CH5

8.5K 163 19
                                    


Paulene Mae

Friday na. Weeksary na ng pagkawala ng virginity ko. Dapat icelebrate. Buti sana kung macecelebrate ko na masusundan siya kaso malabo din nga. Hindi na din naman bumalik si Kuya Daks sa unit ko. Mabilis lang dumaan din ang araw. Nabusy ako sa trabaho kaya hindi ko na din naiisip si Malik. Pagdating ko sa bahay pagod na ako kaya makakatulog agad.

"Paulene,ang gwapo nung naghatid kay Miss Jeremy. Tas nasilip nila naghahalikan doon sa office. Valero daw yun eh. Ethan Valero."


Hindi ko alam kung bakit kailangang maapektuhan sa sinabi niya. Tapos kilig na kilig pa siya. Kaya pala walang paramdam? Kasi may ibang nakikinabang na sa daks niya. Saklap. Pafall na daks.

"Leah, saglit lang may titingnan lang ako."


Hindi naman ako nagseselos. Gusto ko lang malaman kung siya nga ba yun. Paglabas ko ng office ko ay nakita ko nga siya na nakaupo doon sa may receiving area. Mukhang nagulat pa siya na andoon ako. Hiindi niya ba natingnan yung mga ID ko?


"Paulene, kamusta?"

Hindi ko siya sinagot. Tinalikuran ko na lang siya. Siya nga ang Ethan Valero na kahalikan ni Miss Jeremy. Kainis. Asan na yung sinasabi niya na worth it na sumugal sa kanya? Ilang araw pa lang kung kani kanino niya na pinapakilala yung daks niya. Sabi na nga ba huwag basta basta magtitiwala sa malaki.. este sa lalaki.

Kinahapunan ay napag usapan nga na magbabar kami. Umuwi lang ako saglit para mag ayos ng sarili. Sinundo na ako ni Siren bandang alas otso. Ayaw ko kasi talaga na nagmamaneho pag iinom. Siya na din ang maghahatid sa akin mamaya pag uwi.

Sa isang high end na bar kami tumuloy. Mukhang isang araw na sweldo ko ang mauubos sa ganitong klaseng bar tapos hindi pa ako tatamaan. At five digits yung perang sinasabi ko. Hindi worth it. Parang si Kuya Daks lang. Kaya hindi ko alam kung bakit nila gusto dito. Yung iba kasi andito lang para mag picture tas ipopost sa IG. Akala mo ikinagaling na nila yun.


Nakahanap sila ng pwesto para sa amin. Pito kasi kami. Apat na babae at tatlong lalaki. Tapos isa pala sa dahilan kaya hindi ako madalas sumama sa kanila kasi partner partner sila. Hindi pa man official kasi hindi pa sinasagot kaso malinaw pa din ang katotohanan na wala akong partner sa kanila. Nakakailang pa din pala. Kahit pa sabihin na halos friends ko naman sila.


"Dapat talaga hindi ako sumama sa inyo. Ang PDA niyo. Respeto naman sa walang partner."


Biro lang naman yun. Nagkanya kanya na kaming order ng mga drinks namin. Since may maghahatid naman sa akin maya kaya ok lang na magpakalasing. Si Siren kasi hindi naman talaga siya umiinom. Masaya lang siya na andito sa bar. Nakakawala din naman kasi ng stress. Sa amin na halos araw araw stress, kailangan talaga namin ito kada Friday.

Nakakailang baso pa lang ako nung magpaalam ako sa kanila na pupunta ako sa comfort room. Masyado atang napabilis ang pag inom ko. Paglabas ko ng comfort room ay may humarang sa dadaanan ko.


"Malik.."

Ngumiti ito. Yung ngiting naging dahilan din kaya ang bilis ko lang sumama sa kanya nung isang linggo. Bakit siya andito? Para sa Weeksary namin?



"Atleast tanda mo na ang pangalan ko. Akala ko namalikmata lang ako na ikaw yung nasa isang table kanina."


"Anong kailangan mo? Hindi mo naman ako kailangang lapitan pa."


"Ang suplada mo talaga. Binigyan lang kita ng ilang araw para mamiss ako pero hindi pa din ako sumusuko sa'yo."

