CHAPTER FOUR - Moving In

3.4K 121 5
                                    


CHAPTER FOUR



Kanina pa si Alexa sa loob ng sasakyan niya at nakatigil sa harap ng isang marangyang bahay.

She feel hopeless.

Kaninang madaling araw ay umalis na ang mga magulang ni Alexa papuntang Paris at ipinagtabuyan na din siya palabas ng bahay nila kasama ang mga maleta niya na hindi niya alam ay mga nakaimpake na.

Sumimangot ang dalaga at napatingin muli sa papel na hawak na binigay ng kanyang ina bago ito tuwang-tuwang umalis.

Kahit hindi na siya magtanong ay alam na niya kung kaninong bahay itong nasa harapan niya ngayon.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alexa at isinubsob ang mukha sa manubela ng sasakyan. She is so depressed.

Nilingon niya ang bag sa likuran at kinuha ang salamin, muli niyang tiningnan ang sarili and again she's wearing her disguise. Hindi tulad ng una na halos masuka na si Alexa sa hitsura niya pero ngayon...

Napatigil ang dalaga "Oh My G! Don't tell me nasasanay na ko sa sari ko na ganito?! Nooooooo" Maktol na naman niya.

Naiinis na itinapon niya ang salamin at bumaba na ng sasakyan, muli niyang iniayos ang cap na suot saka nagtungo sa malaking gate.

Nagdoorbel si Alexa at ilang Segundo lang may nagbukas na kaagad ng pinto.

Nakakunot nuong sinuri siya ng katulong na nagbukas ng gate."Sino po sila?" magalang na tanong nito habang tinitingnan si Alexa mula ulo hanggang paa.

"I'm here to see Tita Miel" Sagot ng dalaga at sakto naman na nakita niya ang hinahanap niya na nuon ay kalalabas lang ng bahay.

"Alexa!" Magiliw na bati ng Ginang dito. "Andito ka na pala! Asan yung mga gamit mo?" Sabay tingin nito sa likuran ni Alexa.

Nginitian ito ng dalaga "Nasa sasakyan ko pa po."

Nilingon ni Tita Miel ang sasakyan.

Gamit ni Alexa ang sasakyan ng ama dahil hindi niyang pedeng gamitin ang red porche niya sa ngayon dahil pinagbawalan siya ng mga magulang.

Na mistulang naging blessing in Disguise pa ang nangyari dahil sa ginagawa niyang pagdi-disguise ay mas mabuting ito ang gamit niya.

"Halika, Ibaba na natin" ani ni Tita Miel at nagtungo na sa sasakyan ng dalaga.

Tinulungan siya ng mga ito sa pagbubuhat ng mga gamit niya at saka ipinasok sa malaking bahay.

Iginala ni Alexa ang tingin sa loob ng bahay, halos purong puti ang mga kagamitan nila, napakalinis tingnan.

Tita Miel cleared her throat.

"Ahm" Pasimula ng Ginang na mukhang nahihiya pa.

"Ano po yung Tita?" Napakunot ang nuong tanong ni Alexa.

"Hija, Hindi ka naman ganyan manamit dati..." Patuloy ni Tita Miel.

"Po?" Gulat na tanong ng dalaga.

"Nakikita na kita kapag nakakasama ka ng Mama mo sa ilang mga event na dinadaluhan ko. Kaya naman nagulat ako ng makitang ganyan ang ayos mo." Sincere na sabi ng Ginang kay Alexa habang tinitingnan ang kabuuan ng dalaga.

***THE PLAYBOY'S GIRL*** [ON-GOING]Where stories live. Discover now