Chapter Six: This Sucks

22 0 0
                                    

[Gab]

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kanina lang ang sarap ng gising ko tapos ito makikita ko?

If you're wondering kung bakit asar ako sa babae na to, eh dahil sa first day palang ng class, ininis na ako. Biruin mo ba naman sa paglakad nalang eh tatanga-tanga pa. And the worst part is, ni hindi man lang nag sorry. Suplada na nga ang sama pa tumingin every time mag kaka-salubong kami. THIS GIRL IS DEFINATELY WEIRD. 

After a moment of complete AWKWARD silence... 

"Hello? Uulitin ko sinabi ko ah. Magka-kilala ba kayong dalawa?" tanong ni tita Kirsty.

"Po? Ah, HINDI!" Sabi ko.

Speechless lang yung babae na yun.

"Eh baket.." before tita Kirsty continues the GIRL interrupted. 

"Akala ko lang po kasi kilala ko." Sabi niya.

"Ah opo! Akala ko rin!" Sumigundo ako. Nice idea though.

"Ahh..." sabi ni tita Kirsty na medyo confused paren sa mga nangyayari. 

"Osige, bumaba ka na dun, nakaluto na ako ng breakfast. Andun naren ang kuya Aldwin mo. Oh! Before I forget, si Agnes nga pala to, kapatid ni Aldwin." Sabi ni tita.

Agnes pala. 

"Ok." 

Tinignan niya ako ng masama. Masisi niya ba ako kung inis ako sakanya? She should know by now. Haist!

Bumaba ako ng hagdan at tumungo sa kusina. Nakita ko si kuya Aldwin dun kumakain.

"Oh, kain na tol." yaya niya.

"Sige kuya, mumog lang ako."

Kapatid niya pala yun? I mean yung Agnes. Ang layo lang ah. Ugali palang. Parang may meno yung babae na yun eh. Mukang possessed palagi. Tsk.

Umupo na ako at kumain ng bacon na niluto ni tita. SARAP! So mouth-watering! 

Pasubo na ako ng isang malaking spoon ng bacon at fried rice

Nang biglang...

"Gabriel!" tawag ni tita. NAMAN! 

"Po?!" 

"Halika muna sa taas."

"Babalik ako." Bulong ko sa pagkain ko.

Umakyat ako sa taas at nakita si tita na tuwang-tuwa. Baket?

"Baket po?" 

"Pwede, ipasyal mo muna si Agnes sa labas?" 

WHAT THE?

"Eh, bakit ako pa? Andyan naman si kuya Aldwin ah?"

"Puyat si Aldwin mag papahinga pa yun, at mag kasing edad lang naman kayo, kaya hindi naman  nakaka-asiwa."

ANONG CONNECT NG EDAD?

"Ayoko tita." sabi ko.

"GABRIEL." she demanded

Pag dating kay tita Kirsty. WALANG nakaka-angal. As in WALA. Which is BAD as HELL. 

"Tita..." 

"Susunod ka ba o..." banta ni tita.

Good bye bacon and fried rice. 

"Fine." 

"Ok! Agnes!" tawag ni tita.

"Bakit po?" 

"I-tou-tour ka daw ni Gab sa labas." 

"Po?" sagot niya na parang siya pa yung may ayaw. 

"Halika na. Gab mag bihis ka na." sabi niya habang tinutulak ako patungo sa kwarto ko.

"Di pa po ako naliligo." sabi ko.

"No need! Ang bango-bango mo pa kaya! Bihis na!" 

Ayun na nga, wala na akong magawa. I-tou-tour ko yun. Ang taong kinaiinisan ko sa maliit na bagay na ginawa niya. Naman. Siya pa dalihan kung ba't nabitin yung Bacon at Fried Rice ko!

Nag bihis na ako at tinawag na ni tita si Agnes. Lumabas siya ng kwarto niya... Oh! wait.. Katabi ko pa pala siya ng kwarto?! Asar lang men. 

Pababa na ako ng stairs... 

"Gab! Antayin mo naman si Agnes." 

"Opo." I answered lazily.

Inantay ko nga si Agnes at sumalubong sakin ang sour-looking-face niya. OY! Hindi lang ikaw ang may ayaw nito ah!

Lumabas kami ng bahay at kinapalan ko  na ang muka ko na tanungin siya. 

"San mo gustong pumunta?" I started to act friendly. 

"Ikaw bahala." 

Ahh sige. Ako pala bahala. Ililigaw lang naman kita. :)

"Ok. Dun tayo." Tumuro ako patungo sa may dulo ng subdivision. 

"Ok." sagot niya.

Nararamdaman at na-sesense ko na, na magiging boring itong tour na to. Sana kasi di nalang ako pumayag kay Tita. Ang dapat ko lang i-tour eh yung tao na gusto ko, hindi yung kaaway ko. This sucks. Tsk. 

The Moment (on HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon