Keme #1: Oops.. Moment Ko 'To!

1K 1 2
                                    

"Ginger, I want to marry you. Say yes."

YES! YES! At isa pang YES!

"Ginger, I'm sorry. Akala ko ikaw na, hindi pa pala. Hanap ka na lang ng iba na magpapasaya sayo ha.."

PAKSYET KA.

My name is Ginger. Forever alone. My mother left me after giving birth to me. My Australian dad left me to go back to his motherland. Iniwan niya ako kay Lola Bebang, pero pagka-graduate ko ng college, kinuha na ni Lord. All I have is my 5-door apartment, my computer shop, my laundry services. Yung kotse kong si Altis, at ang Acer laptop ko. At least, andyan pa rin sila.

Pero mas maganda pa rin yung may labidabs ka, katulad ng mga isinusulat ko sa mga nobela ko. Yung tipong ipagbubukas ka ng pinto pagbaba mo ng sasakyan, magsusubuan kayo pag kumakain, magkukuwentuhan till the break of dawn.. Ganun.

At yun lang ang wala ako.

Susuko na sana ako e. Till Stewart came along. Para akong diyosa noon, lahat ng isinusulat ko sa nobela ko ginagawa niya. Ang saya-saya ko!

Pero palikero pala ang talipandas. Ang motto nya sa buhay ay "collect and collect and collect more". Ayun, isa ako sa mga nakolekta, at nung may nabuntis sa mga kineme nya, nakipagbreak sa MGA jowa nya, including me.

After Stewart, stop na muna ako sa pag-ibig na yan. Sabi nga ng kanta, "Lintik na pag-ibig, parang kidlat. Puso kong tahimik na naghihintay, bigla mong ginulat." Nagulat talaga ako, and I got the biggest scare of my life.

Maybe it would be best not to trust anybody that much. Kasi the more you get too attached to them, the sooner they leave. I guess I'll stay single for now.

"Hoy, Ginger. Nagmumuni-muni ka na naman diyan. Let's go. We'll be late."

Napatingin ako sa gate. Si Floyd, sinusundo ako. Pupunta kami sa kasal ng kuya niya.

At sino nga ba si Floyd? He's my fubu. Fuck buddy. :)

FUBU.. LOVE YOU. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon