SAIS

58 22 0
                                    

We have our own flaws, let's embrace ourself and shine by our own.
-Audrey, ALLTR

Zeyannah

Isang linggo nadin ang nakalipas simula nung iwan ako ni kuya sa parking lot at hanggang ngayon hindi parin kami nag uusap. Pano ba naman kasi pag ka hatid sakin ni Clyde, yung nabunggo ko na kaibigan ni kuya, nag pasalamat lang ako sakanya kasi nakakahiya ibang way naman pala sya pero hinatid nya parin ako.

So yun nga, pag pasok na pag pasok ko palang sumalubong sakin ang masamang tingin ni kuya. Nasa sala sya at nakaupo na halatang may inaantay, inaantay nya ako para pagalitan! Wala sila Mama that time kaya hindi ako nakapag sumbong. Iniwan na nga ako pinagalitan pa nya ako.

F L A S H B A C K

Pagkatapos ko mag pasalamat sa kaibigan ni kuya na nabunggo ko kanina na Clyde pala ang pangalan, hinintay ko muna syang makaalis bago pumasok sa loob.

Pag ka pasok ko naabutan ko si kuya na nakaupo sa may sala at masamang naka tingin saakin.

"Sino yung nag hatid sayo?" Tanong nya saakin

Naiinis ako kay kuya kasi iniwan nya ako, pano nalang diba pag walang dumating na mag hahatid sakin? Hindi ako marunong mag commute mag isa. Pano pag naabutan ako ng gabi sa may parking lot ng mag-isa? Madilim

"Pake mo?" Inis na sabi ko tapos agad na akong umalis at pupunta na sana ako sa taas ng biglang may humigit sa braso ko kaya napaharap ako kay kuya. "Problema mo!?" Parang may topak kasi, Kung naiinis sya dun sa babae kanina sana wag nya akong idinamay diba?

"Tinatanong kita sino yung nag hatid sayo?" Kalmado nyang tanong pero parang nag babanta.

"Si Clyde. Okay na? Pwede na akong pumunta sa taas?" Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko at tinalikuran ko na sya.

"At kailan pa kayo nag ka kilala bukod kanina? Bakit ka nya hinatid?" Inis ko syang hinarap

"Ano bang problema mo kuya? Malamang iniwan mo ako don at nakita nya ako at dahil mabait yang kaibigan mo inalok nya ako na ihatid. Tatanggi pa ba ako eh sa iniwan mo nga ako at alam mong hindi ako marunong mag commute mag isa diba? At kaibigan mo naman sya kaya pumayag ako" bwisit daming tanong kung di nya sana ako iniwan di walang problema.

"Sa susunod wag ka agad sasama sa hindi mo naman kilala, hindi dahil kaibigan ko sila pag kakatiwalaan mo na. Matuto ka kasing tumayo sa sarili mo at hindi yung umaasa ka sa ibang tao" nagulat ako sa sinabi ni kuya. Nasaktan ako sa totoo lang, kaya ko naman tumayo sa sarili ko ah sadyang hindi ko lang talaga kaya mag commute ng mag isa. Ano bang problema nito? Kung ako lang naman masusunod kaya ko maiwan mag isa sa states.

"Problema mo?" Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Napansin ata ni kuya kasi nag bago yung reaksyon nya na kaninang seryoso ngayon parang na guilty na sya sa mga sinabi nya.

"L-look Princess hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko. N-nabigla lang ako sorry" Hindi ko nalang sya sinagot tumalikod nalang ako at nag madaling umakyat papuntang kwarto. Narinig ko pang tinawag nya ako kaso hindi ko na sya nilingon.

A Lasting Love to RememberWhere stories live. Discover now