CH8

6.7K 127 9
                                    


Paulene Mae

"Gusto mo ba ng ganitong buhay?"

Nakangiting tanong ni Malik habang nakatingin sa karagatan. Matapos naming magkulitan kanina sa dagat ay umahon muna kami para saglit na magpahinga at kumain na din. Hindi ko maiwasan na mapangitin din dahil sa ngiti niya. Parang ang saya niya. Ang kalmado. Kung ganyang mukha ang makikita ko lagi ayaw ko nang umalis sa lugar na ito.


"Ilang summer akong pabalik balik dito nung bata ako. Dito ako natutong magbike at lumangoy. Uminom ng tuba sa edad na siyam. Kaya nga kahit matagal akong hindi nakabalik dito, parang hindi ko ramdam yun. Pangalawang tahanan ko pa din talaga ito."

"Pero gusto mo ditong manirahan?"

Medyo sumeryoso yung paraan ng pagtatanong niya.

Bakit ibabahay mo na ba ako?

"Gusto ko man dito tumira hindi naman pwede din. Kung magkakaroon ako ng pamilya hindi ko maibibigay sa kanila yung buhay na gusto ko para sa kanila. Pero hindi ko iaalis sa kanila na pumunta dito. Magpapatayo ako ng bahay dito na para sa magiging pamilya ko."


"Kakausapin ko na ba yung gagawa ng bahay natin?"

Yung ngiti niya din nga. Akala mo seryoso siya na siya na ang magiging pamilya ko.


"Panliligaw lang yung sinabi sa akin, huwag kang lalampas doon Ethan Malik. Baka umuwi kang mag isa."


"Grabe? Plano ko pa naman na tatlo na tayo pagbalik."


Hindi ko alam kung para saan ang pamumula ng mukha ko. O baka nabigla lang talaga ako? Ngayon lang kasi siya nagbanggit ng ganun. Simula nung manligaw siya naging maginoo siya sa araw araw na magkasama kami.


"Poleng, gusto ko din dito. Kahit saan namang lugar basta andun ka gusto ko andun din ako. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin. Wala naman sa akin dati kung sino yung mga babaeng nagagalaw ko. Willing naman kasi sila. Pero sa'yo kasi parang ayaw kong matapos yung gabi na yun. Ayaw kong lumayo sa'yo. Hindi ako sanay ng ganito na nanliligaw. Na naghahabol ng attention ng isang babae. Si Ethan Malik Valero ako, isa sa Ethan Valero na gustong mapangasawa ng halos lahat ng kababaehan. Pero ang malas lang kasi hindi ka kasali dun. Kaya kailangan kong mag effort talaga. Hindi ko naman pinagsisihan yun kasi yung simpleng magkausap tayo dito sa napakagandang islang ito ay sobrang nagpapabilis na ng tibok ng puso ko. Mahal kita, Poleng."


Akala ko yung ngiti niya yung sobra na kung makapagpatibok ng puso. Iba pala pag nagseryoso na siya. Yung ramdam na ramdam ko yung bawat salitang binitawan niya. Nakakainis pero hindi ko maiwasan na maluha. Yung emosyon na gusto niyang iparating nagawa niyang iparamdam sa paraan ng pagsasalita niya.


"Konting panahon pa, Malik. Bigyan mo pa ako ng panahon para magpakipot."

Hinawakan niya ang kamay ko, nginitian lang niya ako. Mabait naman kasi si Malik. Hindi naman kasi ako papayag na manligaw siya kung hindi ako attracted sa kanya. Hindi ko aaksayahin ang oras naming pareho para sa huli ay basted lang pala. Kalokohan yun.

"Kinakabahan ako nung magsabi sa'yo na manliligaw ako. Sa tingin ko kasi kayang kaya mo ang sarili mo. Hindi mo kailangan ng lalaki na masasandalan. Pero hindi naman kasi ako andito para maging sandalan mo. O  katulad ng ibang set up na para alagaan mo. Pwede naman na ganito lang, hahawakan ko kamay mo at sasabayan ka lang sa gusto mong gawin sa buhay.  Hindi ako magiging sagabal sa lahat ng pangarap mo Poleng. Pero hayaan mo ako na masaksihan yun."



"Malik, huwag ka masyadong ganyan. Nagpapakipot na lang ako baka makalimutan ko."


Yung mga salita niya nag aalis ng lahat ng takot ko para pumasok sa isang relasyon. Nakakatuwa na alam niya kung paano yun aalisin. Ayun naman talaga. Mahal ko naman na siya. Nagpapakipot lang talaga ako.  At baka magkatotoo talaga na tatlo kaming uuwi pag nagpadala ako sa mga salita niya at sa nararamdaman ko. Kahit naman namimiss ko si Daks hindi naman pwede na susunggab lang ako ng susunggab lang ako. Ang kapalit na makita ko ulit siya ay seryosong relasyon ko kay Malik. At sobrang hinahangaan ko siya dahil hindi siya gumagawa ng paraan para maakit ako. Alam naman niya na marupok ako eh. Bibigay at bibigay ako pero hindi niya yun ginamit sa akin. Ginalang niya ako na parang hindi pa niya ako nakukuha. Pinaramdam niya sa akin na kailangang paghirapan pa din niya ang pagsang ayon ko sa relasyon na inaalok niya. Kaya sino ba ang hindi mahuhulog sa kanya?


_casper_

Coming HomeWhere stories live. Discover now