Kabanata 7

2.4K 135 2
                                    

Isang linggo ang lumipas na hindi ako lumabas. Hindi muna ako sumama kila Autumn at Winter sa mga gala nila. Bakit nga ba? Ewan ko,iniisip ko na baka magkita ulit kami. Nahihiya kasi ako kasi muntik na kaming magkiss. Nevermind.

Anyway,sabi ni lola nagbukas na ang flower plantation kahapon so that means marami na ang pupunta doon. Ibig sabihin may mga sexy na makikita siya. Ano bang pinag-iisip ko?!

Natigil ako sa pagmu-muni-muni nang marinig ko na pumasok si Autumn. She's smiling like an idiot. Humiga siya sa kama sa tabi ko.

"Summer." tawag nito sa akin.

"Oh?"

"Summer..." hindi niya lang ako tinawag kundi kinurot-kurot pa ako. Inis ko siyang tinulak para mahulog siya sa kama.

"Aray ko naman!" inirapan ko lang siya. Umupo siya sa kama ngunit malayo sa akin at ngumiti nang malapad.

"Hehehe. Summer,may pogi akong nakita. Ang wafuuu!" sabi nito habang pumapalakpak. Hindi ko na siya pinansin. Lalaki lang pala.

"Summer,sama ka samin mamaya." hindi ako umimik. Ayoko,baka makita ko ulit siya. Argh! Bakit nga ba ako nagkakaganto? Simpleng lalaki lang siya,Summer!

"Pupunta kami sa flower plantation sa lupain ng Tierra. Ibig sabihin,makikita namin yung lover mo sister-dear."

"Anong lover pinag-sasabi mo?!" inis na tanong ko sa kanya pero tinawanan niya lang. Hinagisan ko siya ng unan na nasalag naman niya.

"'Wag ka nang mag-deny sister-dear. Kambal tayo,remember. Inlove k--" di ko na siya pinatapos at tinulak-tulak ko na siya hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Agad kong nilock ang pinto. Rinig ko ang pagkalampog niya sa pinto.

"Hoy Summer! Kwarto ko rin yan! Buksan mo ito!" hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa drawer. Kinuha ko doon yung rose na bigay ni Esclavo sa akin. Hindi pa ito lanta kahit isang linggo na ang lumipas.

Inamoy ko ito at napaisip.

Pupunta ba ako?

***

"Ahuh,ahuh. Sasama ka rin pala sister-dear." hindi ko siya pinansin at patuloy lang pagkuha ko ng litrato sa mga bulaklak.

Hindi ko alam kung bakit ako napasama dito. Parang may nagtutulak sa isip ko na sumama ako.
Isinantabi ko na lang na baka makita ko siya. Ano naman kung makita ko siya?

Lumayo-layo muna ako sa pamilya ko at sa tahimik na bahagi ng flower plantation ako pumunta. Malawak naman kasi itong flower plantation at kalahati nito ay puro sun flower.

"Ehem." may kumalabit sa akin na agad kong nabosesan ang boses. Nagsimula na akong kabahan. Kahit halos mahulog na ang puso ko ay lumingon parin ako. Hindi ito nakasuot ng pantrabaho. Simpleng T-shirt na blue at shorts lang saka nakatsinelas lang siya.

"Nakasimangot ka na naman." puna nito na inirapan ko nalang.
Tiningnan ko kung nasaan ang pamilya ko pero malayo sila rito kaya posibleng hindi nila kami makita.

"Ngiti ka naman." tumalikod ako at nagsimulang kumuha ng litrato. Halos marinig ko na ang kabog ng aking dibdib.
Ginulo nito ang buhok ko kaya nairita ako.

Binaling ko ang tingin ko sa kanya.

"What do you want?" masungit na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakagan'to ako. Argh!
Sumeryoso ang mukha nito at tiningnan ako sa mata.

"Galit ka ba?" tanong nito. Galit ba ako? Hindi naman ah. Ba't ba ako nagsusungit?
Hindi pa ako nakakasagot nang hilahin niya ako at dinala sa puno. Ito yung puno kung saan una ko siyang nakita.

"Bakit dinala mo ako dito?" takhang tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay umupo lang at isinandal ang sarili sa puno.

