CH6

8.4K 143 17
                                    


Paulene Mae

Paasa talagang Daks!

Ayan talaga ang unang pumasok sa isip ko matapos niya akong ihatid sa unit ko. Hinalikan niya ako noo tapos nagpaalam na. Hindi man lang ito pumasok, kahit nga yung ibang pagpasok ang nasa isip ko na gawin niya papayag naman ako. Masyado siyang seryoso na manliligaw daw siya. At walang nagpapaligaw daw na papayag na sex agad.

Akala naman niya sabik na sabi ako sa daks niya!

Kanina nung magkausap kami, saka ko siya nakilala din ng ayos. Saka ko din napagmasdan yung mukha niya. Medyo makulit talaga si Malik. Nung nakita ko daw siya sa office ako daw talaga ang sadya niya. Alam naman daw niya na doon ako nagtatrabaho kaya sumama daw ito sa kambal niya na puntahan yung girlfriend nito.

Yung ganoong kagwapo may kakambal pa?

Ethan Mateo Valero daw ang pangalan ng kakambal nito. Kaya parehas silang Ethan Valero. Siya daw Mechanical Engineer, yung kakambal daw niya Chemical Engineer. Kaya nga daw nagkakilala sila ni Miss Jeremy kasi may isang convention daw na parehas silang umattend.

Pinakita nga nito yung picture nilang dalawa. Magkamukha nga sila. Mas boyish lang ang dating ni Malik. Yung ngiti niya talaga yung parang may magnet na hindi mo aalisin ang tingin mo sa kanya.

"Hindi naman kasi dahil ako yung nakauna sa'yo kaya ako ganito. Hindi ko nga din alam kung bakit. Kaya habang hindi ko pa din alam kung bakit hinahabol kita nang ganito, hayaan mo muna ako na makasama ka."

Ayun yung sinabi niya habang nag iinuman kami. Yung paraan ng pagtitig niya sa akin parang bigla akong nawalan ng lakas para tumanggi pa sa kanya.

"Nakapag file ka na ba ng leave?"

Nakangiting sabi ni Malik ngayon na sinundo niya ako. Halos dalawang linggo na din na hatid sundo niya ako. Akala ko isang araw na hindi niya ako masusundo kasi coding pero may iba palang sasakyan. Kaya yung sasakyan ko naman ang nakatengga sa parking ng condo.


"Yup ok na. 10 days leave."

"Nakakatuwa lang na parehas tayo ng province noh? Tas matagal na din nung huli akong nakapagbakasyon dun."

Nakangiting sabi nito. Kailangan ko din naman ito. Elementary pa ata ako nung huling magbakasyon sa Corcuera, Romblon. Nalaman yun ni Malik. Yung family daw ng Lola niya taga Romblon din. Kaya napagpasyahan namin na magbakasyon doon. Ang alam ko 8-10 hours na byahe ng bangka yun mula sa Batangas Pier. Malaking bangka naman siya na kasya ang halos isang daang pasahero. Naalala ko yung huling punta ko doon. Two months vacation, pagbalik ko sa Batangas sobrang itim ko dahil araw araw akong naliligo sa dagat. Sobrang puti ng buhangin sa Mahaba Beach. Taga doon kasi yung pamilya ni Papa. One month ako doon tas one month din sa Barangay naman nina Mama. Medyo mabato naman beach sa Ilijan. Ang nakakatuwa doon yung bukal sa tabi ng beach. Mainit yung tubig sa bukal. May malapit din doon na bukal na siyang nagsusupply naman ng tubig sa buong Simara o Corcuera, Romblon. Sa Simara ako natutong lumangoy at magbike. Kaya nakakatuwa lang sa mahabang panahon makakabalik na din ako doon. Nasabi ko din ba na halos F ang start ng surname ng taga Simara?


"Taga saan nga pamilya mo doon Malik? Si Papa kasi taga Mahaba, si Mama taga Ilijan."

Papasok na kami sa condo unit ko. Ipagluluto daw niya ako. Gusto niya talagang ipakita sa akin na karapatdapat siya.

"Sa Alegria sila Lola. Buti medyo malapit sa Mahaba yun. Pero if gusto natin na maligo nang maligo sa dagat ok lang naman na sa inyo tayo tumigil. Pero dadalhin ko din naman yung motor ko kaya wala tayong prob sa sasakyan. Punta tayo sa Parola huh?"

Yung boses niya halatang halata na excited siya sa trip namin. Nakakatuwa lang na kahit mayaman si Malik hindi niya ako dun niyakag sa lugar na gagastos ng malaki. Ayaw niyang gamitin yung yaman niya para ma impress ako.


"Sa ilang beses kong nakapunta doon hindi ko din napuntahan yun."

"Baka tinadhana talaga na ako ang makakasama mo na pumunta doon."

Yung ngiti na naman niya. Bakit kasi may paganyan ka Kuya Daks? Bawal akong ma inlove sa'yo.



"Grabe yung tinadhana. Pero excited na din ako. Kahit nakakalungkot na wala na sina Lola at Lolo para dalawin ko doon. Pero ang alam ko taga Alegria din yung Lola ni Papa?"


"Wow. Sana naman po hindi tayo magkamag anak ano?"

Seryosong sabi nito. Ang liit lang kasi ng Simara. Halos yung isang barangay halos magkakamag anak pa.


"Wala namang lukso ng dugo akong naramdamdam sa'yo. Nakakainit ka lang talaga ng dugo nung una."

"Iba naman kasi yung tumibok agad sa akin nung una tayong magkita."


Tapos kung makatawa si Kuya Daks yung halatang enjoy na enjoynn sa una naming pagkikita.

"Wow. Ramdam na ramdam ko nga yung pagtibok noon."

Lalo lang itong tumawa. Nakakatuwa lang na hindi ako naiilang pag pinag uusapan yung namagitan sa amin. Sa bawat araw na magkasama kami pinaparamdam niya yung kakulangan sa buhay ko. Yung merong isang Malik dapat sa buhay ko para masabi ko na kumpleto ako. Ang problema lang? Makatagal kaya ako? Tumagal kaya kami?



_casper_

_casper_

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Coming HomeWhere stories live. Discover now