Kabanata 16

2K 121 13
                                    

"SUMMER!" napabalikwas ako ng bangon. Hinahabol ko ang aking hininga. Napansin ko rin na pawis na pawis ako.

Napatingin ako kay Autumn na kunot noong nakatingin sa akin.
Nakapameywang ito sa akin.

"Gumising ka na at may pupuntahan daw tayo." tinalikuran niya ako at lumabas ng kwarto.
Tulala lang ako na nakatingin sa pinto.

"Dmitri..." hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang nabigkas ang pangalan ni Dmitri. Dahil ba sa panaginip ko?

Pero bakit?

___

"Summer," rinig kong tawag sa akin ni mommy. Nasa kusina sila at kumakain. Hinalikan ko muna sa pisngi si mommy, si daddy at si lola bago umupo sa tabi ni Autumn. Wala ang mga pinsan ko ngayon.

"Aga mong magising ah." biro sa akin ni Winter. Inirapan ko nalang ito at kumuha ng tinapay at palaman.

"Sa'n tayo pupunta?" tanong ko habang pinapalaman ang tinapay.

"Sa flower plantation. Gusto daw bumisita doon ni Autumn kasi uuwi na tayo bukas sa manila." napatingin ako kay Autumn na tahimik na kumakain.
Nang mapansin niyang lahat kami ay nakatingin sa kanya ay umangat ito ng tingin.

"Ha?" mukha pa atang lutang si Autumn ngayong araw.

"Diba gusto mong pumunta sa flower plantation kasama si Summer at si Winter?" tumango si Autumn at malapad na ngumiti.

"Oo nga. Pagbigyan mo na ako sister-dear saka brother-dear kasi diba, di na tayo babalik dito next year." agad akong napatayo sa sinabi ni Autumn. Halos lahat sila nakatingin sa akin.

"What's the matter, sweetie?" tanong ni mommy sa akin. Yumuko lang ako at umiling.

"W-wala po." sabi ko at umupo muli.

Hindi na ba talaga kami babalik rito? Paano siya?

"Sasama ka ah." wala sa sariling tumango ako sa sinabi ni Autumn.

Matapos kumain ay nagbihis na ako. I just wear a simple light blue summer dress. Nakatirintas ang buhok ko.

"Let's go." sabi ni Autumn. Sinuot ko ang straw hat ko bago lumabas.

"Before 6, dapat nandito na kayo." paalala ni mommy. Humalik ako sa pisngi ni mommy.

"Yes naman mother-dear." sabay saludo ni Autumn. Hindi van namin ang gagamitin kundi ang pamilyar na kulay red na kotse. Napairap ako. Kay Sigfend ang kotse'ng iyan.

"Sasama yan?" bulong ko kay Autumn habang papalapit na kami sa kotse. Masaya itong tumango at malisyosang tumingin sa akin.

Sa passenger seat sana ako sasakay pero pinigilan ako ni Autumn. Sa unahan daw ako sumakay at silang dalawa daw ni Winter sa likod. Napairap nalng ako sa kanilang dalawa bago sumakay sa kotse.

Bumulagta agad ang mukha ni Sig sa akin pagpasok ko. Nakashades ito at light blue polo.

"Hello beatiful lady." tinanggal niya ang shades niya at kinindatan niya pa ako.

"Hello mo mukha mo." masungit na sabi ko at sinuot ang seatbelt.

"Sungit naman." aniya at ini-star ang engine ng kotse. Di ko na siya sinagot.

Silang tatlo ang nag-uusap samantalang ako ay tahimik lang hanggang sa makarating sa flower plantation.

Kinakabahan akong bumaba ng kotse.

Makikita ko siya.

Isinukbit ni Autumn ang kamay niya sa braso ko at hinila papasok ng flower plantation.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Where stories live. Discover now