21: Pacis Libri

57.2K 4.2K 134
                                    

Mikael shivered. "Bakit naman napakalungkot ng tema ng kuwentong 'yan?"

"Ang sabi ni Lolo noon ay itinuturo ng aklat ang tungkol sa pagpapatawad at pagsasakripisyo..."

"He read that book to you?"

"Oo. Ilang beses..."

"But he said that the real texts of the Pacis Libri can only be read by the one true priestess, right? Ibig sabihin hindi 'yun ang totoong kuwento ng libro—"

A sob escaped her lips.

"Gab..."

"Alam mo bang lumilipad sa kung saan-saan ang isip ko noon tuwing nagkukuwento si Lolo, Mikael?"

She laughed softly. "Palagi nga n'ya akong pinagsasabihan, eh, dahil ang bilis lang daw magambala ng isipan ko. Ang sabi n'ya, ang totoong kapangyarihan ng isang saserdote ay ang kakayanan n'yang mapanatiling mapayapa ang puso at isip n'ya sa lahat ng pagkakataon..."

She wiped her tears with her hands. "Nakakalungkot lang. He did not see me turn into the woman he wanted me to be..."

"That's not true, I am sure he's proud of you..."

"Alam ko. Pero, hindi ako nabigyan ng pagkakataon na ipakita sa kanya kung ano pa sana ang kaya kong gawin. At ang mas masakit sa dibdib ay hindi ko man lang s'ya naalagaan katulad ng pag-aalaga n'ya sa akin..."

"Gab, it's not your fault. At kung saan man naroon ang Lolo mo, hindi n'ya magugustuhang sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari."

"Someone's after me, Mikael...'yan ang sabi ni Lolo."

The glance he gave her was filled with worry.

"Gusto kong malaman mo. Ang sabi ni Lolo ay pinaghahanap daw ako ng kung sino mang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko."

"Bakit?"

"Dahil dito sa librong ito..."

"No one should know that you have that book then."

"That's what Lolo Solomon told me, too. But, your family...kailangan din ba nating itago ito sa kanila?"

"Mas maigi sigurong tayong dalawa lang muna ang nakakaalam. Hindi sa dahil wala akong tiwala sa pamilya ko kundi dahil gusto kong makahanap muna ng kasagutan bago natin ipaalam 'yung tungkol sa aklat."

"'Yung lalaking narinig nating sumigaw kanina..."

"I don't know but my beast felt uneasy. Kaya naman minadali kitang umalis d'un. I could feel so much malice emanating from him."

"I felt that, too, when I was in a trance. Parang hindi ako makahinga at ramdam na ramdam kong papalapit na s'ya."

"You're safe now, Gab."

"Alam ko. I know you will always keep me safe."

"Matulog ka muna. Ako na ang bahala."

"Ayokong matulog. Pakiramdam ko babangungutin ako kapag natulog ako..."

"I'll keep watch. I need you to rest, I can feel your exhaustion."

"Mikael..."

"Yes, Gab?"

"Hindi kaya...mas mabuting umalis muna ako ng Adrasteia—"

"I'm so sorry, Gab, but that's the stupidest thing I've ever heard."

"Ang sabi mo, that man's energy made your beast feel uneasy. Ibig sabihin—"

"Kaya kitang ipagtanggol—"

The Princess Bride (Self-published)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang