CHAPTER 5 : BLACK BLOOD GANG

1.7K 36 25
                                    

Chapter 5 : Black Blood Gang
Rhen / Psalm Pov

"Ang boring naman ng ganito!" Alboroto ni Donna.  Naglalakad kami sa isang madilim na hallway at nililibot ang buong campus. I dont know kung para saan to pero ayon sa naririnig ko sa mga kasama ko patakaran na ito dito tuwing bloody night at takutin ang mga walang kalaban laban na mga estudyante. Nakasuot din kami ng maskara, ewan ko ba kung para saan to dahil actually i dont know what the hell is really happening here. Pero hindi ako tanga para hindi malamang nasa loob ako ng libro. Ang cool nga e pero sa hindi naman ganitong sitwasyon dahil hindi nakakatuwa.

"Psalm, ang lalim ng iniisip natin ah." Tulad niyan Psalm ang tawag sa akin kahit hindi naman yan ang pangalan ko. Hindi pa ako ulyanin para makalimutan ang sarili kong pangalan. Kanina pa nga ako rinding rindi sa katatawag nila sa akin ng Psalm. "Mind your own business. " Bara ko kay Donna na kanina pa dada ng dada. Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat e iniistorbo ako sa tuwing my malalim akong iniisip. Sumimangot naman s'ya at saka tinawanan ni Hart. Ilang araw pa lamang ako rito pero memoryado ko na ang nasa paligid ko. Mabuti na lang at kahit papaano may silbi ang pagkuda ng pagkuda ng dalawa kong kasama kahit na minsan wala ng sense.

"Oi Psalm, alam mo kanina ka pa tinitingnan ni Christian ayieeeh!" I know right. Sa tingin ko my nahahalata na siya sa aking kakaiba unlike the Psalm before. Hindi ko alam kung ano nga ba si Psalm dito pero mas magandang wag na lang ako magsalita at hayaang sila ang maunang makapansin.

Apat kaming magkakasama ako, Donna, Hart, at si Christian. Nauuna kaming tatlong babae at nasa hulian naman si Christian. Kung ano man ang problema niya wala na akong pakialam doon. Mananagot talaga sila Lovely pag nakita ko sila. Nandadamay sila sa kalokohan nila. Sabi ko na nga ba dapat 'di na lang ako sumama sa kanilang pumuntang library. Napaka kulit naman kasi ni Lorraine at gusto pa akong isama kahit na umayaw na ako. Wala naman kasi akong hilig sa pagbabasa, nakuha niya lang kiliti ko ng sinabi niyang ililibre niya raw ako ng pagkain pagkatapos. Pero kung iisipin natin sobrang ang weird ng library na yun having a book like that. Okay lang sana kung sa isang magandang libro ako napasok pero hindi ee, sobrang creepy ng lugar na to pati tao dito creepy din. Nakamaska for no reason at my pako pa sila like seriously? Anong klaseng paaralan to.

Agad kaming napahinto ng makasalubong namin ang kabilang grupo ang Devil God Warriors. Nakamaskara rin sila pero makikita mo ang pinagkaiba ng grupo namin sa kanila. Oo nasa isang grupo akong nangangalang Black Blood Gang. Nginingisian kami, ang sasarap batanan pero tong kaninang nasa likod namin na si Christian ay nakakapit na ngayon sa braso ko at pinipigilan ako. Nang maka lagpas na sila agad kong hinila ang kamay ko.

"Pwede ba wag mo akong mahawak hawakan!" Pagmamataray ko. "Mas marami sila sa atin kaya umayos ayos ka Psalm. You look weird today," aniya saka niya kami nilagpasan. Ito na nga bang sinasabi ko, mukhang nakakahalata na siya. Eh sa ano bang magagawa ko e ganto talaga ako.

"Mukha ba akong weird?" Tanong ko sa dalawa."Medyo? Siguro dahil hindi mo siya nilalandi ngayon? HAHAHHA" What? seriously? Mukhang my gusto pa ata si Psalm kay Christian! Hindi ako marunong lumandi kaya sorry siya. Sorry siya dahil isang Rhen Buenavista ang my ari ngayon ng katawan ni Psalm. Well yes, nasa ibang katauhan nga ako ang weird right? Kung ako ang nasa katawan niya ngayon then where the hell original Psalm goes? Ang komplikado ng nangyayari pero still i can manage to connect the dots. Sa ngayon kailangan kong kumilos bago ako mahuli. Ewan ko na lang kung ano mangyayare sa akin pag nahuli ako. Bwesit lang talaga mga pahamak sa buhay. Saang lumalop ko ba mahahanap tong mga suwail kong kaibigan kung ibang pagmumukha ang gamit ko.

Patuloy lang ako sa pagsunod dito sa tatlo. Pupunta raw kami ng clinic para sunduin ang isa nilang ka grupo na nasaksak kagahapon.

"Hello Nurse Cha. Buhay pa ba siya o naghihingalo na?" Bungad ni Hart kaya biglang my lumipad na unan papunta sa kanya na nailagan naman niya. "Hoooy mambabato pa ha buti nga naisipan ka pa naming sunduin dito." Ayun sa naririnig ko kanina siya si Aliyah at sinaksak siya ng isa sa ka kampo ng DGW. Hindi ko sigurado kung bakit pero sa pagkakaalam ko nauna itong si Aliyah.
Nagulat kami pare parehas ng biglang  may biglang bumulusok na kutsilyo sa kinaroroon niya na buti na lang nailagan niya. What the fuck!

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now