Kabanata 5

3.1K 152 7
                                    


"Esclavo,sumisimbolo na sa una palang ay isa akong alipin." natahimik ako sa sinabi niya. Pilit kong priniproseso sa utak ko kung anong sinabi niya. Ang lalim kasi nang pagkakasabi niya.

Ngumiti ako sa kanya na minsan ko lang ipakita sa tao.

"Esclavo,not bad. Unique nga name mo eh. Saka isa pa,hindi ka alipin okay? Nagt-trabaho ka kaya hindi ka alipin. Magkaiba yun." pampalubag loob ba yung pinagsasabi ko. Ngumiti lang siya sa'kin.

Narinig ko na naman ang matinis na boses ni Autumn. Tiningnan ko si Autumn.
"Mabuti nakarating ka na. Naku naku,kala namin ay naligaw ka na." inirapan ko nalang at ibinalik ang tingin kay esclavo--teka,nasaan na yun? Wala na siya sa kinatatatayuan niya kanina. Inilibot ko ang paningin ko pero ni anino niya ay hindi ko na makita.

"Woy sis!" untag sa'kin ni Autumn. "Anyare say--Oh my gosh?! Anyare sa tuhod mo sis?" lumayo ito nang konti saakin na animo'y parang may nakakahawa akong sakit. Hindi ko na siya pinansin at hinanap kung nasaan ang pamilya ko.

Hindi parin maalis sa isip ko si Esclavo.

___

"Sabi ko naman sa'yo 'My eh. Lalampa-lampa itong si Summer. Ang laki-laki na,nadadapa pa rin." hindi ko na napigilan na masuntok si Winter sa braso.

"Woo! Totoo naman ah." himig ko ang pang-aasar sa tono niya. Nasa van na kami at pabalik na kami sa bahay. Nauna na ulit si lola kasama ang iba kong pinsan.
"Diba Autumn,lampa siya?" ngumiti naman si Autumn na malademonyo.

"Sa'n nga ba nagmana si Summer kundi sa'yo rin naman brother-dear." pang-aasar ni Autumn samin.

"Anong sabi mo?!" sabay na sigaw namin ni Winter kay Autumn na binelatan lang kami.

"Tama na ang pag-aasaran niyong tatlo. Ang laki-laki niyo na at parang bata pa rin kayo." saway samin ni mommy habang kalong-kalong nito si spring na natutulog.

"Hayaan mo na hon, pag iyan nagkaasawa na ay mamimiss mo na ang pag-aasaran nila." sabi naman ni daddy. Nagkunyaring nasusuka si Autumn.

"Asawa? What's that?"

"Yeah,baka ikaw maunang mag-asawa sating apat Autumn."

"Hell nah. Baka ikaw."

"Ahh. Kaya pala ang dami mong boy--" di pa natatapos ang sasabihin ni winter nang takpan ni Autumn ang bibig ni winter.

"Oo na! Talo na ako!" pagsuko nito at natawa nalang nang malakas si winter na animo'y nanalo sa lotto.

Hindi ko na sila pinansin at sinalpak sa tenga ko ang headset at ipinikit ang mata.

Pagkagising ko ay nasa bahay na kami. Bumaba ako ng van at nag-unat. Hinubad ko ang suot kong hat at naunang pumasok sa bahay.

Nandon sa sala ang mga pinsan ko na naglalaro kasama si lola.

"Summer,kamusta na ang sugat mo?" tanong sakin ni lola.

"Ayos naman po siya 'la. Hindi na po masakit." sagot ko. "Akyat lang po ako sa kwarto." tumango lang si lola at ako naman ay tumakbo papuntang taas. Nilock ko muna ang pinto para hindi makapasok si Autumn at hindi ako guluhin.
Nilapag ko ang camera ko sa table at umupo sa gilid ng kama.

Chineck ko yung sugat ko at nakita kong magaling na ito. Wala ng dugo o gasgas o kahit peklat man lang. Tiningnan ko yung dahon na ipinantapal dito ni Esclavo pero kahit kailan ay hindi ko pa nakikita ang dahong ito. Wala ring bakas ng dugo ang dahon. Inilagay ko sa lamesa ang dahon.

Kinuha ko malinis na panyo at sinuri ito. May nakaburda ditong tatlong letra. D.V.F. Ano ibig sabihin nito? Imposible namang pangalan niya ito kasi E ang simula ng name niya.
Nevermind.

It Was Summer When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon