CH9

6.2K 116 17
                                    



Paulene Mae



"Malik, bakit ba kanina ka pang walang imik diyan? Kanina, after mo akong isayaw hindi mo na ako kinausap."


May sayawan kasi sa kalapit na barangay. Sabi ni Tito bakit daw hindi naman subukan. Kaya kanina akala ko ok lang kay Malik. Parang nasa bar lang naman kami. Kaibahan nga lang ito opern area, may entrance fee yung mga lalaki tapos pipili na sila ng babaeng isasayaw nila. Lumabas ako saglit para puntahan si Malik, at ilang minuto na akong nasa tabi niya hindi pa din siya nagsasalita.


"Sabi ng Tito mo, subukan lang natin. Mukhang na enjoy muna. Hindi ka na nabakante. Pagkakatapos kang isayaw ng isa may nakasunod na agad. Parang nakalimutan mo na ako."


Hindi ko alam kung matatawa ako sa inaasta niya. Siyempre nakakahiyang tumanggi? Pumayag naman ako na maisayaw nila din. Alam ko na mangyayari yun na hindi na ako makakaupo. Kung sakaling mababastos ako ng isa sa mga nagsayaw sa akin syempre pa aangal naman ako. Pero wala naman. Hindi sa nag enjoy ako. Marunong lang akong makisama.

"Dapat pala umuwi ka na lang kung sa pakiramdam mo ganun nga ang nangyari? Ang babaw huh? Wala akong panahon sa kaartehan mo Malik. Pagod ako."


"Pag kausap ako, pagod ka na agad? Samantalang hindi ka naman napagod na ngitian lahat silang nakasayaw mo." Hindi ko alam kung galit ba yung nakikita ko sa mukha niya. O nasasaktan talaga siya? "Sabagay, baka nga nag iinarte lang ako. Bawal nga pala akong magselos. Bawal akong masaktan. Kasi hindi nga pala tayo."



"Malik.."

"Bumalik ka na doon. Hintayin na lang kita hanggang matapos. Huwag mo akong pansinin." Inalis na niya ang tingin sa akin. "Wala lang naman itong nararamdaman  ko. Kasi di ba nga? Nag iinarte lang ako."




Hindi ko magawang kumilos. Parang tinutusok ang puso ko ng bawat salitang binitawan niya. Akala ko ok lang na makisama ako sa nakakasalamuha ko dito. Hindi ko naisip na ano ba ang iisipin ng lahat?  Na may kasama ako pero mas pinili kong balewalain siya dahil lang sa hindi ako makatanggi sa iba.


"Hindi naman kasi ganun yun, Malik." Hinawakan ko ang braso niya at pilit na pinapaharap sa akin. Paano ba kasi suyuin ang mga lalaki? "Kung sinabi mo kanina na ayaw mo akong makipagsayaw sa iba sana hindi ko ginawa. Susunod naman ako sa'yo. Kasi yung "walang tayo" sa sitwasyon natin kahit papaano naman alam ko kung saan ka nakalugar sa buhay ko. Kung sinabi mo na ayaw mo. Kung niyakag mo akong umuwi na. Lahat naman gagawin ko. Kaso ayaw kong mag assume. Kaya akala ko ok lang lahat. Kasi hindi mo naman ako pinigilan sa mga nangyari."



Mabilis siyang sumakay sa motor at iniwan na niya ang binata. Ito ang ayaw ko talaga sa pakikipagrealasyon. Ang mga ganitong kaartehan. Ang masma ni wala pa ngang kami. Pagkadating ko sa bahay akala ko saglit lang din susuyuin niya ako. Yung kakatok siya sa kwartong tinutuluyan ko para makapag usap kami. Para ayusin ang hindi namin pagkakaunawan. Ganun kasi di ba ang mag asawa? Hindi natutulog kung may tampuhan pa ang isa't isa? Pero sabagay sa mag asawa nga pala yun.

Hindi halos ako makatulog kakaisip kay Malik. Ang walanghiyang daks na yun, ang pabebe. Wala pa man kaming relasyon kung pag isipin ako ngayon akala mo obligasyon kong alalahanin siya.

Kainis!

Dali dali akong tumayo para puntahan siya sa kwarto niya. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko andoon na siya nakatayo. Yung alam mo na nagulat lang din siya at wala din naman siyang balak kumatok talaga.


"Malik.."

"Nauuhaw ka ba? Ikukuha kita ng tubig."


Mahinahon na ang boses nito. Hindi katulad kanina na bawat salitang binibitawan niya nasasaktan ako. Marahan akong umiling. Hinila ko siya papasok sa kwarto ko. Ako na din ang nag locked nun. Paglingon ko sa kanya yung pagtataka nababanaag sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya.



"Sorry, Malik. Ayaw ko na nasasaktan ka dahil napaka insensitive ko."

Niyakap lang din niya ako. Hindi ko alam kung pinuntahan niya ako para makipagbati. Pero masaya na ako na nabungaran siya kanina sa labas ng kwarto ko. Kasi kahit ano pa man ang dahilan niya? Binalewala pa din niya na nasaktan ko siya para makipag ayos sa akin. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap pero hindi alintana sa akin yun. Masarap sa pakiramdam lang yung ganito.

"Poleng, ano ba itong ginawa mo sa akin? Hindi naman kasi ako ganito sa ibang babae na nakakasama ko. Pero kanina hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Hindi mo naman kasalanan yun. Kahit ako hindi ko naman din yun ginusto na naramdaman ko yun. Pero kasi parang pinamukha sa akin kanina na madami talaga akong magiging kaagaw sa'yo. Ano ba naman ang laban ko? Manliligaw lang din naman ako. Pero nakakatakot. Pero ayaw kong madaliin ka para lang sa security na akin ka na talaga. Kaya pasensya na Poleng. Huwag mo na ulit ulitin na tatalikuran mo ako at sasakay ka ng motor at ang bilis mong magpatakbo. Lahat na ata ng mura nasabi ko kanina habang sumusunod sa'yo. Ok na ako dun sa nasasaktan ako. Huwag ka lang mapahamak. Susunugin ko yung motor mo sa susunod na ginawa mo yun."


"Motor ko?"

Medyo lumayo ako sa kanya. Ang alam ko pagamit niya lang yun habang andito kami.


"Yes po. Binili ko yun para sa'yo. Para sa susunod na gala gagamitin mo ulit yun. Kasi madaming gala pa naman yung plano ko. At wala akong planong pakawalan ka."


"Bawal kong tanggihan yun?"

Alam ko naman kung magkano yun. Hindi naman ako tumitingin ng yaman o kaya niyang ibigay. Yung daks niya sapat na. Ay yung kabaitan kasi sobrang ok na ok na sa akin.


"Tatanggihan mo din ba yung mga galang plinaplano ko?"



"Ang mahal naman kasi nun."

Medyo nakasimangot na ako. Para kahit papaano mapag isipan niya yung magbibigay sa akin.


"Eh ano naman? Mahal naman kita."


Seryosong sabi niya. Hindi ko matagalan yung paraan ng pagkatitig niya sa akin. Wala na. Talo na.

Yumakap na lang ako ulit sa kanya. Baka mawala ako sa sarili ko at masagot ko siya agad agad. Nagpapakipot pa nga pala ako.



_casper_

Coming HomeWhere stories live. Discover now