CH10

6.5K 105 12
                                    



Paulene Mae

"Saan tayo ngayon?"

Huling araw na kasi namin dito sa Simara. Bukas pabalik na kami sa Manila. Noong isang araw bumisita kami sa pamilya ni Malik. Akala nila magpapakasal na kami kaya kami umuwi. Ang advance din nilang mag isip. Tapos si Malik hindi man lang itinama yung iniisip ng mga kamag anak niya.

"Bakit ko itatama? Doon din naman tayo pupunta?"

Sino ako para magtanong pa? Nanahimik na lang ako. Pilit na tinatago ang kilig. Bakit nga ba kasi nagpapakipot pa ako? Ang hirap tuloy itago ang mga biglaang pagpapakilig niya.

"Sa Parola."

Napangiti na lang ako. Akala ko nakalimutan na niya ang lugar na yun. Yung kahit ilang beses akong pabalik balik dito dati hindi ko yun nagawang puntahan.


"Akala ko hindi na tayo pupunta dun?"


Isinuot niya ang helmet sa akin. Ayaw nitong pumayag na magmomotor ako tas walang helmet. Kahit hindi nga daw uso dito na magsuot noon, wala daw siyang pakialam basta ang mahalaga safe daw ako.


"Di ba ako dapat kasama mo pag nagpunta doon? Kaya hindi ko yun papalampasin. Save the best for last. Kaya ngayon lang natin siya pupuntahan."

Hinalikan pa nito ang kamay ko bago ito pumunta sa motor niya. Nakakatuwa na nakakainis din pagiging maginoo ni Malik. Nakakatuwa na sa sa namagitan sa amin dati hindi yun naging dahilan para hindi niya ako ligawan at pakitaan ng pagalang. Nakakainis kasi mukhang nang aakit lang naman siya lalo. Parang pinapasabik lagi. Yung nagpapakipot ka pero parang isusuko mo lagi yung sarili mo dahil sa mga simpleng gawa niya. Pero dahil dalagang pilipina ako at malakas ang pagkokontrol ko, matagal tagal pa ang pagpapakipot ko.



"Ang ganda."

Ayun lang ang nasabi ko habang naglalakad na kami sa palapit sa  Parola. Hawak hawak ni Malik ang kamay ko. Manghang mangha ako sa paligid. Yung karagatan. Ang kalma lang sa pakiramdam.


"Mahal kita Poleng." Seryosong sabi ni Malik. "Kung mahuhulog man ako sa rock formation na yan, masaya ako na nasabi ko sa'yo na mahal kita."

"Eh kung itulak na lang kaya kita?! Langyang ito, magsasabi ng mahal ako tas gusto mamatay."

Binawi ko ang kamay ko na hawak hawak niya.

"Hindi naman kasi natin alam ang mangyayari eh. Kaya gusto kong sabihin sa'yo ang nararamdaman ko. Itong light house ito yung unang mapapansin sa Isla na ito, pero ang main purpose talaga niya ay iligtas yung mga sasakyang pandagat na maliligaw dito pag masama ang panahon at pag gabi na. Para hindi bumangga sa batuhan. Ikaw ang light house ko. Akala ko dahil maganda ka kaya nilapitan kita. Pero habang nakilala kita alam ko na tamang direksyon na tinatahak ko, hindi na ako maliligaw pa. Sapat na ang liwanag mo para maging kalmado ako."



"Ano ba ang dapat kong sabihin, Malik? Nakakainis ka naman eh. Masyado kang pa fall."

"Hindi ko naman kasi inoobliga na sumagot ka."

"Hindi inoobliga? Pero alam mo na mahirap magpigil ng kilig para sa nagpapakipot na marupok na katulad ko. Kainis ka!"

"Ang cute mo."

Yumakap ako sa kanya. Parang hindi kakayanin ng bilis ng tibok ng puso ko yung mga binitawan niyang salita. At lalong bumilis yun kasi ramdam na ramdam ko din yung bilis ng tibok ng puso niya. Parang nag uusap silang dalawa. Parang nagkakaintindihan.


