Keme #5: Talakitok's Wrath

355 0 0
                                    

Floyd laid beside me and kissed my hair. He thought I was already sleeping that time. "I'm back, Gin."

"Hope you had a great time," pakli ko. Hindi ako tumitingin sa kanya.

"Something wrong?" Pilit niya akong inihaharap sa kanya. Humarap akong busangot ang mukha. "Anong meron?"

"Wala."

"Meron."

"Wala sabi e."

"Gin, kilala kita." He cupped my face. "Did Elliot say something to you?"

"Wala," tanggi ko. "Wala siyang sinabi sakin na nagkabalikan na pala kayo ni Annika." I removed his hands on my face. "Let's end this, Floydie. Ayokong maging third wheel."

"No! Gin, ano bang sinasabi mo? Annika's just a teammate. Team Philippines kami. But that doesn't mean na nagkabalikan na kami--" Napahinto siya at tinudyo ako. "Are you jealous?"

"Of course not!" I vehemently replied. "Paa-paalam din kasi 'pag may time, at nang hindi ko pa sa iba nalalaman."

"Are you sure?"

"Of course, I'm sure! 'Yang mga wordings mo ha, napapansin ko may kakaiba," puna ko.

"Oh, nothing. I just thought that you were jealous, that's all."

"E ano naman kung selos ako?"

"E 'di maganda. Kasi--"

Napatigil ang usapan namin nang may mag-doorbell. Bumaba kami pareho at pinagbuksan ang pinto. Isang tenant ko ang nabungaran namin, may dalang spaghetti at maja blanca. Birthday daw ng kasama nya sa bahay at may kaunting salu-salo. Kaya pala nagpaalam ito na gagamitin ang balkonahe para sa inuman sessions.

"Anu nga ulit ung sinasabi mo kanina, Floydie?" tanong ko sa kanya nung kumakain na kami. "Anung kinaganda kung nagselos ako kay Annika?"

"Ah, yun? Wala. Tine-test lang kita, 'kala ko kasi android ka na, walang pakiramdam," anito.

That made me shut up. Assumera din ako paminsan-minsan, mali naman ang iniisip ko.

Again, what is happening to me?

FUBU.. LOVE YOU. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon