Chapter Five: New Home

20 1 0
  • Dedicated to Kris Salita Ü
                                    

[Agnes]

It has been weeks after the audition and everyday I feel good kasi part ako ng dance club sa school. Everything is going smoothly until nag ka-problem. Ano kaya?

Bumaba ako ng stairs para kumain ng dinner. Well, hindi ako sanay na super tahimik ang bahay. What else would I expect. We’re having a financial crisis.

Umupo ako sa seat ko and tinignan ang parents ko. They look gloomy and haggard.

“Anak,” Simula ni Dad.

“May gusto sana kami sabihin sa’yo ng mama mo.”

“Ano po?” Oh my gosh.

“Kailangan naming ng mama mo na ibenta bahay naten.”

Tinignan ko lang sila na parang iiyak. I love this house.

“Pero don’t worry anak, nakakuha na kami ng job ng daddy mo sa London. Makakabili rin tayo ng bagong bahay pag kabayad ng mga utang.” Sabi ni Ma.

“San po ako titira?”

“Dun ka muna sa kuya mo. At least alam naming na okay ka.”

Hindi ako kumibo at nag isip-isip.

“Kailangan po ban a kayong dalawa mag trabaho sa abroad?” tanong ko sa kanila.

“Nes, anak..”  Dad tries to explain.

“Kung yun po makakabuti samin ni kuya, payag na po ako.”

Hindi ko na kaya pa patagalin ang usapan na to’. Sobrang nakakalungkot ang mapahiwalay sa parents mo. Ngayon ko lang na realize.

Days passed and I have to face reality. Nakita ko na ang “FOR SALE” sign sa harap ng bahay namin. May isa na ring truck na pumarada sa may tapat para ilagay ang mga gamit namin na binenta sa kaibigan ng parents ko. Well, unfortunately, almost lahat ng gamit ko sa kwarto ay kasama sa mga binenta. Including my Hello Kitty table na gift sakin ni Ma and Dad. So depressing.

“Anak, ayos na ba mga gamit mo?” tanong ni Dad.

“Yes dad.” Napapaluha.

Linapitan ako ni dad and inakap. Tears started to fall. Which is totally embarrassing.

“Makakabangon din tayo.” Sabi ni dad.

“Mababalik pa kaya yung bahay natin?”

Hindi kumibo si Dad. Well I guess, hindi rin niya alam.

 Inayos na nila Ma at Dad ang mga needed papers nila and inasikaso ang mga kailangan ko sa paglipat sa boarding house ni kuya.

After a short while ay dumating na si kuya at inilagay ang mga gamit ko sa trunk. Sumakay na kami ng car nila kuya at dad. Naiwan si Ma sa bahay para asikasuhin ang mga natitira pa naming gamit. Napalingon ako sa bintana at nakita ang “FOR SALE” sign again. Pati ba naman tong kotse?

Umandar na ang car and we drove off papuntang boarding house ni kuya. It took as almost thirty minutes bago makarating doon.

Bumaba na kami ni kuya Aldwin. Kinuha niya mga gamit ko at inilapag sa may front gate.

“Agnes, Aldwin.” Tawag ni Dad. Lumapit kami ni kuya.

“Aldwin alagaan mo kapatid mo ah. Inaasahan kita.”

“Opo dad.”

“Agnes, pagbutihin pag aaral ah. Lagi kaming proud sa’yo ng mama mo. Ingat kayo lagi. Wag lagi makipag away kay kuya.”

Naiiyak na ako.

“Opo… dad.”

Humalik kami kay Dad and I could feel na parang gusto na rin umiyak ni dad. Pag ka-goodbye niya saamin ay dali-dali niyang pinaandar ang kotse at umalis. Mamaya na nga pala flight nila.

Nakatingin lang kami ni kuya sa malayo hanggang sa hindi na naming makita ang kotse ni dad.

“Halika na.” tawag ni kuya na parang nanghihina.

Binuhat niya mga maleta ko at pumasok na kami sa loob. Ang laki at ang ganda ng bahay na to’. Bulong ko sa sarili ko.

Ilang steps nalang bago kami makapunta sa pintuan ay may tumawag na kay kuya.

“Aldwin! Andyan na pala kayo!” Isang boses ng babae.

Lumingon ako at nakita ang isang middle-aged woman na napaka ganda. Must ba the owner of the house.

“Tita Kirsty!”

Nag akapan sila.

“Oh, eto ba si Agnes? Kay gandang bata!”

Weh?

“Good morning po.”

“Kapatid ko po yan.” Sabi ni kuya.

“Aba! Mag kamukang magkamuka kayo.” Sabay pisil sa cheeks ko.

“Magkamuka? Panget niyan kamuka ko?” Asar ni kuya. Maybe to cover up ang kalungkutan niya.

“Kapal mo ah!” Sigaw ko.

“Oh, tama nay an. Aldwin tumigil ka na nga! Halika na iha, I will show you your room.”

“Sige po.”

Sabay kami pumasok sa loob while si kuya, ayon, hirap na hirap sa pag bubuhat ng gamit ko. HAHA.

“Agnes, pasensya na kung maliit lang room mo ah. Pero pinaganda ko yun para sa’yo.”

“Ah, okay lang po. Nag abala pa po kayo. Thank you.”

She’s very nice and sweet. Kaya siguro hindi nakaka-pag bulakbol si kuya.

Umakyat na kami ng second floor patungo sa room ko. Grabe ang ganda. Sarap mahiga sa sahig.

“Eto na yung room mo. Okay lang ba kung may katabi ka ng room?”

“Okay lang po. Bakit niyo po ba natanong?”

“Ah, kasi baka ayaw mo ng istorbo eh. Katulad ng kuya mo. Gusto solo siya.” Bulong sakin ni tita Kirsty.

“Ahh, haha!”

Habang palakad na kami ni tita papunta sa designated room ko ay may biglang lumabas sa tabing kwarto. Mukang bagong gising ata.

Napatingin ako sa kanya. Wait… No.

“Ikaw?!” Sabay kaming sumigaw.

“Wait, magkakilala kayo?” tanong ni tita Kirsty.

NO.WAY. IT CAN”T BE. Sa lahat ng tao na makakasama sa bahay na to’. Si Gab pa!

The Moment (on HOLD)Where stories live. Discover now