CHAPTER 6 : ANNOUNCEMENT

44 0 0
                                    

Chapter 6 : ANNOUNCEMENT

Alexa/Kaith Pov

"Seryoso ba sila sa Acquaintance Party?" Bulong ni Tricia.

Nabalot nang katahimikan ang aming classroom sa anunsyo ni Ma'am. Acquaintance Party? Hindi na masama.

"Not bad. After all, everyone deserves to celebrate . " Aniya ko to cheer up  their moods. Pero nakakuha lang ako ng batok mula kay Tricia. Bakit? Dapat nga matuwa sila dahil magkakaroon ng Acquaintance Party kahit nasa impyerno ka. "Seriously , Alexa?! " Sabi ko nga hindi magandang ideya.

"Alexa brings up a valid point. Let's all stay positive, everyone! Madame Violet has already made the final arrangements, and the event will take place on Friday in the wide space. "Napalakas ata pagkakasabi ko dahil sinang ayunan ako ni Ma'am sa sinabi ko. Kung gaano katahimik ang klase  kanina e siya namang nabalot ngayon ng ingay. Makikita mong hindi talaga sila sang ayon na may magaganap na Acquaintance Party sa Biyernes.  Sino ba naman kasi matutuwang mag Acquaintance kung nitong nakaraang araw lang e may kamamatay. Malamang sa malamang nababalot pa rin sila ng takot. Takot na baka maulit lang ulit. Don't get me wrong, ha, title speaks itself. Totally living in Hell. Atsaka, kahit naman may tututol wala pa rin naman kaming magagawa.

Matapos ang klase namin dumeretsyo na kaming cafeteria. Hanggang ngayon manghang mangha pa rin ako sa lawak nitong canteen. Kung tutuusin mas malaki pa ata to sa bahay namin. Bukod sa mukhang hide out nga ng masasamang tao itong Hell University, ganoon din kasarap 'tong pagkain nila. Isa pa, libre siya. Hindi lang din siya basta cafeteria dahil mukha kang nasa sosyal na restaurant dahil may mga waiters na naglilibot para kunin ang order mo. Which is very unnatural.

Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ko nang makita ko ang mga karakters nga ng libro na nabanggit ni Maam Librarian sa akin. Matapos ang ilang araw nag katagpo ulit kami ng landas nitong mga bida sa istorya. Mukhang mayroon silang seryosong pinag-uusapan.

What if isa pala sa kanila ang mga kaibigan ko? Would it be possible?

"Sino kaya sa kanila ang tinititigan mo? Let me guess. Hmmmmmmm......." Usisa ni Tricia na may pa hawak pa sa baba. Heto nanaman po siya.

"Kaya nga? Hindi na masama may mga itsura sila lalo na yung mga boys." Gatong naman ni Denise . Kaya sabay silang napatawa at may pa apir apir pang nalalaman. Minasamaan ko naman ng tingin dahil may pahabol pang ngang pagsundot sa tagiliran ko. Oo, aaminin ko na may mga itsura sila pero wala akong gusto sa isa sa kanila no.

"If I were you, I wouldn't get caught up with the newcomer who seems to be heading for trouble." Seryosong sabi ni Richianne habang may pa subo pa sa kinakain niya. Napahinto naman kami sa pag tutuksuan. Napatingin ulit ako kung saan sila naka pwesto pero wala na sila. Tama siya. Since sila nga ang bida sa istoryang ito malamang nasa kanila ang hot seat. Hanggang ngayon curious pa rin talaga ako kung anong klaseng story ba ang Hell University. 

"Seryoso naman nito parang nagbibiruan lang kami e." Simangot ni Tricia. Napatingin ako kay Richianne na mariin ding nakatitig sa akin kaya napa iwas ako ng tingin. Napapadalas ang pagtitig niya sa akin nitong mga nag daang araw. Parang binabantayan niya ang bawat kilos ko kaya hirap na hirap akong makipag kita kay Maam Saltibaldez slash Maam Librarian.

*

"May nakalimutan ako sa classroom." Aniya ko na agad nag pahinto sa paglalakad nitong tatlo. Matapos ang last subj namin napagpasyahan na naming bumalik sa dorm.

"Not again, Alexa!" Atumal ni Tricia na gustong gusto na talagang makabalik sa dorm. Malapit na rin kasi ang Bloody Night .

"Ako na lang ang pupunta. Babalik din ako agad." Agad namang tumango yung tatlo at umalis. Kusang nag lakad naman ang mga paa ko palayo roon. Wala naman talaga akong nakalimutan. Hindi sa hindi ako takot sa Bloody Night pero ilang araw na kasi kaming hindi nag kikita ni Maam Librarian. At isa pa gusto ko siyang makausap about sa darating na Acquaintance Party.

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now