Chapter 6

11 0 0
                                    

Chapter 6

Recess na kaya pumunta na kami ni Myzzel sa canteen nakasunod naman saamin sila Mikel at Evo.

Pagkaorder namin ay umupo na agad kami pagkaupo namin ay sinenyasan kona si Myzzel na gumawa na ng paraan para masabi kay Evo ang nararamdaman nya.

"Evo pwede ba tayo mag-usap sa labas? my sasabihin lang ako." wika ni Myzzel

Hindi sumagot si Evo kung di tumayo lang ito at sumunod naman si Myzzel kay evo.

Paglabas nila ay natira kaming dalawa ni Mikel sa canteen na magkasama.

"Eli" tawag sakin ni Mikel
"Anong nangyayari?" wika pa ulit ni Mikel
"Ha? Ano yun?"
"Wag kang mag angaangahan kanina ko pa kayo napapansin ni Myzzel na nagsesenyasan."
"Ah wala yun"
"Ano nga? Eli sabihin mo."
"Kasiii"
"Sasabihin mo o hahalikan kita"
"Kasi my gusto si Myzzel kay Evo at aaminin nya yun ngayun." mabilis na sagot ko kahit na gusto kong gawin nya yung sinabi nya, diba harot lang ang peg.

            

                       Myzzel pov...
Naglakad palabas si Evo kaya nakasunod lang ako sakanya, nagpunta sya sa garden ng school kung saan may ilan ilang tao pero malayo saamin.

"Ano yun?"
"Evo kasiii~" Hindi pa ako nakapagsalita dahil sa kaba.
"Myzzel please! sabihin mo na, nagugutom nako."
"Evo may gusto ako sayo?"
"What? Paan~"
"Evo kasi nakita ko sayo lahat ng ideal ko sa lalaki alam kong mabilis masyado ang lahat pero Evo gustong gusto kita lahat ng ikaw gusto ko yun, lalo na yung pagiging masungit mo, yung pagiging cool mo lahat."
"Myzzel look hindi ko alam kung ano sasabihin pero hindi ikaw yung tipo ko."
"Pero Evo"
"Tara na nagugutom nako."

Naglakad na sya palayo saakin kaya sumunod nalang ako ng nakayuko dahil sa kahihiyan akala ko kasi gusto nya din ako.

Pagkadating namin sa canteen ay umupo agad kami sa tabi nila Eli, tinitigan ako ni Eli ng biglang tumulo luha ko alam kong napansin nya yun, pinunasan ko agad ito dahil nakakahiya.

                       Eli

Nalungkot ako sa nangyari sa pag-amin ni Myzzel kay Evo dahil kwinento agad saakin to ni Myzzel pagkatapos namin kumain.

Naisip ko lang na pwede ko naman silang paglapitin ehh di pa naman huli ang lahat.

                   -....-
Uwian na kaya niyaya ko si Myzzel pumunta sa restaurant namin at syempre niyaya ko din sila Evo para magkausap at mapalapit sila.

Pagkauwian ay agad kong hinanap sila Mikel para yayain ito.

"Mikel"
"Yes"
"Gusto nyong sumama?"
"Saan?"
"Sa restaurant namin sama mo si Evo."
"Anong oras."
"Mamaya mga 6 pm, punta kayo ah please."

"Ayoko!" Pakikisali ni Evo sabay talikod samin ni Mikel, susundan sana sya ni Mikel pero pinigilan ko ito at sinenyasan na ako nalang ang susunod kay Evo dahil alam na din ni Mikel yung nangyari kay Evo at Myzzel.

"Evo evo evo!" Hindi sya lumilingon kaya ng mahabol ko sya ay hinigit ko agad ang braso nya para humarap saakin, humarap naman ito saakin at tinaasan lang ako ng kilay.

Ang sungit talaga nito kumag nato.

" Sumama ka na mamaya please"
"Bakit ba ang kulit mo, ayoko nga"
"Sumama kana bala ka di kita titigilan"
"Ayoko!"
"Please" nginitian ko sya at pinikit dilat ang mga mata ko para magpacute sakanya, ngumiti naman sya at tinitigan lang ako.

"Oh ayan napangiti na kita, sama kana ahh."
"Ngayun lang ako nakakita ng taong kagaya mo Eli, sige na nga."
tumawa nalang ako at nginitian sya.

Aalis na sana ako ng bigla nyang hinatak ang bag ko at napaatras ako.

"Sasama ako kapag pumayag ka na ihatid kita sa bahay nyo."
"Pero may sundo ako, yung driver namin."
"Edi itext mo poblema ba yun?"
"Per~" Hindi kopa natuloy ang sasabihin ko ay agad nyang kinuha ang cellphone ko na hawak ko at tinext ang driver namin na hindi na ako magpapasundo, hindi sya nahirapan buksan yun dahil bukas na talaga yun.

"Tara na hatid na kita." hinatak nya ako sa kamay papunta sa kotse nya.

Pagdating namin duon ay binuksan nya ang pinto para saakin.

Hindi pa ko pumasok kaya tinitigan nya ko na nakatingin lang sa kamay namin na magkahawak.

Agad nya itong tinanggal sa pagkakahawak kaya agad ko syang inasar.

"Kunwari kapa, feel na feel mo din ehh, lambot kamay ko noh." Di pa sya nakakasagot ay agad nako pumasok sa kotse nya.

Be MineWhere stories live. Discover now