Perfect Pleasure-1

43.8K 551 26
                                    

Amanda's POV:

"Doc, sabi niyo gising na siya. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi parin niya iminumulat ang kanyang mga mata?" Rinig na rinig kong sabi ni Alex sa doctor.

"Sa ngayon, ang kailangan nating gawin ay ang maghintay. Hintayin na lang po natin kung kailan niya imumulat ang kanyang mga mata." Sabi ng doctor at rinig na rinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. Lumabas na siguro ang doctor.

Kanina pa ako nagising pero pinili kong ipikit ang mga mata ko. Ayoko kasing humarap sa mga tao.

Hindi ko kasi kayang makita ang mga mukha nila. Ayokong ipaalala sa sarili ko na kasalanan ko ang lahat kung bakit nagkandaletse-letse ang buhay nila.

Minsan naisip ko na sana... sana namatay na lang ako. Sana hindi na lang ako nagising. Pero bigla kong naisip ang mga anak ko. Paano na lang sila kung wala na ako? Sinong mag-aalaga sa kanila?

Kaya kahit masakit ay pinilit ko. Pinilit kong lumaban para mabuhay. Dahil alam kong may kailangan pa akong gawin, at hindi pa ito ang katapusan ng lahat. Kailangan ko pang tapusin ang lahat ng nasimulan ko.

"Babe?"

May biglang bumara sa lalamunan ko nang marinig ko ang boses niya. Ang boses na palagi kong naririnig sa panaginip ko. Ang boses na nagpapaalala sa mga kasalanang nagawa ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan na hinaplos ang mukha ko.

"Babe, alam kong naririnig mo ako. Gumising ka na, please. Hinahanap ka na ng mga anak mo. Hinahanap ka na ng mga taong nagmamahal sayo. Babe, please. Huwag mo na kaming pahirapan."

Alam kong umiiyak siya dahil sa tono ng boses niya. At kunting-kunti na lang talaga at tutulo na ang luha sa mga mata ko.

Pero kahit sobrang sikip na ng dibdib ko ay pipigilan ko parin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Dahil ayokong imulat ang mga mata ko. Ayokong siya ang una kong makita dahil alam kong iiyak ako. Ayoko na. Sawa na ako. Sawang sawa na ako sa kakaiyak.

"Kuya, nahuli na daw ang driver sa audi na bumangga kay Amanda. Kailangan ka daw nila para ayusin ang lahat tungkol sa aksidente, at pati narin sa pagkamatay ni Myrtle."

Bigla kong iminulat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. At sa pagmulat ko ay kasabay naman non ang pagbitaw ni Alex sa kamay ko at dali-dali siyang lumabas sa kwarto.

Nakita kong nakatalikod si Rona sa akin at lalabas na rin sana siya sa pintuan, pero bago pa man siya makalabas ay tinawag ko na siya.

"Rona." Pabulong na tawag ko sa kanya pero alam kong narinig parin niya ito sa kabila ng kahinaan ng boses ko dahil napahinto siya.

Dahan-dahan siyang lumingon sakin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Tumakbo siya palapit sakin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Amanda. God! I missed you. We missed you so much!" Pahikbi na sabi niya habang nakayakap siya sakin.

Hinagod ko ang likuran niya at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng masasaganang luha sa mga mata ko.

Hindi ko siya sinagot at iyak lang ako ng iyak. Nang matapos ang pagyayakapan namin ay hinarap ko siya. Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko.

"Na-nasaan si Myrtle? Nasaan ang kapatid ko?" Dire-diretsong tanong ko sa kanya at nakita kong natigilan siya sa tanong ko.

"A-ano... kasi... Amanda..." Nauutal niyang sagot at bigla siyang tumayo.

"Ano?" Napataas ang boses ko dahil sa kabang nararamdaman ko.

Huwag niyong sabihing tama ang hinala ko?

Mistaken Pleasure SPG (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα