Chapter 21

614K 19.1K 12.4K
                                    

#PTG21 Chapter 21

Jax is a very confident person—hindi iyong mayabang o kung anuman—but with the type of environment law school forged us to become, he's very assured of himself. I'd seen him debate once... and damn. We made out so hard after that. Sobrang gwapo lalo ni Jax kapag nilalampaso niya iyong mga kalaban niya sa debate. Kaya rin siguro minsan pinipikon ko si Jax. Ang hot niya kasi kapag nakikita ko na naiinis na siya sa 'kin.

But all that confidence? It went missing nung aalis na siya sa study area. I swore I saw him sweating so hard. Alam niya kasi na hindi man siya makita nila Yaya na umalis, makikita siya ng guard. And as they say, news travel fast.

"Kumalma ka nga," I said. I was back to wearing my jacket. Jax forced me to wear it dahil naiilang pa rin yata siya na makita akong walang suot. Tss. As if nahihiya siya kanina pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa 'kin.

"Tahimik muna, please, Katherine," sabi niya habang parang tanga na naka-silip sa pintuan. It was already 3am. I was sure na naka-uwi na sila Yaya from the concert. Sure din ako na natutulog na sila. Ewan ko ba kay Jax. I

I stood up, and pulled him back to the couch. "Dito ka na lang, please? Tapos sabihin na lang natin kila Yaya na maaga kang pumunta. Lagi mo namang ginagawa 'yun," I said, trying to convince him. Pero alam ko naman na hindi siya papayag. He's very... protective of his image kila Yaya. As if naman hindi pa kami nahuli ni Yaya before! Napa-sign of the cross pa nga si Yaya nung nahuli kaming gumugulong sa sahig, e.

"I need to go home."

"Wala rin naman sila Tita, 'di ba? Sabi mo may conference siya. Tapos si Tito din sabi mo may operation kaya nasa hospital lagi. Dito ka na lang, please?" I urged still.

I kept on pulling his arm until I finally got him to look at me. Medyo naka-kunot iyong noo niya habang naka-tingin sa akin. I gave him a small smile.

"Fine... but we'll just sleep."

My smile was replaced with a grin. "My, my... ano ba'ng naisip mo na gagawin natin, ha?" I asked while my fingers were crawling on his chest. "Jax, we're gonna sleep. As in literally. I promise."

Jax rolled his eyes again. "Fine. Basta matutulog lang."

I laughed. "I promise," I reiterated.

The couch was huge enough for the both of us, but Jax wrapped me inside his arms para hindi ako mahulog. I snuggled closer against his chest. I love it when we're like this. As in ganito na talaga iyong gusto ko forever. Siya na talaga. Ito na talaga.

"What's your plan this summer?" I asked after I yawned. This week had been hard. Halos wala pa akong tulog dahil sa dami ng inaral ko for finals. Alam ko na mas pagod si Jax dahil mas marami siyang subject kaysa sa akin. I kinda felt bad dahil pinagod ko pa siya ngayon.

"You. You're my plan this summer."

I wrinkled my nose. Kainis. Kung anu-ano na naman lumalabas sa bibig nito. "Ano nga?"

He hugged me tighter. "There's no plan, really. Hindi kami gumagawa ng plano kapag summer kasi busy sila Mama sa trabaho. Dati kami ni Joey 'yung umaalis, pero busy na rin siya sa school."

I looked up to see his pretty face. "San mo ba gustong pumunta? You're my plan this summer din kasi," I said, smiling at him. Hindi ko alam bigla kong kinagat iyong baba niya. Kinunutan niya na naman ako ng noo. Sarap kasing kagatin nito, e.

"Ikaw? San mo gusto?"

"Hmm... Beach?" sabi ko. Gusto ko talagang paarawan si Jax.

He nodded. "Okay," he said, then planted a kiss on the top of my head. "We'll go to the beach..." he continued, but in a fainter voice. Tinignan ko iyong mga mata niya na ngayon ay naka-sara na. Napa-ngiti ako. He's so tired.

Play The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon