Chapter 4

23 0 0
                                    

Chapter 4

Huli naming pinuntahan ay ang isang restaurant na mukhang mamahalin talaga.

" Ano order nyo?" Tanong ni Mikel

Butter shrimp, calamari, adobo at kare kare at syempre salad ang inorder namin.

Pumunta si Evo sa toilet para maghugas ng kamay sumunod naman sakanya si Myzzel.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Mikel na kaagad ikinapula ng pisnge ko.
"Oo naman" malumanay na sagot habang tinititigan sya.

Ang gwapo talaga nito maputi, makapal ang kilay, black ang buhok naka side view ang mga buhok may pink na mga labi at may matangos na ilong.

"Antagal nadin nating di nagagawa to noh." sagot pa nya
"Oo nga eh nakakamiss."
"Ikaw kasi ehh" paninisi nya pa.
"Bakit ako?"
"Ilang beses kita niyayaya nung bakasyon lagi mo naman akong tinatanggihan."

Naguilty ako sa sinabi nya kasi habang sinasabi nya yun ay napasimangot sya.

"Sorry busy lang"
"Bakit busy Eli? may mahalaga kang ginagawa?"
"Oo sa office ni daddy."
"Mas mahalaga pa sakin?"
"Hindi sa ganun Mikel, walang ganun"

nakakunot na ang noo ko habang mag eexpalain sana ng bigla syang tumawa.

"Ano ka ba Eli, joke lang I understand syempre." nakangiting sabi nito

hay nako Evo kakaganyan mo lalo akong nahuhulog sayo.

-....-
Myzzel Pov...
Pagkalabas ko ng cr ay nagkasabay kami ni Evo, tinititigan ko lang sya habang sinabayan syang lumakad.

Ang gwapo pala nito kahit side view.

"Evo" tawag ko na agad itiningin nya
"Bakit?"
"Ok ka lang?"
"Oo naman Myzzel bakit"
"Kasi ang tahimik mo ehh" nginitian nya nalang ako.

Tinititigan ko lang sya laya hindi ko napansin na mababangga na pala ako ng waiter, nang mababangga na ako ay hindi ko na namalayan pero bigla akong hinila ni Evo sa braso kaya napalapit ako sakanya.

Napasandal ako sa dibdib nya nang hilahin nya ko.

Perfect guy talaga.

"Natakot ako dun, thank you Evo ahh"
"Wag kasi ako yung tignan mo, yung daan yung tignan mo." wika nito na ikinagulat ko.

"Huh eh kasi naman kanina ka pa nakasimangot ehh." nginitian nalang ako nito at nauna na maglakad papunta sa table namin.

-....-
Eli
Hianatid na kami ni Mikel sa bahay una nyang hinatid si Myzzel sunod ako panghuli si Evo.

Pagpasok ko sa bahay namin ay madilim na at tahimik mukhang tulog na si mommy at daddy pati ang mga kapatid ko at yung mga yaya namin.

Umakyat agad ako sa kwarto at nilock ito. Naghilamos ako nagpalit at humiga na, matutulog na dapat ako ng biglang nagring ang phone ko.

*Ring ring ring*

"Hello Myzzel bakit?"
"Hello Eli busy ka?"
"Di naman bakit"
"May kwento ako sayo"
"Ano?"
"May gusto na ata ako kay Evo"
"WHAT?" laking gulat ko sa sinabi nya.

"Wag wag kay Evo."
"Bakit naman Eli?"
"Eh kasi naman kilala sya sa school na pinaka masungit ba ka di ka na nya pansinin kapag nalaman nya yun."
"Eh ano magagawa ko eh nahulog ako sakanya."
"Bala ka na nga." Binaba ko na ang phone

Hindi naman sa ayaw ko si Evo para sakanya pero hindi sya papansinin nun masasaktan lang sya napaka seryoso at mysterious na tao ni Evo.

                         -....-

Nagkasalubong kami ni Myzzel sa gate ng school bago pumasok kaya sabay nalang kaming pumasok.

"Eli may gusto talaga ako kay Evo"
"Fck myzzel may gusto agad sa loob ng isang araw?"
"Lahat kasi ng gusto ko nasa kanya na ehh."
"Mysterious, tahimik, gwapo at matalino."
"Pero Myz~"
"Supportahan mo nalang ako Eli please." Putol nya sa pagsasalita ko habang nakangiti kaya tumango nalang ako at ngumiti din.

"Bilang support ako sayo sasabihin kona sakanya Myzzel para kung gusto kaba din nya edi kayo na" ngiting ngiti sya sa sinabi ko.
"Oo sige sasabihin ko sakanya talaga." ngiting ngiting sagot nya.

Be MineWhere stories live. Discover now