"Mahal kita,Malik." Mahina kong sabi. Pero sapat na para marinig niya. Sapat na para matigilan siya. "Hindi dahil daks ka kaya mahal kita. Hindi naman yun kasali sa criteria. Parang bonus na lang siya."


"Ok na yung unang sinabi mo. Natigilan na ako. Tas sinundan mo pa. Hindi mo alam kung anong reaction niya."


Mas inilapit niya sa akin yung ibabang bahagi ng katawan niya. At galit na galit nga si Kuya Daks. Mas nakakatuyo lalo ng lalamunan. Pero kakasagot ko lang sa kanya. Hindi pwede Kuya Daks. Dalagang pilipina ako.

"Tapos na akong magpakipot kaya marupok na lang ako. Pero bawal pa din yan Malik."


"Sino ba kasing naunang magbanggit? Wala naman akong plano. Sobrang saya ko na marinig na mahal mo ako. Hindi naman agad agad ibig sabihin na pwede na yung naiisip mo."


Lumayo ako sa kanya. Yung ngiti niya. Yung hindi ko maiwasan na mapangiti din. Nakakahawa. Parang nakakawala ng pagod at isipin.

"At parang ako lang talaga ang nag iisip?"


Hinawakan niya ang kamay ko. Iniharap niya ako sa may karagatan. Ang ganda.



"Huwag mo akong sasaktan Malik. Ayaw kong kamuhian ang lugar na ito pag sinaktan mo ako. "


"Wala akong balak na saktan ka Poleng. Kahit masaktan mo ako nang hindi mo sinasadya banda banda diyan hindi ko pa rin iisipin na saktan ka."


"Sana nga. May tiwala naman ako sa'yo. Sana lang hindi ako pumalpak. Hindi ako sanay sa ganito. Yung may boyfriend. Naisip ko na kasi na tatanda akong mag isa."


"Dahan dahan. Ayun gagawin natin. Kikilalanin ang isa't isa. Iintindihin kita. Hindi naman ako demanding. Sapat na yung alam ko na mahal natin ang isa't isa."



Napangiti na lang ako. Hindi na ako magtatago ng kilig. Tutal boyfriend ko na naman siya.


"Iniisip ko kung tunay ka talaga? Gwapo, mayaman, mabait, daks. Lakas mong makawattpad."


"Wattpad?"

Medyo naguguluhang tanong nito. Sabagay hindi naman ako umaasa na alam niya yun. Masyado siyang busy sa family business nila.


"Doon ako nagbabasa. Pampalipas oras ganun."



"So pang wattpad pala datingan ko?"


"Oo. Kaya ang hirap mo din ngang bitawan. Parang hindi totoo. Kung hindi siguro ako nilagnat nung may manyari sa atin, iisipin ko na nasa wattpad world ako."


Tinawanan niya lang ako. Ano bang mali sa sinabi ko? 


"Totoo ako, Poleng. Totoo ang nararamdaman ko."

Yumakap ulit ako sa kanya. Ngayon ko lang narealized na mahilig pala ako sa yakap. Parang ok lang na yakapin ko siya lagi.


"Alam ko naman. Pero Malik, huwag mo akong susukuan ahh?"


Nakakatakot. Paano kung sa unang linggo pa lang pumalpak na ako? Mahirap masanay na sarili ko lang iniintindi ko sa matagal na panahon. Matagal ko ng tanggap na ayaw kong magpapasok ng lalaki sa buhay ko. Na pabigat lang sila. Tapos heto si Malik, parang hindi ko maialis sa sarili ko na yakapin siya. Paano kung masanay ako sa ganito? Paano kung biglang mawala? Paano ako?


_casper_

Huwag niyo na lang pansinin yung tao

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Huwag niyo na lang pansinin yung tao. Hindi si Poleng at Malik yan 🤣

Coming HomeWhere stories live. Discover now