CHAPTER 4 : BLOODY NIGHT

2.7K 46 7
                                    

May konting pagbabago lang :)

Chapter 4: Bloody Night
Alexa / Kaith Pov


Maaga akong nagising actually hindi ko nga sigurado kung nakatulog pa ba ako. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko. Tulad ng kung makakalabas ba kami dito, kung paano ko ba hahanapin mga kaibigan o kung mahahanap ko pa ba sila. Fuck i dont know what to do! Im begging and hoping na sana isa lang tong panaginip but its not. Napatingin ako kila Tricia na mahimbing pang natutulog kaya kusang gumalaw ang mga kamay ko para maghalungkat ng mga gamit ni Alexa na mapapakinabangan ko, hindi naman ako nabigo at kahit papaano ee my mga nakita ako.

Pagkatapos minabuti ko na mag-isang puntahan ang magiging first subject ko kahit na nahirapan akong hanapin to.  Nasalubong ko rin yung mga sinasabi ni Ma'am Librarian na mga characters ng libro na itinuro niya sa akin kagahapon. Mukhang nagmamadali nga sila e. Saan kaya sila pupunta? Magugulo kaya ang istorya kung sakaling pipigilan ko sila?

"Napa aga ata ang gising ng isang daga." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang nakasandal ngayon sa pinto ng classroom. Nakasandal lang siya at ngingisi ngising nakatingin sa akin. Kung 'di ako nagkakamali siya yung babaeng nagbato ng kutsilyo kay Ma'am kagahapon. Naman oh! Pati ba naman sa first subject classmate namin to?

"Ano ba yan. Napaka walang kwenta mo namang kausap."Aniya ng wala siyang makuhang sagot mula sa akin. Eh sa 'di naman kami close no mamaya batuhin pa n'ya ako ng----! ANAK NG! Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Napatingin ako sa maliit na kutsilyo na bumagsak sa tabi ko. "Oppps sayang, " aniya saka siya umalis. Ano bang problema niya basta basta na lang nagbabato ng kutsilyo! Siguro walang kaibigan yun sama ng ugali e!

Agad kong pinulot yung kutsilyo. Hindi na rin masama, kahit ganto lang ang armas mo maari kang makapatay. Sino ba naman kasing matinong tao ang ma i-speechless kung ganoong tao ang kakausap sayo knowing that hindi maganda ang unang pagkikita niyo.  Bumalik ako sa upuan ko at hinihingal na Tricia ang bumungad sa akin.

"Alexa---OH SHIT EASY KA LANG AKO TO SI TRICIA!" Bulyaw niya sa akin ng maitutok ko sa kanya 'tong kutsilyo sa pagkagulat. "S-sorry, ikaw naman kasi pabigla bigla ka! Ano ba't hingal na hingal ka diyan?" Saka ko ibinaba tong kutsilyo na ibinato nga sa akin.

"Nasalubong ko kasi si Revi, baka lang ano rin gawin sayo nun. Wag ka ngang umaalis ng nag-iisa  lalo na't madaming demonyong umaaligid diyan, isa n'yang grupo ni Revi---Aray! " Gulat kami ng bigla siyang binatukan ni Denise na kararating lang kasama ni Richiane na pahikab hikab pa. Naalala ko tuloy sa kanya si Rhen parang laging boring sa buhay.

"Ingay ingay mo Tricia ang aga aga ha." Nag peace sign naman si Tricia. So Revi pala name niya, tss name pa lang demonyong demonyo na.

Maya maya ee nag sisidatingan na ang mga classmates namin. Just like the normal students do, maiingay din sila, naghahampasan, nagkukulitan, and you can see na nakukuha pa nilang ngumiti kahit na ganito na ang sitwasyon namin. Parang lang isang ordinaryong araw pero hindi. Lingid din sa mga ngiti nila ay my tinatagong takot.

Halos isang oras na ang nakalipas pero wala pa rin ang guro namin.

"Wala nanaman siya. " Rinig kong sambit ng isa sa mga classmates namin. Mukhang yung teacher yung tinutukoy nila kasi siya lang naman ang hinihintay namin kanina pa. "Nagtaka ka pa, malamang pinapatay na yun ni Madame Violet. " Madame Violet? Sino naman yun."Siguro nga. Wala rin siya sa sarili niya ng huli natin siyang nakita. Natatakot ako para sa kanya." Pati ba naman guro papatayin nila? Ano ba naman kasing ginagawa ng mga guro at kailangan pa nilang magturo sa gantong klaseng paaralan. Well oo my mga students dito pero para saan pa?

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now