Chapter 03

659K 20.8K 7K
                                    

#PTG03 Chapter 03 

"Joey!" I shouted when she finally picked up the phone. It's so hard to reach her these past few days. I understood naman na busy siya, but it wasn't that hard to reply to a text. It literally takes just a few seconds.

"Ang aga-aga," reklamo niya. She, then, yawned. "Bakit? Ang dami mong text."

"Dalaw ako d'yan sa Sunday."

"Okay... Dala kang pagkain. Wala ng stocks 'yung cupboard ko," sabi niya. Bakit kaya 'di siya manghingi kay Psalm?

"Fine, fine. But please convince mo naman si Jax na sabay na kami... Please?" I pleaded even more. It had been another week at law school. Patagal nang patagal ay parami rin nang parami iyong binabasa ko. Ang hirap humanap ng time para lumandi kay Jax. Alam mo 'yun? Gusto mo naman lumandi, but acads kept on getting in the way!

"Si Jax pa rin, I see... I thought makaka-hanap ka ng iba d'yan sa law school. Sobrang loyal mo kay Jax, Kitty," sabi niya na natatawa.

Hindi ko rin alam bakit sobrang loyal ko sa crush ko kay Jax. I still can appreciate other guys, but at the end of the day, si Jax pa rin iyong hinahanap ko. Masyado yata talaga akong tinamaan nung nag-usap kami about conspiracy theories. Hanggang ngayon, humihiling ako ng isang buong gabi pa na magka-usap kami. Basta mag-usap lang kami tungkol sa kahit na ano'ng bagay... God, that would be so wonderful.

"Alam mo ba, may babae na lagi akong nakikita na kausap niya," sabi ko kay Joey. Para akong tanga na nagsusumbong sa kapatid ng crush ko. But Joey's on my side! I'm her unofficial sister-in-law!

"I'll take a guess... Chinita? Maputi? Laging maraming tinatanong kay Jax na akala mo dictionary ang kapatid ko?" tanong niya.

"Oh, my god, oo! Bakit mo siya kilala?!"

Tawa nang tawa si Joey. She really was enjoying this. "I forgot her name kasi 'di ko talaga tinandaan, but nung first year ni Jax, nagpunta sila ng group niya sa bahay para tumapos ng presentation. Lima naman sila sa group, pero napansin ko lang talaga 'yung babae kasi buong gabi siyang naka-dikit kay Jax. Kulang na nga lang sabihin na sa kwarto siya ni Jax matutulog, e."

"She wouldn't dare! Ako nga hindi pa nakaka-pasok 'dun, e!" I fumed.

"Sabi ko naman sa 'yo ipupuslit kita papasok, e. May susi ako ng kwarto nun!" sabi niya.

"Magagalit sa 'tin 'yun."

"Hindi naman niya malalaman."

"OC 'yun," I said. "Malalaman nun kapag may pumasok sa kwarto niya." One time, nung undergrad pa namin, napilit ko si Jax na sabay kaming mag-aral—actually kaming tatlo iyon ni Joey, pero umalis din agad si Joey kasi pinaalis ko agad siya—tapos ginalaw ko iyong gamit ni Jax kasi curious ako... Tapos nalaman niya. Hindi ko naman ginalaw nang sobra, pero alam niya lang talaga. Ganoon siya ka-OC.

Nag-usap pa kami ni Joey hanggang sa maubos na iyong pag-uusapan namin. But hindi ko rin siya tinigilan hanggang hindi siya nagpa-promise na sasabihin niya kay Jax na isabay ako kapag pumunta sa apartment niya sa Cavite. Alam ko naman kasi na hindi makaka-tanggi si Jax kay Joey.

* * *

Late akong pumasok sa school. Nagpa-late talaga ako dahil naiinis na ako sa kulit ni Iñigo. But hindi ko rin naman siya masisi if ako ang kinukulit niya... Sobrang seryoso ng mga tao sa classroom. Sobrang competitive. Hindi ko alam if law school kasi kaya ganoon, or dahil napunta ako sa laude section kaya sobrang competitive talaga ng mga tao.

"Jax..." tawag ko sa pangalan niya. Kanina pa ako silip nang silip sa braso niya. Hindi naman ma-muscle si Jax, sakto lang. Although siguro mas bagay if mas tanned siya... Pero bagay din naman sa kanya iyong pagiging mukhang anemic niya.

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon