Chapter 7

8 0 0
                                    

Chapter 7

Pagkadating namin sa bahay ay pinagbuksan nya ko ng pinto.

"Salamat ahh."
"You're welcome."
"Evo pumunta ka mamaya ahh."
"Oo sige nahatid naman kita ehh."

Papasok na sana sya sa kotse ng tawagin ko ulit sya.

"Evo!"
"Ano yun?"
"Yung cellphone ko, di mopa nababalik"
"Ayy oo nga pala." Agad nyang inabot saakin ang phone ko.

"Sige na Eli pumasok kana."
"Sige see you."
Hinintay nya ako pumasok bago sya umalis.


-....-
Naandito na kami sa restaurant ng mga magulang ko may sarili kaming kwarto kasi madaming costumer sa labas.

Madaming pagkain ang pinahanda ko, videoke at wine.

Nagsimula ng kumain, mag inuman at magkantahan ang lahat nilalapit ko naman ang dalawa, alam kong napapansin ni Evo ang ginagawa ko kaya todo iwas sya.

"Myzzel duet nga kayo ni Evo."
"Ha? Sige"
"Ayaw ko" Pakikisali ni Evo
"Sige na arte mo."
"Sige na Evo minsan lang naman" pakikisali ni Mikel.

Tinignan ako ni Evo nang my pag aalanganin, nginitian ko naman sya para pumayag.

Tumayo na ito at kumanta na silang sabay ang kinanta nila ay Hanggang kailan.

Nakangiti kaming nakaupo ni Mikel habang pinagmamasdan silang dalawa, bakas sa mukha ni Evo na nag aalangan sya.

Ang ganda ng boses ni Evo bagay lang ang boses nilang pareho.

Pagkatapos nilang kumanta nagulat ako ng pinindot ni Evo ang kantang Cant help falling inlove bago nya yun ireserve ay kinuha nya ang mike na nasa kamay ni Myzzel at inaabot saakin ang mike.

"Ano yan Evo?"
"Kanta tayo"
"Ha? Yoko nga"
"Anong ayaw ko, pumayag ako na makipag duet kay Myzzel diba kaya kailangan pumayag ka din." Nakangiti sya saakin habang nakahawak padin sa mike na kanina nya pa gustong iabot.

Kinuha ko naman ito at nginitian nalang sya dahil ang cute nito kapag nakangiti minsan lang kasi syang ngumiti ehh.

"Pasalamat ka talaga" kinuha kona ang mike at tumayo, tinawanan lang naman ako nito.

Sabay na nga naming kinanta ang cant help falling inlove.

Pagkatapos namin yung kantahin ay umupo na kami para magkwentuhan.

"Evo may crush kaba?" pangunguna ko.
"Si Evo may crush? malabo." pakikisali ni Mikel
"Alam nyo kapag nagkagusto si Evo walang makakaalam miski kaming mga katropa nya." sagot pa ni Mikel
"Talaga?Bakit naman?" sagot ko
"Bakit kailangan ba pag nagkagusto ako alam ng buong mundo?" sagot ni Evo, tinarayan ko nalang sya.

"Bakit di moba gusto si Myzzel?" tanong ko.
"Hindi, hindi ko sya type may iba nakong gusto." sagot nito, napatingin ako kay Myzzel na biglang sumimangot.
"Di mo gusto si Myzzel? baka naman si Eli gusto mo?" biro ni Mikel kay Evo.
"Oo" lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Evo na gusto nya ko.
"Gusto ko syang maging kaibigan" dagdag pa nya na ikinaluwag naman ng paghinga ko kasi pagnatkataon patay ako nito kay Myzzel, tinarayan ko nalang sya at nginitian nya nalang ako ng may pagpigil na tawa.

-....-
Nag-uwian na kami, wala ng tao sa restaurant si Mikel ay umuwi na pati si Evo si Myzzel naman ay sinundo ng sundo nya.

Nagpaiwan muna ako sa restaurant mag isa kahit lasing na ay nagligpit padin ako dito, nagpromise kasi ako sa mga employee namin na aayusin ko dito kaya mauna na silang umuwi, hindi ko pa tinetext ang driver namin para magpasundo.

Nagligpit ako sa kitchen hanggang sa kwarto na pinag inuman namin.

Naglilinis ako ng lamesa ng bigla akong nakaramdam ng hilo, hinawakan ko ang ulo ko dahil nahihilo na talaga ako, naparami ata ang inom ko.

Sa sobrang hilo ko ay hindi nako naka balance kaya babagsak na dapat ako ng bigla akong nakaramdan ng tao na humawak saakin.

Pagkalingon ko sa lalaki na pamilyar saakin ay kitang kita ko ang kaputian nya at kagwapuhan nakakunot ang noo nya grabe ang mga labi nya, wala sobrang gwapo lang.

"Evo?" sambit ko dito habang hawak hawak ako.

Be MineWhere stories live. Discover now