Nilampasan ko lang siya. Binigyan ng ilang araw para mamiss siya? Akala mo naman effective yun.

"Mag usap kasi tayo."

Hinila niya ako palayo sa karamihan. Sa isang VIP room h bar kami pumasok.


"Wala naman kasi tayong pag uusapan. Lalo na ngayon na nalaman ko na kahalikan mo si Miss Jeremy kanina. Alam mong doon ako nagtatrabaho, hindi ka man lang lumayo layo ng ibang babae na makakasama mo. Hinalikan mo siya. Naghalikan tayo. Parang indirect kiss naman yun para sa aming dalawa. Nakakagago lang."


"Anong kahalikan?! Oo, nagkita tayo kanina pero wala akong hinalikan doon."


Mukhang nagsasabi siya ng totoo. Kaso maniniwala ba ako? Daks siya eh. Lahat ng daks hindi loyal.



"Wala namang kaso yun kung ilan pa ang halikan mo. Ang sa akin lang huwag naman yung kilala ko. Ano ba ang gusto mong palabasin doon? Gusto mo ba na magkwentuhan kami ni Miss Jeremy kung gaano ka kasarap humalik at gaano kagaling sa kama?"


"Nasarapan ka sa halik ko?"

Malamang! Nakahomerun ka nga dahil sa masarap kang humalik!



"Sakto lang naman."

Balewalang sagot ko. Tumayo na ako. Mahirap na. Dalawa lang kami dito sa VIP room.



"Wala kasi akong hinahalikan na iba."



"Ethan Valero yung nakita nila na kahalikan ng boss ko. Nakita kita doon kanina. Wala naman ako sa company na yun kung bobo ako kaya huwag mo akong pagmukhaing ganun."


Hinawakan niya ang kamay ko. Hinila palapit sa kanya. Napakandong tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.


"Para sa pilit umiiwas sa akin bakit kailangan mong magselos?"


"Wow. Ang kapal mo din Kuya Daks. Hindi ako nagseselos. Sinasabi ko lang yung opinyon ko."


"Masakit pa ba?"

Biglang seryosong tanong nito. Yung tanong na naghatid ng init sa kaangkinan ko.


"Hindi na. Nung isang gabi ko pa natry eh. Mas daks siya. Grabe yun. Meron pa palang mas hahaba sa'yo."



Pinilit kong umaktong normal. Pero ang hirap. Halos nakayakap siya sa akin. Yung daks niya ramdam na ramdam mo sa pang upo ko. Pero sa halip na magalit sa sinabi ko ay tumawa lang ito.



"Nice try. Simula lunes pa kitang sinusundan pag uuwi ka. At wala naman akong nakikitang pumapasok sa unit mo."


"Sinusundan mo ako?!"

Ilang beses ko siyang hinampas. Ang creepy lang ng kanyang galawan. Umalis ako sa pagkakaupo ko sa kanya.

"Kung hindi ba ako virgin na nakuha mo, magkakaganyan ka ba?"

Natigilan ito sa tanong ko. Sabi na eh. Virgin ako kaya big deal sa kanya.

"Tama na Malik. Limang taon kong pinaghirapan kung anong meron ako ngayon. At sa tingin ko sapat na yun sa akin. Hindi kita kailangan sa buhay ko."

"Ilang beses mo bang yuyurakan pagkalalaki ko?"

Napatawa ako. Ang seryoso niya kasi. Fave niya talaga ang salitang yun.

"Manliligaw naman ako sa'yo."

"Parang napilitan ka lang diyan sa plano mo."

Umupo na ulit ako sa tabi niya. May alak na sa lamesa kaya nagtagay ako para sa aming dalawa. Dito na lang ako mag iinom. Para si Malik magbabayad. At ayaw kong bumalik sa table namin tas maiinggit lang ako at ipapamukha na kailangang pagbigyan ko si Malik sa gusto niya.


"Paulene Mae, i-try lang natin. Isang buwan lang."

"Sige na nga. O Cheers!"

Kung hindi lang nga din siya daks hindi ako papayag.


_casper_

Coming HomeWhere stories live. Discover now