CHAPTER 3 : START OF NEW BEGINNING

4.2K 67 20
                                    


Chapter 3: Start of new beginning
Alexa / Kaith Pov

Im Kaith, Kaith Beltran. Pero malinaw na malinaw sa akin na Alexa ang tinatawag nila sa akin dito at hindi Kaith. Mapapa "what! whos Alexa" ka na lang talaga. Hindi ko sure kung ano ang nangyayari pero isa lang talaga ang hinala ko, nasa loob ako ng libro.Yung librong hinawakan namin, yung librong sabing wag bubuksan, yung librong may kakaibang nilalaman, at yung librong nangangalang Hell University. Pero isa lang ang sigurado ko, si Ma'am Librarian o Ma'am Saltibaldez lang talaga ang makakasagot sa mga katanungan ko.

Matapos ang klase minabuti ko ng paunahin sa cafeteria yung tatlo nagugutom daw kasi sila. Hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila kasi baka mawala sa paningin ko si ma'am Librarian. Last subject na rin kasi namin to. At gusto ko na ring malaman kung ano talaga ang nangyayari dito at kung asan ang mga kaibigan ko. Sana okay lang sila, lalo na sina Lovely at Cindy minsan kasi tatanga tanga rin sila e. Si Lorraine at Rhen naman i guess they can handle the situation.

Palihim ko siyang sinusundan.  Hindi ko nga lang sigurado kung palihim pa tong ginagawa ko kasi literal na deretsyo lang naman ang corridor. Hindi lang ako makakuha ng timing para tawagin siya, dahil siguro natatakot ako sa kanya. Nakakadala kasi yung nangyari kanina sa room para talaga siyang ibang tao.

At habang naglalakad ngayon ko lang napansin na ang weird lang talagang nagtuturo siya sa gantong klaseng school. Ngayon ko lang din napansin na ang disturbing ng school na to. Maliban sa mga estudyanteng mamatay tao, nagmumukha ring hide out ng kung anong masasamang tao rito dahil sa maruming paligid, maputik , at halata mong luma na ang bawat bagay na andididto.

Napahinto ako sa paglalakad ng biglang tumigil sa paglalakad si Ma'am. Humarap siya sa akin na kinagulat ko kasi tinutukan niya ako ng kutsilyo. Kung di ako nagkakamali yun 'yong kutsilyo na ibinato sa kanya kanina. Napaatras tuloy ako ng wala sa oras.

"Why are you following me Ms? You're from my last class right? Whats your name?" Saka niya inialis ang pagkakatutok ng kutsilyo sa akin. Phew! Akala ko sasaksakin na ako ee. Ano nga ba ang dapat kung sabihin? Hindi naman kasi ako si Alexa para yun ang sabihin kung pangalan di ba? Pero bakit ganoon? My binuklat siya at may tiningnan doon bago muling humarap sa akin.

"Alexa Roux, am i right?" Napakunot ako ng noo ng maging siya ay iba rin ang tawag sa akin. Puft this is not funny anymore.  "Are you making fun of me? Ano to maang maangan lang? Sorry ha? Sorry dahil sinuway namin ang utos mo pero hindi na to nakakatuwa," sabi ko rito. Nagtapang tapangan na rin ako kahit na sa totoo lang kinakabahan ako ng husto.

"What are you talking about?" Saka niya ako tinaasan ng kilay."Ang bilis mo naman atang makalimot Ma'am librarian." Nakita ko ang pagkabigla ng mukha niya at pagtakip niya ng kanyang bibig.

"Omygad!" Nagpalinga linga siya sa paligid saka ako hinila. Pumunta kami sa i think sa faculty. Isang table lang ang nakikita ko rito at maliit lang ang espasyo para sa lahat ng teacher kaya i think this is only her room. Nilapag niya ang mga gamit niya at pinaupo ako sa sofa .

"I told you guys not to touch the book, look what happened!" Madiin pero pabulong niya lang sabi. Paikot ikot siya at di magkaugaga saka umupo sa tabi ko."We're sorry about that Ma'am. Na curious lang talaga kami kung ano ang meron sa librong yun."Oo na kasalanan na namin. Ee kasi naman ee, sabi nga nila curiosity kills the cat.

"Asan ang iba mong kasama?" Ano ba yan kaya ko nga s'ya sinundan para malaman ko kung asan sila , hindi rin naman pala alam.

"Ayun nga sana ang gusto kong itanong sa inyo. Nagising na lang po akong iba na mga kasama ko.  Ma'am librarian ano po ba talagang nangyayare?" Kung hindi niya alam kung asan ang mga kaibigan ko kung ganoon asan sila?"Reyanie, Reyanie ang pangalan ko. Dont call me Ma'am librarian kasi teacher ang alam nila sa akin dito." So Reyaniie Saltibaldez pala ang name niya.

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now