"Galit ka?" umupo ako sa tabi niya.

"Hindi nga. Kulit mo." sagot ko. Ramdam ko lang ang titig niya sa akin kaya namula ang mukha ko.
Hindi ko na napigilang tumingin sa kanya.

"W-wag ka ngang tumitig." suway ko sa kanya pero ginula niya lang ang buhok ko.

"Hindi ako makapaniwala,ang laki mo na." bulong nito na hindi ko narinig.

"Ha?"

"Wala,wala." ngi-ngiting sagot nito sa akin. Kita namin dito yung mga tao na masayang nagp-papicture dahil sa ganda ng background. May mga bata rin na naglalaro. Kita ko rin dito kung anong ginagawa ng kambal ko.  May kausap itong foreigner at may pahampas-hampas pa itong nalalaman.

"Oo nga pala. Ilang taon ka na?" takhang tanong ko sa sakanya. Ilang araw din kaming magkasama pero di ko man lang alam kung ilang taon na siya.
Matagal itong hindi nakasagot.
H'wag niyang sabihin hindi niya alam ang edad niya or nakalimutan niya.

"L-labing walo na ata?" napakamot pa ito sa ulo na mukhang hindi niya nga matandaan. Napairap nalang ako.

"Hmp. Grabe ah. Edad mo,di mo maalala. Anyway, tatawagin na ba kitang kuya?" may halong pang-aasar sa boses ko. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. "Joke lang. Hindi ka naman mabiro." pambawi ko.

"Anong surname mo?" tanong ko ulit. Esclavo lang ang alam ko sa pangalan niya pero hindi ko alam kung ano ang apelyido nito. Gaya kanina,matagal itong nakasagot.

"Hmmm...Di ko matandaan."

"What? Are you serious?" nahihiyang tumango ito. Ngayon lang ako nakasalamuha na tao na kagaya niya.

"H'wag ka nang magtanong tungkol sa akin. Gusto kong malaman kung kamusta ka na?" nakakunot-noo ko siyang tiningnan. Isang linggo lang naman kami na nagkita ah.  Hindi ko alam pero nararamdaman ko talaga na kilala niya ako pero hindi ko lang talaga matandaan.

Napabuntong-hininga na lang ako sa pinag-iisip ko.

"Ayos naman ako." tipid na sagot ko sa kanya. Matapos nun ay wala nang umimik sa aming dalawa. Ramdam ko pa rin ang bilis nang tibok ng puso ko.

Nanlaki ang mata ko nang isinandal niya ang ulo nito sa balikat ko. Ramdam ko ang pamulala ng pisngi ko.
Mabuti nalang at hindi siya nakatingin.

"A-ano ba? Baka may makakita sa'tin." he remained silent. Hindi ko napigilan na maamoy siya. Amoy bulalak siya at hindi ko alam pero nagugustuhan ko ang amoy niya. Hindi siya kagaya nang mga amoy ng lalaki sa manila na kung saan matatapang ang amoy na masakit na sa ilong. Sa kanya ay kung aamuyin mo ay maa-alala mo ang lugar kung saan puro bulaklak. I wonder what is perfume he use.

"Dalawang linggo ka na lang dito diba?" tanong nito na ikinatahimik ko. Sa katapusan ng May ay babalik na kami ng manila. Dati,masaya naman akong bumalik sa manila at sabik na sabik pa akong umuwi dahil pasukan na naman pero ngayon,parang gusto ko pang magtagal.

"Oo." sagot ko.

"Babalik ka pa sa susunod na tag-init diba?"

"S-siguro..." umayos na ito sa pagkakaupo at tumingin sa akin. Nakita ko na may lungkot sa mga mata niya. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mata.

"May pabor ako sayo, Summer." ngayon ko lang ulit narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Ano kayang pabor ang gusto niya?

"Ano yun?"

"Gusto ko sana..." nag-aalinlangan pa ito kung sasabihin niya ba o hindi. Hindi ito makatingin sa mata ko.

"Na?"

"Sa loob ng dalawang linggo na nandito ka,gusto sana kitang makasama."

__

Yakanemori

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Where stories live. Discover now