TRES

51 24 2
                                    

Im not with you right now so please be safe
-Hanz, ALLTR

Zeyannah

Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at naka tingin saamin? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"K-kuya" kinakabahan talaga ako sa hindi malamang dahilan.

"Bakit?" Tanong nya pero hindi ko sya nilingon at nanatili akong naka tingin dun sa lalaki na hindi ko makita ang kabuuan ng mukha nya pero pamilyar sya sa akin. "Yannah?" Tawag ulit sa akin ni kuya at this time nilingon ko na sya "may Problema ba?" Tanong nya

"Look oh" Turo ko sa lalaki at tinignan naman ito ni kuya "Kanina pa nya ata tayo tinitignan" sabi ko

"Don't mind him" sabi nya at nag iwas tingin ng nilingon ko.

"Kilala mo ba sya kuya?" Tanong ko Pero hindi nya parin ako tinitignan "kuya?" tawag ko ulit sa kanya.

"N-No!" Nagulat ako ng tumaas konti ang boses nya "I mean don't mind him okay? Hindi ko sya kilala sadyang madami lang ang mga ganyan dito sa subdivision natin kaya wag na wag ka masyadong lumabas dito at mag iingat ka lagi" Sabi nya

"S-sige" sagot ko sakto naman ng bumukas ang gate at pumasok na kami ni kuya.

Dumeretso kami ni kuya sa kwarto ko at inilagay doon lahat ng pinamili kong gamit na mandami din pala kahit libro at notebook Lang ang pinili ko kanina madami pala syang ibang kinuha para saakin kanina. Pagkatapos nyang ayusin sa kwarto ko lahat ng pinamili namin ay agad syang nag paalam.

"Una na muna ako" paalam nya parang may mali kay kuya. Kanina nasigla naman sya.

"Sige Kuya" sagot ko at aalis na sana sya pero naalala ko di pa pala ako nakapag pasalamat "Kuya wait" tawag ko sakanya kaya naman napalingon ulit sya "Salamat pala kanina" sana lagi ka nalang manlibre kuya hehe.

Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko "wala yon ano kaba, tagal nating hindi nag bonding eh" oo nga, minsan lang kasi kung makadalaw si kuya sa states.

Nang tuluyan ng umalis si kuya ay nag bihis lang ako bago pumunta sa kama ko at naisipan ko munang matulog dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako.

Nagising ako at 6 na pala ng hapon. Madaling araw na sa states kaya naman naisipan kong tumawag dahil miss ko na mga kaibigan ko. Inuna kong tinawagan si Jenny kaso naka off naman ang phone nya kaya sunod kong tinawagan si Fritzy kaso naka ilang ring na hindi parin sinasagot. Bakit hindi ko sila ma contact tulog pa kaya sila? Eh sila ang maagang nagigising samin, usually ganong oras sa states gising na ang dalawang yun. Dalawa lang sila na kaibigan kong babae and puro boys na. Hindi na ako nag abalang tawagan sila dahil tulog mantika ang mga yon. I really miss them.

Pumunta nalang ako sa may kusina para sana uminom kaso nasa tapat palang ako ng kusina ng marinig ko si kuya na may kausap sinilip ko sya pero wala naman syang kasama at may hawak lang syang cellphone, may katawag lang pala.

"Ano nanaman ang kailangan mo!?" Parang galit si kuya sa kausap nya sa kabilang linya dahil hindi naman sya ganyan makipag usap. Natural na ang pagiging kalmado nya sa lahat ng bagay pero this time alam kong galit sya "Diba sabi ko naman sayong tigilan mo na sya. Binalaan na kita noon pa pero hindi ka nakinig hanggang sa sinaktan mo lang sya at kinailangan nya pang lumayo para lang makalimutan ka tapos ngayong okay na sya bigla kanalang babalik!?" Galit na sabi ni kuya sa kausap nya. Sino kaya ang kausap nya at sino rin ang tinutukoy nya "Ito ang tatandaan mo" muling nag salita si kuya "Sa oras na makita o malaman kong ginugulo mo nanaman sya kalimutan mo ng naging kaibigan mo ako!" Ganon ba kalala ang away nila para humantong pa sa pagkasira ng pag kakaibigan nila? Nakita kong papalapit na si kuya sa kinaroroonan ko kaya dali dali akong tumakbo papuntang sala na hindi kalayuan sa kusina at nag suot ng headphone na nakuha ko lang kung saan.

A Lasting Love to RememberWhere stories live. Discover now