16: Lolo Solomon

87.4K 4.2K 188
                                    

Solomon dela Paz sat brooding on his chair. It had been a week since Gabrielle was taken by the Ricafortes to marry the Prince and he couldn't help but get worried.

"Hindi po ba ninyo ako sasamahan, Lolo? Hindi ko po kilala ang mga taong 'yun—"

"Ligtas ka. Kilala ko si Medrev, isa s'ya sa pinagkakatiwalaan ng Hari. Sisiguraduhin n'yang makakarating ka sa palasyo ng mga Ricaforte nang ligtas."

"Pero, Lolo—"

"Apo, makinig ka. Magiging panatag lang ang loob ko kapag naikasal ka na sa Prinsipe. Hindi habang panahon ay nandito ako sa tabi mo, Gabrielle. Kailangan mo ang mga Ricaforte, Apo."

"Babalik po ako rito—"

"Kung hahayaan ka nilang bumalik. Kung hindi, mas makabubuti siguro kung doon ka na lang sa Adrasteia."

"Wala bang balita tungkol kay Gabrielle, Felipe?" Gabrielle's grandfather asked the young monk who was serving him tea.

"Wala pa po."

Wala naman sigurong hindi magandang nangyari sa apo ko, 'di ba...?

Solomon was well aware that some human brides did not survive the Sehrli's ritual of blood. And he knew that he wouldn't be able to forgive himself if something bad had happened to his granddaughter.

"Pero, nangako ang hari noon na sisiguraduhin n'ya ang kaligtasan ni Gabrielle..." he whispered to himself.

He had been a young boy when he was introduced to Alecto Ricaforte by his grandfather who told him that the Ricaforte family was the most generous of their temple's sponsors.

He didn't know about Sehrlis then but when he was ten and started his service at the temple, his grandfather told him about what the Ricafortes really are.

"Kung hindi po sila tao ay ano po sila?"

"Sehrli. Mga nilalang na gawa rin ng Diyos na ating sinasamba."

"Pero, ang sabi po ninyo ay anyong-tao lang po sila at iba po ang kanilang totoong hitsura."

"Hitsura pa ang basehan kung mabuti ang isang nilalang o hindi? Hindi ba't ang kabutihan ay nakabase sa puso?"

"Pero, Lolo—"

"H'wag kang matakot sa kanila, Solomon. Walang dapat katakutan sa kanila. Hindi man sila tao katulad natin ay pareho ang ating hangarin – ang manatiling payapa at maayos ang ating lugar."

When his younger brother married, the Ricafortes sent a lavish gift – a house not far from where the temple stood. And when Benjamin, Gabrielle's father, ran away from home because he didn't want to serve the temple, it was Alecto who found him and brought him safely back.

"Maraming salamat po, haring Alecto—"

"Alecto na lang, Solomon. Para naman tayong hindi magkaibigan kung tatawagin mo pa akong hari."

"Ang laki na po ng naitulong ninyo hindi lamang sa aming templo kundi pati na rin po sa aming pamilya."

"Ang sabi ni Benjamin ay gusto n'ya raw mag-kolehiyo, mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya. Mukhang may napupusuan na ang pamangkin mo, Solomon."

"Obligasyon po ng aming pamilya na may magsilbi bawat henerasyon kaya't hindi po maari ang gustong mangyari ng pamangkin ko."

"Pero, para saan ang pagsisilbi n'ya kung hindi ito bukal sa kanyang puso? Mahihirapan lang 'yung bata at baka kamuhian pa n'ya ang templong kanyang pagsisilbihan. Alam ko ang obligasyon, Solomon, kami man ng pamilya ko ay may kani-kaniyang obligasyong kailangang gampanan. Pero, kahit sino man sa mga anak ko ay hindi ko pipilitin kung hindi naman buhay nila ang nakataya."

The Princess Bride (Self-published)Where stories live. Discover now