Kabanata 4

2.9K 163 3
                                    


"Bat mo ba sinasaktan ang sarili mo? Pag nasasaktan ka,nasasaktan rin ako." napatitig ako sa kanya. Bahagyang umaawang ang aking bibig. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya kanina.

Dahil ayokong mapahiya sa harapan niya ay hinablot ko ang kamay ko na hawak niya. Pakiramdam ko ay parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako.

"E-excuse me,hindi ko sinasaktan ang sarili ko. Nakadrugs ka ba at kung ano-ano pinagsasabi mo?" pagtataray ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa ako napapahiya sa mga tao. They always said na I'm perfect na minsan ay kinaiinggitan na nila ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Iba ang kasuotan  niya ngayon.

He's wearing a Blue plain T-shirt and a khaki pants. Mukhang may lakad siya dahil sa suot niya. Maayos din ang pagkakaayos ng buhok niya at nagmukha na siyang...o well,nagsisinungaling ako kung sasabihan ko siyang panget but nah,he's totally handsome right now.

"Drugs? Hindi 'no. Meron na akong kinaadikan." tawa niya at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko na naman ang kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Siguro kung ibang lalaki ang kaharap ko ay masusuntok ko siya sa pabigla-biglaang hawak niya sa kamay ko pero hindi,bakit pakiramdam ko ay kilala niya ako?

"Masakit ba ang mga kamay mo?" tanong nito sa'kin habang pinagmamasdan ang mga daliri ko. Hindi ako makagalaw sa ginagawa niya.

"N-no." sagot ko at binawi ang kamay ko na hawak niya at itinago sa likod ko.

"Ba't ka pala nandito?"

"W-wala,naglalakad lang. Saka,hindi mo naman siguro 'to pag-aari kaya hindi mo ako pwedeng bawalan." sabi ko at nagsimulang maglakad. Naramdaman ko na sumusunod rin siya sa'kin.

Hindi ko napansin na napapangiti na ako nang wala sa oras.

"Sa'n ka pala pupunta at ganyan ang ayos mo?" tanong ko sa kanya.

"Sa isang pagpupulong lang." aniya. Ngayon ay napatigil ako at hinarap siya. He smiled at me.

"Edi pumunta ka na doon. Ba't mo pa ako sinusundan?" pagtataboy ko sa kanya.

"Ayoko nga. Hindi ako gaanong kaimportante doon atsaka isa pa ay baka maligaw ka." tinaasan ko siya ng kilay. Kala naman niya sa'kin ay bata para maligaw pa.

"No,I'm not. Sige na,pumunta ka na doon." tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad ulit.

Hindi ko na naramdaman na may sumusunod sa'kin. Baka umalis na siya. Pero bakit parang nadisappointed ako? Hell no! That can't be happening. Hindi siya gaanong kaimportante para malungkot ako.

Lumingon ako sa paligid at wala na talaga siya. Arrgh! Matapos mo siyang paalisin Summer tapos ganyan iaasta mo? Whatever.

Dahil sa inis ko ay binalingan ko ang mga maliliit na bato at pinagsisipa.

At pag minamalas ang isang magandang kagaya ko ay bigla nalang akong nadapa dahil sa mali ang pagsipa ko sa bato. Nagsisi tuloy ako na pinagsisipa ko pa yang mga bato!

Pero ang pinakamasakit ay dumudugo ang tuhod ko! My precious knees!

Hindi ako makatayo dahil sa hapdi na nararamdaman ko.

May nakita akong pares ng paa na nasa harap ko ngayon. Napaangat ang tingin ko at nakita ko siya,na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pangalan niya.

Lumuhod siya sa harapan ko at inilagay sa likod ng tenga ko ang mga hibla ng buhok ko na natatakpan ng mukha ko.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Binuhat niya ako at pinaupo sa isang malaking bato. Nakakahiya ang eksena namin ngayon at mabuti nalang ay walang mga taong dumadaan sa lugar na ito.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Where stories live. Discover now