Chapter 9

12 0 0
                                    

Chapter 9

Sabay kaming pumasok ni Evo sa classroom, pagkapasok namin ay nagtatawanan kaming dalawa na parang ewan, nakatingin saamin ang buong klase habang pumapasok.

Nakita din naman namin si Mikel na nakaupo lang sa upuan nya at nakatingin saaming dalawa habang paupo.

"Oh sabay kayo?" tanong nito pagkaupo namin.
"Ahh oo" nginitian naman sya ni Evo.

-....-
Recess na kaya pumunta na kami ni Myzzel sa canteen, dalawa lang kaming kumakain ng biglang dumating ang apat na mala f4 ang datingan.

Habang papalapit sila Steff, Evo, Josh at Mikel ay tinatawanan kona sila.

"Anong tinatawa tawa mo jan ha?" tanong ni Mikel at biglang hinawakan ang batok ko kaya nangingingisay ako sa kiliti.
"Wala ang cute nyo kasi para kayung f4" ani ko.

Umupo sila sa tabi namin at syempre katabi ko si Mikel sa tabi ni Mikel ay si Josh kay Myzzel naman ang katabi nya ay si Steff at katabi ni Steff si Evo.

"Uyy ano tuloy tayo mamaya ah?" Tanong ni Steff sa tropa habang tinuturo pa ang mga ito.
"Oo naman, 5pm ahh game na yan." sagot ni Mikel
"Anong meron?" tanong ni Myzzel
"Ngayun kasi ang labas ni Miko kaya dadalawin namin sya." sagot naman ni Josh.

Habang nag uusap sila ay bigla akong napatingin kay Evo na nakatingin saakin nag eye contact kami at bigla nalang kaming natawa.

Para kaming ewan na nakatingin lang sa isat isa.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa gym para tumulong duon, kasama padin ang tropa.

Pagkarating namin duon ay may kanya kanya na kaming ginawa para sa Program bukas.

"Ano magandang kulay Eli? blue or red?" tanong ni Myzzel saakin na my hawak na kulay blue at red na ribbon.
"Blue sa gilid at red sa gitna" sagot ko habang nakangiti dito.

Nag uusap kami ng bigla akong hawakan ni Evo sa braso.

"Hiramin ko muna si Eli ahh" ani nya kay myzzel at agad na hinigit ako sa braso papunta sa lugar kung saan kaming dalawa lang.

"Ano yun Evo?" Pangunguna ko.
"Pwede mo ba kong samahan?"
"Saan?"
"Bibili sa mall ng regalo para kay Miko."
"Anong oras?"
"Mga 4, 5pm kasi kami pupunta duon ehh." anito, maaga nga pala ang uwian namin ngayun 3 uwian kaya maaga kaming makakauwi.

"Please" pagmamakaawa nito habang nakadikit ang dalawang palad na parang nagdadasal at nakababa ang nguso na parang nagmamakaawa.
"Sige na nga." pag payag ko at nginitian sya.
"Yes! sige mamaya ahh sabay tayong uwi at hintayin kita mamayang 4 sa labas ng bahay nyo."
"Oo sige." pagsagot ko ay hinawakan kona sya sa kamay habang hinihila papunta sa gym para mag ayus ulit.

-....-
Myzzel pov....
Uwian na pupuntahan ko sana si Eli pero bigla kong nakita na kinuha na ni Evo ang bag nya at sabay na silang lumabas.

Buhat ni Evo ang bag nya? ano kayang meron sakanila kanina sabay silang pumasok ngayun naman sabay silang uuwi? tapos tawa pa sila ng tawa kanina sa canteen tapos hinila pa sya ni Evo kanina sa gym.

Nagseselos nako sakanilang dalawa.

                      -....-
Papunta na kami ni Evo sa kotse nito, naglalakad na kami habang bitbit nya ang bag ko.

Nilagay nya sa loob ng kotse ang bag ko at pinag buksan ako ng pinto, agad naman akong pumasok.

"Evo!" tawag ko sakanya habang iniistart nya ang kotse
"Ano?"
"Ok lang ba sayo kahit araw araw moko isabay?"
"Oo naman." sagot nya ng nakangiti.

umandar na nga ang kotse hanggang sa makauwi na kami agad nyang tinigil sa tapat ng bahay nila marahil katapat lang naman ng bahay namin ang bahay nila.

"Thank you ahh" pasasalamat ko
"Eli mamaya ahh."
"Ayy oo nga pala, sige text kita kapag tapos nako magbihis." nginitian ko sya at pumasok na ako sa bahay.

Be MineWhere stories live. Discover now