramdam habang nakikita ko siyang nakahiga at walang malay. Yung pakiramdam na nakaupo ka lang sa tabi ng taong mahal mo habang siya ay nakikipaglaban sa sarili niyang buhay. Ang sakit. Sobrang sakit.

"Sorry." Pabulong kong sabi sa kanya habang patuloy lamang sa pag-agos ang luha ko. Yan ang salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala siya sakin dahil sa salitang yan. Natatakot ako na baka iwan niya ako. At higit sa lahat, natatakot ako na baka mauwi lamang sa wala ang lahat ng ginawa ko noon.

Hinalikan ko ang kamay ni Amanda habang nakatitig ako sa maamo niyang mukha, napangiti ako nang maalala ko ang inosente niyang mukha noon. Ang babaeng walang ibang ginusto kundi ang sumaya ang kakambal niya. Ang babaeng walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng kakambal niya. Naalala ko pa ang mukha niya noon. Noong una ko pa lamang siyang makita.

Flashback 12 years ago...

Naglalakad ako sa rooftop ng school para mag-unwind. Nakakastress na kasing mag-aral lalo na't math ang subject. Thirdyear college na ako ngayon sa kursong Business Administration. Ayoko sanang mag BA kaso yun ang gusto ng parents ko. Kaya wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan nila kahit labag man ito sa kalooban ko.

Habang naglalakad ako papunta sa favorite area ko ay bigla akong napahinto nang may makita akong isang babaeng nakaupo sa favorite bench ko at nakatalikod siya sakin.

I cleared my throat para mapansin niya ako pero hindi man lang siya natinag. Wala man lang siyang reaction ng pasimple akong umubo. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang kumanta.

"Every time I think of you I feel a shot right through with a bolt of blue. It's no problem of mine, but it's a problem I find. Living a life that I can't leave behind." Napahinto ako dahil sa ganda ng boses niya. Kahit na alam kung medyo dramatic ang weather ngayon dahil umuulan ay napayapa naman ang munti kong puso dahil sa boses niya.

Dahan dahan akong lumapit sa kinauupuan niya at nakita kong may nakasuksok na earphone sa taenga niya at nakapikit siya habang kumakanta. Kaya pala hindi niya ako napansin. Nakafull siguro ang volume niyan.

"But there's no sense in telling me. The wisdom of the fool won't set you free, but that's the way that it goes and it's what nobody knows, well every day my confusion grows." She continued singing the song that I don't even know kung ano ang title. Pero okay na rin kasi ang ganda ng boses niya. Feeling ko sumusuot ang boses niya sa kaluluwa ko.

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon