DOS

59 26 3
                                    

Life is just a battle. Sometimes you win, sometimes you lose.
-Zeyannah, ALLTR

Zeyannah

Maaga palang din nang matapos akong mag Jogging at medyo mas maliwanag na ngayon kumpara kanina kaya naisipan kong pumunta muna sa isang Cafe na nakita ko kanina habang nag lalakad lakad hindi kalayuan sa bahay namin.

Isa sa mga nakakabilib sakin ay madali akong makatanda ng mga daan at lugar. Well isa akong taong gala sa states pag busy sila mama at daddy sa work nila.

Since malapit na ako makabalik sa bahay kanina mas mabilis akong nakarating sa may cafe. Frozen Cream Delight, Yan ang name ng Cafe shop na ito. Pumasok ako at pinag masadan ang lugar na'to. The theme, design, displays and everything is pretty good and well match. I like the ambiance of this shop. I love this place na. This place is so perfect pag gusto mong mapag isa at mag isip-isip. Napaka peaceful ng dating.

Umupo ako sa may gilid, tabi ng glass mirror at nag order lang ako ng isang caramel cofee at isang maliit na strawberry cake. Maaga palang kaya mangilan ngilan palang kaming mga customer.

Habang hinihintay ko ang order ko bigla kong naalala yung lalaki kanina. Bakit kaya ganon nalang siya magulat nung nakita niya ako? Is there something wrong with my presence at kung magulat sya parang isa akong multo. Nevermind.

Naging mabilis ang pag serve nila ng order ko kaya naman nag simula na akong kumain. Masarap yung strawberry cake nila at kalasa niya yung lagi kong binibili sa favorite cafe ko sa states hindi siya masyadong matamis sakto lang pero mas organize yung design nung sa states but it's fine. Mukhang mapapadalas talaga ang pag punta ko rito. Gustong gusto ko talaga mag punta sa mga cafe kase it is one of my dream.

Balang araw gusto ko mag karoon ng sariling cafe or restaurant pero pinag iisipan ko pa kase I also want to become an accountant at hindi yun ganon kadali para pag sabayin ang dalawang gusto ko pero I'll try my best.

Matapos kong ubusin ang order ko nag stay lang ako saglit at napag desisyonan kong Umuwi na. Since hindi naman ito kalayuan sa bahay ay nag lakad nalang ulit ako dahil wala pa naman dumadaan na sasakyan.

Habang nag lalakad ramdam ko na ang init dahil naka jacket nga ako at natuyuan nadin ako ng pawis.

Ilang minuto lang ng makarating ako sa bahay at nadatnan ko si kuya sa may sala at nanonood ng CARTOON!?.

"San ka Galing?" bungad na tanong niya sa akin nang mapansin niya ako. Hindi ba obvious sa suot ko kung saan ako nanggaling at anong ginawa ko?

"Nag Jogging lang" sagot ko nalang

"Sana nag sabi ka kahapon para naman masamahan kita"

"Maybe next time nalang" sagot ko at pumuntang kusina para kumuha ng maiinom.

Pag katapos kong uminom bumalik ako sa may sala at tumabi kay kuya para makinood. Iba na ang pinapanood nya at Hindi na cartoon naku nahiya pa.

"Mamaya bibili na ako ng gamit ko baka gusto mong sumama at bumili ka narin ng gamit mo?"

"Libre mo ba?" nakangising tanong ko napakamot naman siya sa ulo bago tumango.

"Oo na may choice paba ako?"natawa naman ako sa itsura niya. Kung kuripot mga kaibigan ko sya naman madamot. Ayaw na ayaw niya ang nanlilibre kaya isa itong himala at susulitin ko na.

"Asan pala sila Mama?" Ganitong oras ay nasa kusina na si mama at sinasamahan kung sino man ang tagaluto pero ngayon wala si mama sa kusina.

A Lasting Love to RememberWhere stories live. Discover now