CHAPTER 2 : WELCOME TO HELL UNIVERSITY

4.6K 76 10
                                    


Chapter 2 : Welcome to Hell University
Alexa / Kaith Pov

Agad akong napamulat ng mata ng may malamig na kamay ang humawak sa akin. Sabay din noon ang paglumpisak ko sa semento at paghabol ko ng hininga. I dont know what happen pero sobrang nanghihina ako.

"Hala oi, okay ka lang ba?" Inalalayan nila ako sa pag-upo ng napansin kong naka suot ako ng di pamilyar na uniporme. Isang unipormeng ngayon ko lang nakita. Bat ba ako naka uniform? Ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyari?

"Hooy! Ano okay ka lang? Anong nangyari sayo?" Isang babae ang lumuhod sa harap ko at tinatapik tapik pa ang mukha ko. Ngayon ko lang siya nakita pero inferness ang ganda niya. "O-oo okay lang ako. Salamat," sabi ko. Napabuntong hininga naman siya at humandusay sa semento.

Sino ba to?

"Tinakot mo naman ako doon, Alexa." Napakunot ako ng noo sa pangalan na binanggit niya.

"Aarte arte kasi kaninang umaga ee. Ayaw kumain ayan tuloy." Singit pa ng isang babae. Inilibot ko ang paningin ko at tatlong di pamilyar na babae ang nakapalibot sa akin ngayon.

Tatlong babaeng as in hindi ko kilala, pero sobra kong mag-alala sa akin. Teka school ba to? Bakit nasa school ako?! Malabong school ko to, malayong malayong maging school ko to dahil obviously hindi ganto ang school namin. At lalong hindi ganto ang uniform namin. Pero bakit ganto ang suot ko? What the hell is happening. Tinatawag din nila ako sa ibang pangalan. What was that again? Alexa? Who's Alexa.

"Anong nangyayari? Sino kayo? Sinong Alexa? Hindi ako si Alexa." Pero ang mga loka tinawanan lang ako. Hindi kaya,"Teka---- isa ba itong panaginip?" Tanong ko. Isa lang naman kasi ang pwedeng mangyari. Nagulat ako ng may biglang bumatok sa akin na sanhi ng pag-aray ko.

"Hahahaha lakas mo maka good vibes. Pero hindi ka nakakatuwa, umayos ka ha pinag-aalala mo kami." Sabi nitong bumatok sa akin. Ang sakit nun ah! Teka omg! So it means hindi ako nanaginip?

"Tara na! Ma la-late na tayo niyan e!" saka nila ako hinila. Sino ba itong tatlong babaeng to. Naman oh, sumasakit ang ulo ko sa nangyayari, parang kanina lang nasa library ako tapos kasama ko sila Lovely. Naglilibot libot pa nga kami nun ng may nakita siyang libro tapos,Yung libro nagliwanag, tapos wala na akong maalala.

"Nasaan tayo?" Tanong ko ulit. I know nakukulitan na sila sa akin pero kailngan kong malaman kung asan ako at ano ang nangyayari. Napahinto sila sa paglalakad at binigyan ako ng ano bang nangyayari sayo look.

"Alexa, hindi ka lang kumain nag ka-amnesia ka na agad?" Niyapos niya pa ako sa noo."Hindi ka naman mainit----aray ko ah!"Nagulat kami ng may isang babaeng nakabunggo sa babaeng madaldal na to.

While yung babaeng nakabunggo sa kanya e deretsyo lang sa pagtakbo. Hindi niya ba alam na bawal tumakbo sa corridor? Hindi pa marunong mag-sorry! Pero kapansin pansin ang pagewang gewang niyang takbo. Lasing ba siya? Nakahawak pa siya sa braso niya. Braso na may dugo!? Namilog ang mata ko ng makitang tumutulo ang dugo sa mga braso niya!

"Teka, saglit!" Habol ko rito pero bigla akong pinigilan ng isa kong kasama na hindi ko alam ang pangalan hanggang ngayon."Dont. Kung ayaw mong madamay, wag na wag kang tutulong." Itatanong ko sana kung bakit pero naunahan akong magsalita nitong isa.

"Unless gusto mong ikaw ang nasa posisyon niya." Dagdag naman n'ya na nagpakalma sa akin para tulungan sana siya. Bakit? Bakit parang normal lang sa kanila makakita ng isang babaeng duguan? What the hell, tao pa ba mga to?

"Pero---" Pagmamatigas ko ng may biglang pumutol sa sasabihin ko.

"Trying to be brave?" Tinig ng isang lalaki mula sa likod ko. Agad akong napaharap sa gulat at siyang pag hupa ng ingay sa paligid. Pansin ko ring kusang nahawi ang umpukan ng mga estudyante sa paligid.

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now