Chapter 3

14 0 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos namin maghanap ng libro ay nagsipagbalik nadin kaming apat sa mga classroom namin.

Pagkapasok namin ay sakto dating ng teacher namin.

                  -....-
Uwian na kaya magkasabay na kaming lumabas ni Myzzel.

Pag labas namin sa  gate ay pumunta agad kami ni Myzzel sa kotse namin at umuwi na.
                -....-
Pagpasok ko sa classroom ay agad kong nakita sila Mikel at Evo na nag uusap.

Umupo ako sa upuan sa pagitan nila at nakangiti naman nila akong binati ng Good Morning kaya binati ko din sila.

Habang nagkwekwentuhan kami ay biglang may pumasok na babae sa classroom.

Maganda ito at morena bumagay naman sakanya yun maiksi ang buhok may mapulang labi at makapal na make up.

Nang makita ko ang babae ay tumingin ako kay Mikel dahil ang babaeng yun ay si Amisha ang pinaka mamahal na ex ni Mikel.

Nakita kong nag iwas tingin agad si Mikel ng mamukhaan nya ang babae dahil ayaw nya ng balikan ang dati nila ni Amisha

Mahal na mahal nya to at legal talaga sila, selos na selos pa nga ako dito dati dahil hindi na kami nag uusap ni Mikel dahil sakanya nilalayo nya kasi sakin dati si Mikel, lumayo naman si Mikel at hindi na ko kinausap.

Nang nagbreak sila ay bumalik sa dati si Mikel hindi na sya yumabang at hindi na sya feeling gwapo at mas lalong lalo kami naging magkaibigan.

"Classmate pala natin yung bebe mo ehh" Biro ko sakanya habang nakangiti.
"Eww" Sagot nito sakin habang nakangiti.

                   -....-
Nasa canteen na kami ni Myzzel kumakain kami ng biglang may tumabi saamin, sina Evo at Mikel.

Kanina kasama nito sila Steff kaya hindi ito nakasabay samin.

"Oh kala ko kasama nyo sila Steff" Tanong ko.
" Ahh pumunta si Steff sa library pumunta naman si Josh sa nililigawan nya at absent padin si Miko." sagot naman sakin ni Mikel.

"Saan kayo pupunta after class?" tanong ni Mikel
"Ako wala si Myzzel ewan ko lang"
"Ako wala din, bakit?" sagot ni Myzzel
"Yayain sana kita Eli na lumabas ehh pero para masaya sasama ko si Evo at sama mo na din si Myzzel" natulala ako sa sinabi nya pero sabagay hindi nanaman bago sakin to dahil lagi nya talaga akong nilalabas dati pa, ganun sya kasweet bilang bestfriend

"Para saan?" sagot ko
"Wala lang syempre namiss kita dahil nagbakasyon."
"Ahh sige game kami jan."

           -....-
Pagkatapos ng klase ay dumiretso agad kami papuntang mall  kahit naka uniform pa.

"Antagal na din nung huli tayong lumabas diba." Nakangiti akong tinignan ni Mikel habang sinasabi nya yun.

Madalas ay napagkakamalan kaming magsyota dahil naglalakad kaming maykahawak ang kamay.

"Oo nga ehh thank you ahh" nakangiting sagot ko at nginitian nya din naman ako.

Una naming pinuntahan ay timezone.

Naglaro kami duon si Myzzel ay naglaro ng baril barilan dun at si Mikel naman ay naglaro ng cars samantalang ako ay bumibili pa lang ng coins.

Una kong nilaro ay yung kumukuha ng teddy bear pagkatapos ko dun ay natripan ko maglaro ng basketball pag punta ko dun ay naandoon si Evo na naglalaro. Naglaro ako sa kabila at sinamahan sya magshut.

"Marunong ka Eli?"
"Tingin mo sakin."

Nang matapos na ang time ko ay nakishut nadin ako sakanya kaya umusog sya ng kaunti at sabay kaming naglaro.

"Padamihan oh"
"Ge ba!" sagot ko

Nang matapos kami maglaro ay hinintay nalang namin ang ticket na lalabas.

Habang naghihintay kami may tatlong babae na tili ng tili at nag tutulakan kay Evo.

Tinignan ko sila at nginitian, hindi sila pinapansin ni Evo, nakatingin lang sya sa ticket.

Nilapitan ko ang mga to para kausapin.

"Hi girls! ano problema?"
"Ano po pangalan ng kasama nyo?"
"Gwapo noh sya sa Evo." sabay turo ko kay Evo na nakatingin sakin at nakakunot ang noo tila nag tataka sa ginagawa ko.

"Pakilala naman kam~"
"Boyfriend ko." pagputol ko sa sasabihin nila.
"Ayyt ganun? sorry." Sabay simangot at umalis na sila

Tinignan ko si Evo na nakatingin sakin at tawa naman ako ng tawa.

"Sira ka talaga" natatawang sabi nya.
"Bakit babe? Sagot ko habang tawa ng tawa.

"Baliw" natatawang wika nya.
"Tara na nga babe, hanapin natin sila." sabay hawak ko sa kamay nya habang hinihigit sya.

Be MineWhere stories live. Discover now