Prologue

96 30 8
                                    

Kapag nag sinungaling ka sa taong nag mamahal sayo ng totoo asahan mong may mag babago
-Strawberrydette, ALLTR


"Alam mo rin ba ang lahat!?" Galit na sigaw ko habang umiiyak, akala ko iba sya sa lahat.

"Yannah, please let me explain" pag mamakaawa nya pero wala na akong maramdamang awa para sa kanya dahil lahat ng awa ko ay napunta na sa sarili ko. Awang awa ako sa sarili ko dahil sa kabila ng mga pinapakita nilang kabutihan sa akin hindi ko akalain na magagawa nila akong lokohin. Nag tiwala ako sa kanila pero umpisa palang pala niloloko na nila ako. Ang tanga tanga ko para pag ka tiwalaan agad sila at inakalang hindi nila ako kayang saktan.

"So, may alam ka nga" Mahina kong sabi sa kanya habang umiiyak pano nila nagawang itago 'to sa akin ng ganito ka tagal? Ano bang kasalanan ko at pakiramdam ko lahat ng tao ay niloloko ako?

"Yannah, please pakinggan mo naman ako" pag mamakaawa nya parin at halos lumuhod na sya sa harapan ko.

"Wala na akong papakingan sayo dahil alam ko na ang lahat. Lahat lahat. Lahat ng panloloko nila sa akin. Panloloko mo sa akin." Sa totoo lang, sa mga nalaman ko sa tingin ko ay wala pa ako sa kalahati ng katotohanan. Seryoso ko syang tinignan sa mga mata nya at nakita ko na pain is written on his eyes. Seriously yannah bakit naman sya masasaktan?

"Hindi ko sinadyang itago sayo ang lahat at kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana noon palang, sinabi ko na lahat ng nalalaman ko!" Tumaas narin ang boses nya "Pero hindi pwede" dagdag nya at napayuko.

"Huh!" Hindi maka paniwalang sabi ko "Hindi mo sinasadya?"Natatawa kunwaring tanong ko "Well, hindi mo na ako mapapaniwala!" Sigaw ko sakanya "Isa lang naman ang hiling ko diba?" Naluluha nanamang tanong ko "Ang malaman ko ang katotohanan pero mukhang hindi ikaw ang makakasagot sa mga katanungan ko" tuluyan na naman akong naiyak.

"Yannah, I'm Sorry. I'm really Sorry"hingi nya ng paumanhin pero mas lalo lang akong naiyak at naramdaman ko nalang ang pag yakap nya sa akin.

Hanggang ngayong hindi parin ma proseso ng utak ko lahat ng nalaman ko. Who will thought na Lolokohin ka ng mga taong minamahal mo? Nang mga pamilya at kaibigan mo na kailanman puro kabutihan ang ginagawa mo sa kanila?

How can I give my respect and trust to them if they destroy it already?

~ A Lasting Love to Remember~

A Lasting Love to RememberWhere stories live. Discover now