Keme #6: Confused Now, Confirmed Later

324 0 0
                                    

Napadilat ako. Naramdaman ko ang paggalaw ni Floyd sa tabi ko. Inalis niya ang braso na napapatungan ng ulo ko. Marahil ay nangawit siya.

Bumaling ako paharap sa kanya, pagkuwa'y natawa. Narinig kong naghihilik siya, with matching nakabukang bunganga pa! Kinintalan ko siya ng isang mabining halik malapit sa mga labi niya, at nagsumiksik sa tabi niya.

Naalimpungatan tuloy si Floyd. "Ang likot mo, Ginger. Matulog ka nga ng maayos," saway niya sa akin.

I didn't say a word, bagkus ay niyakap ko pa siya ng mahigpit. Tuluyan na nagising ang lalaki. He kissed the top of my hair. "Bakit para yatang ang higpit ng yakap mo sa akin?" he queried.

"Life is too short, Floydie. Let's savor this moment while we can," anas ko.

"Bakit mamamatay ka na ba?"

"Hindi. Baka isang araw ay hindi na natin magawa ang ganito."

Kahit madilim ay napansin ko ang pangungunot ng noo niya. "I don't get you."

"Basta." I reached for his lips and kissed it. "At saka, wala ka bang napapansin?"

"Napapansing ano?" Mukhang nahihiwagaan na siya sa mga sinasabi ko. Lalo kasing nangungunot ang noo niya.

Kipkip ang kumot, bumangon ako. "Parang.. parang iba ang pakiramdam ko. There's something different about this time."

Our eyes met. Natigilan ako. Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? May kakaiba talaga akong nararamdaman pero hindi ko mabigyan ng konkretong kahulugan. I heaved a sigh.

Bumangon na rin si Floyd at hinapit ako closer to him. He kissed my forehead. "I feel it, too, Gin. This is getting crazy." Isinandig niya ako sa matipuno niyang dibdib. His heartbeat was also racing, trying to match mine. I closed my eyes.

"I don't want to let you go.." Pabulong man ay nakarating pa rin sa pandinig ko. "Stay with me forever, Gin. I love you."

My knees turned into Jell-o.

FUBU.. LOVE YOU. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon