Kabanata 14

2K 104 8
                                    

Agad siyang natigil sa pagtugtog ng piano at patakbo siyang lumapit sa akin.

"Ayos ka lang ba?" hindi ako nakaimik. Halos marinig ko na ang nagtatambulan kong dibdib.

"A-ayos lang." inalalayan niya akong tumayo at nag-aalala siyang tumingin sa akin.

"Wala bang masakit sa'yo?" hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya.
Hindi ako nakaimik. Ayokong aminin ang nararamdaman ko.
Ayoko.

"U-uuwi na ako." sabi ko at inalis ang kamay niya sa mukha ko.

"May nangyari ba?"

"Wala." sabi ko at tumalikod.

"Nalaman mo na ba?" natigilan ako sa tanong niya. Anong ibig niyang sabihin? Nalaman ang ano?
Posible bang alam niya na mahal ko siya?

Hindi ko nalang pinansin ang tanong niya at naglakad papalabas ng mansiyon.

Alas singko na at hinatid niya ako sa puno na malapit sa bahay. Wala kaming imikan kanina pa.

"Baka bukas, hindi ako makapunta." sabi ko sa kanya at iniiwasan ang tingin ko sa kanya.

Hinawakan niya ang aking kamay na agad kong inalis dahil sa kuryente na dumaloy sa katawan ko.

"Summer..." tawag niya sa akin pero hindi ko parin siya tinitingnan.

"Uuwi na ako." tumalikod na ako sa kanya.

"Summer, natatakot ka na ba sa akin?" agad ko siyang hinarap at nakita ko ang pamumula ng mata niya.
Umiiyak ba siya?

"Natatakot saan?" nagtataka kong tanong sa kanya. Agad niyang pinunasan ang mata niya at ngumiti sa akin. Nag-flashback sa utak ko ang lalaking nasa picture ng mansiyon. Si Dmitri. Kamukhang-kamukha niya talaga.

"I-ingat ka." kumaway pa ito sa akin. Hindi ko nagawang ngumiti at tumalikod nalang ako.

Ayokong mas lumalim ang pagmamahal ko sakanya dahil hindi kami magkakasama. Dahil ayokong mawalay sa kanya.

_

"Summer!" I heard Autumn voice pagkapasok ko sa bahay. Nandun si Sig na nakikipaglaro sa mga pinsan ko.

"What?" binaling ko ulit ang tingin ko kay Autumn.

"Mabuti nakauwi ka na habang wala pa sila mommy." tumango lang ako sakanya bago siya nilagpasan at umakyat sa kwarto. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.

Agad kong binalibag ang shoulder bag ko sa kama at humilata. Niyakap ko ang unan at isinubsob ang aking mukha.

Sumagi sa isip ko ang namumulang mata ni Esclavo. Hindi ko alam kung bakit niya natanong kung natatakot ako sa kanya? Hindi ako natatakot. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Dahil alam ko na hindi ko na 'to kayang pigilan.

Umupo ako sa pagkakahiga ko. May kinuha ako sa drawer at nandun parin ang rose na bigay niya sa akin. Hindi parin ito nalalanta. Inamoy ko ito at naamoy ko ang amoy niya.
Nilapag ko ito sa table at napabuntong hininga.

Agad akong napamulat nang mahulog ang aking bag. Malakas ang kalabig nito. Agad ko itong pinulot at lumabas ang kahoy na box.

Naalala ko na kinuha ko pala ito sa mansiyon. Umupo ako sa kama at sinimulan ko itong tingnan.

I tried to do a lock picking but I can't. Napapitlag ako nang may kumatok.

"Pasok!" iritado kong sigaw dahil inaabala niya ako. Bumukas ang pinto at si Sig pala iyon na may dalang juice. I rolled my eyes on him.

"What the hell are you doing here?" iritado kong tanong sa kanya. Inilapag niya ang juice  sa table kung saan nandun ang rose na bigay ni Esclavo. Agad ko itong kinuha at itinago sa drawer.

"Uhmm? Inom ka daw muna at baka pagod ka." aniya. Hindi ko siya pinansin at akala ko ay aalis na siya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin nang makitang abala ako sa pagbubukas sa  box.

"Trying to open this." sagot ko.

"Uhh. Gusto mo tulungan na kita?" he asked. Tiningnan ko siya at mukhang seryoso naman siya. Inabot ko ang box sa kanya kaya napangiti siya.
Binusisi niya ang box.

"This box is kinda familliar. Sa'n mo 'to nakuha?" tanong niya.

"It's none of your business." sagot ko at kinuha ang juice na dala niya. Ako na nga tinutulungan pero ang rude ko pa rin.

"Click!" tuluyan nang nabuksan ang box. He was about to open it nang pigilan ko siya. Ako na muna ang dapat makaalam ng loob nun.
Agad ko itong inagaw sakanya at itinago sa aking likod.

"Thanks,pero hindi ko muna ito maipapakita sa iyo." sabi ko. Nakakunot-noo siyang tumingin sa akin.

"Ha?" nagtatakang tanong nito.

"I mean, iwan mo muna ako, please." ngumiti ako nang pagkatamis-tamis na halos pag-ginagawa ko yun ay walang nakakatanggi pag may favor ako sa isang tao. Sinasabi nilang secret weapon ko daw yun.

"O-okay." sabi niya. Akala ko tuluyan na siyang aalis nang tumigil ito at lumingon sa akin.

"Parang nakita ko na talaga amg box na yan." aniya at lumabas na ng kwarto. Baka guni-guni niya lang yun.

Tiningnan ko ang box. Kumabog ang dibdib ko sa di ko alam na dahilan. I opened it at napa-ubo ako dahil may lumabas na alikabok galing sa box.

Nang masiguro kong wala na ay tuluyan ko na itong binuksan. All I can see is a old paper at isang maliit na notebook. May panyo rin ito na halos masira na dahil sa pagkaluma.

Tiningnan ko ang mga sulat at napahanga na lang ako dahil napakaganda ng sulat. Dahan-dahan ko itong hinahawakan dahil baka mapunit. Nanlaki ang mata ko nang makitang may signature ni Dmitri. So sakanya ang sulat na ito?

Hindi ko gaanong mabasa ang mga letra dahil masiyadong maliit at may parang may mga mantsa.

Tiningnan ko nalang yung notebook. Luma narin ito at pagbukas ko nito ay may nagsilaglagan. Mga pictures pala.
Yung unang pictures ay ito yung picture ni Dmitri. Sumunod ay tatlong lalaki ang nandun at isa na dun si Dmitri. Ang huli naman ay si Dmitri parin ngunit may kasama siyang hindi pamilyar na babae.

Kumirot ang puso ko sa hindi ko alam na dahilan. Isiniwalang bahala ko nalang ito at sinundan tiningnan ang loob ng notebook. Puro impormasyon lang ni Dmitri ang nandun. Labing walong taon na pala siya. May tatlong babaeng kapatid at nag-iisang anak na lalaki ni Solomon Fernandez at Maria Buenaventura.  Wala ng iba pang nakasulat sa notebook. Last na tiningnan ko ay ang panyo. Nang ipagpag ko ito ay puro alikabok ang nandun hanggang mapansin ko ang isang burda na nakasulat dito.

D.V.F

I think it means his name. Dmitri Valerio Fernandez.
Pero mukhang nakita ko ang letters na yan. Hindi ko lang alam kung kanino at hindi ko matandaan.

Lumalala na ata ang pagiging makakalimutin ko.

Agad kong binalik ang mga gamit sa box at itinago sa ilalim ng unan nang pumasok si Autumn na sobrang saya.

"Summer!" tili nito. Niyugyog niya pa ako. Tiningnan ko siya nang masama kaya binitawan niya ako.

"I have a good news on you!" sabi niya habang nagtatalon.

"What?"

"Oh my god! Oh my god! I can't believe it!" binato ko siya ng unan kaya agad siyang natahimik.

"Ano ba kasi iyon? You're wasting my time, Autumn." inis na tanong ko sa sakanya.

"Ito na nga, atat ka masiyado eh." inirapan ko nalang siya.

"Ano na?"

"Sinabi sa akin ni mommy na..." pabitin niyang sabi.

"Na?"

"Na..."

"Isa pa Autumn, tatamaan ka na sa akin."

"NA UUWI NA TAYO SA NEXT NEXT DAY SA MANILA!! YOHOOO!"

W-w-what?

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz