Beks 2:Baklash Isa Laban sa Isa Pa!

1.2K 64 26
                                    

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip g aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

Kinagabihan ay umuwi na si Tito galing trabaho. As usual palagi itong may dalang Chooks to Go na palagi niyang binibili kapag uuwi siya rito. 

Hindi regular ang pag-uwi ni tito dito galing trabaho, kadalasa'y nagtatagal sila sa siyudad ng tatlong araw tapos babalik nanaman, pagkatapos ba kinabukasan o sa susunod na araw ay magdedeliver nanaman siya patungong siyudad o kung saan man, palagi talaga siyang nag-uuwi ng ganito para maulam naming sa gabi.

 Bihira naman ito mamalagi dito sa bahay kaya mas madalas mas nakakasama ko yung dalawang mag-ina na palagaing trip akong utusan.

"Ohh, ni Joshua Kevin adinno na ngay?"("Ohh, si Joshua Kevin nasaan?") tanong sa akin ni tito pagkalapag niya ng ulam sa lamesa.

"Ah? Dyak ammo tito, baka adiay suna court agbasbasketbol manen"(Ah? di ko po alam tito, baka nandoon po siya sa court nagbabasketball nanaman") sagot ko naman sa katanungan niya na palagi niya nalang hinahanap sa akin. Di naman kami close.

"eh? Anya orassen di pay lang aggawid? Ingka man suruten idiay court ta mangan tayon, ingka metten mapan kinyada Ante Mima ta gumatang ka maysa nga coke, awitem diay bote dyay sango tapnu awan deposito na"("eh? Anong oras na di pa umuwi? Sunduin mo nga doon sa court at kakain na tayo, pumunta ka na din kila Ante Mimi at bumili ng coke, dalhin mo yung bote na nandoon sa harap para walang deposito yan") utos niya sa akin sabay bigay sa akin ng singkwenta pesos.

"Wen tito, agsukattak lang biit"("Opo tito, magpalit lang ako saglit") sabi ko naman sa kaniya.

"Nag-arte gumatang met lang ti coke ket"("ang arte bibili lang naman ng coke eh") rinig kong bulong ni tita, bulong pa ba yon? Pinarinig niya na sana din kay Tito. 

Umakyat na nga ako ng aking kwarto at nagbihis ng pajama at t-shirt. Ayaw na ayaw kong nakikitaan ako ng balat kapag nasa labas ako ng bahay nakakahiya.

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now