Keme #3: And It Goes On and On and On..

535 0 0
                                    

Hindi lang naman kami fubu's ni Floyd, constant date din namin ang isa't isa sa iba't ibang okasyon: binyag, kasalan, Christmas, New Year, o kahit simpleng get together lang.

Marami ngang nagtatanong sa amin kung bakit daw hindi pa namin gawing totohanan. Tutal sweet naman kami sa isa't isa,wala nang ilangan. Kabisado na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa. Tawa lang ang isinasagot namin.

Pero one time, napapansin ko na nag-iiba na ang isinasagot ni Floyd. Naabutan ko siya na kausap si Rogena sa bahay ko. Hinihintay pala ako ng huli.

"Pre, ba't andito ka?" tanong ni Rogena ke Floyd. "Don't tell me ibinahay ka na ni Ginger."

"Ayos lang, Roj," tugon ni Floyd, na noo'y naghahanda ng merienda sa bisita. "Doon din naman kami papunta e."

Parang may konting kilig akong naramdaman, pero knowing Floyd, mapagbiro rin ito. Isinantabi ko na lang ang kilig na yan.

"Anung sinasabi mo na ibinahay na kita, Floydie?" entrada ko. "Wala pa nga tayong pinipirmahang kontrata."

"O, tara punta tayo sa munisipyo. Magpirmahan na tayo roon," sagot naman nito, nakangiti.

Si Roj na nanonood sa amin ay kilig na kilig. "Ako best man ah?" biro nito. Apo ni Don Tiburcio ang kaibigan kong ito.

"Anung best man? Maid of honor ka. Teka, tatawagan ko si Elliot para maging best man," biro ni Floyd.

"Gago ka, Floyd!" at pinagkukutusan ni Roj ang lalaki. Malakas ang tama ng kapatid nito kay Roj, kundangan nga lang e tibash ang friendship kong ito.

Ganyan kami magbiruan ni Floyd, pero todo din kami kung magbangayan. One time ay tinawagan ko siya at the middle of his demonstration para lang ipasundo si Roj, na noo'y lilipat sa isa sa mga bahay ko. Sumugod ito sa bahay na galit na galit.

"Ano ka ba naman, Ginger? May nalalaman ka pang 'it's a matter of life and death' e ipapasundo mo lang pala si Roj! Muntik nang masunog yung niluluto ko!" talak nito sa akin pagdating. Chef ito sa isa sa mga fine dining restaurants sa QC. "Lagot ka sa akin mamaya."

I shrugged my shoulders. Pero nakaramdam ako ng excitement. Grabe man kami magbangayan, pero sa kama rin naman ang kinahahantungan. I love the intensity of the act kapag me halong galit.

Just the same, the tension ceased. Nakatulog na naman akong nakayakap sa matipuno nyang dibdib. Pero humiwalay din ako. Unti-unti na akong nasasanay sa ganito. Oo, I love the feeling. Pero, paano kung bigla na lang maglaho?

Floyd hugged me tight. "Gin, dito ka lang. Wag ka umalis.."

I looked at him, and gasped. Tulog siya! Was he.. dreaming that I'll leave him?

I just hugged him back and go to sleep.

FUBU.. LOVE YOU. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon