Chapter Four: I'm In!

30 0 0
  • Dedicated kay Gerine Mendoza
                                    

[Agnes]

(Riinnnngggggggggg)

Umaga na. Oh no. Anong date ngayon? June 19?! Hala ngayon na yung audition!

Nagmadali ako bumaba para kumain. Nagulat sakin sina Ma and Dad dahil para akong sumpit na pumunta sa kusina.

“Oh?” Gulat si Ma habang nagluluto.

“Ma-le-late na po ako eh.” Sabi ko habang ngumunguya.

“Bakit eh ito naman lagi yung oras mo pag pasok?” Tanong ni Dad.

I cleared my throat and tried to talk.

“May audition po ako”

Nag tinginan silang dalawa na parang nakarinig ng masamang balita.

“Saan?”

“Dance club.”

“Ahh…Anak, sure ka?” Tanong ni Ma.

“Opo, tinuruan po ako ni Stefi.

“Ok, uhmm, sige. Good luck.” Sabi ni Dad.

Ok, hindi yun yung expect ko na reaction nila pero at least nasabi ko. Hayy bahala na talaga.

Nakabihis na ako and proceeded sa car. Hinatid ako ni Dad and nag good luck ulit sakin.  Nakita ko si Stefi sa gate na nag aantay sa pagdating ko.

“Nes! Halika na, kelangan na daw natin pumunta sa gym for the audition.”

“Agad?”

“Oo.”

Pumunta kami ni Stefi sa classroom para iwan mga gamit ko. Oh! I almost forgot, akala ni Matthew di talaga ako sasali sa audition. I’m such a bad liar!

“Oh, ano pa iniintay mo, halika na.” Yaya sakin ni Stefi.

THIS IS IT. Almost one week of  breath-taking practices and the day we all have been waiting for, the AUDITION. Well, hindi parin mawala yung nerbyos ko. Kapalan nalang talaga ng muka to’!

Papasok na kami ni Stefi sa gym nang may bumanga nanaman sakin. Guess who? Si Gab.

“Aray!”

“Sorry.”  Sabay alis.

Ha? Tama ba narinig ko? “Sorry.” From Gab?

“Ok ka lang ba?” Tanong ni Stefi.

“Yeah.”

“Gentleman talaga siya noh? Nabangga ka niya pero nag sorry siya.”

Really? Oh, dahil andito ka lang?

Lumakad na kami patungo sa bleachers at nakita naming ang isang crowd ng tao sa may dulo. Must be the dancers.

“Places everyone!” Sigaw ni Ms. Carmen while clapping. Ang dance moderator namin. Ang pinaka-cool na teacher. Ever.

Lahat kami ay naupo sa may harap niya. To my surprise, tumabi sakin si Matthew.

I’m dead.

“Oh! Akala ko ba prank lang ni Stefi yung registration mo?”

“Ahmm, onga.”

“Ba’t andito ka?”

“Ahhh… Susuportahan ko lang si Stefi.”

Matthew nodded na parang alam niya ang totoo. First honor nga ako pero hindi ko naman kaya mag palusot.

“Boys and girls, hindi ko naman pahihirapan ang audition niyo.” Sabi samin ni Ms. Carmen.

“Talaga Ms?” tanong ng isang estudyante.

The Moment (on HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon