Beks 7: Jusko Dzaii!

778 67 9
                                    

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

"Ha?! Sino?" sigaw niya naman na siyang ikinagulat ko.

"Si Sir Harold po Lola, bakit po?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Dapat tumanggi ka nalang 'Nak!" sabi niya sa akin habang hawak ang aking dalawang kamay.

"Bakit po Lola? Bakit?!" tanong ko naman sa kaniya habang hawak ang kaniyang balikat at inaalog-alog.

"Jusko ko 'Nak! Dapat di mo nalang kinuha yung sinasabi sayo ni Madam Celia pwede ka namn tumanggi eh!" sabi niya naman sa akin na tila ba may mali akong nagawa.

"Bakit nga po Lola?! Bakit?!" takang sigaw ko din sa kaniya.

"Juskooooo naaak! Dapat tumanggi ka nalang talaga?!" sabi niya ulit sa akin habang niyuyugyog ang balikat ko.

"Bakit nga po Lola?! Jusko di na pay lang gamin nga ibaga?!"("Jusko di niya nalang kasi sabihin?!") sabi ko naman sa kaniya habang niyuyugyoggko din ang balikat niya. Natatawa ako habang niyuyugyog ko ang balikat ni Aling Linda sumasama yung ulo niya.

"Jusko 'Nak! Dahan-dahan naman sa pagyuyugyog baka makalas ako nang wala sa oras," sabi niya naman sa akin habang iniikot niya ang kaniyang leeg.

"Eto kasi 'Nak, ilang beses nang nagpakuha si Madam Celia ng magiging bantay ni Harold, lahat ng kinukuha ni Madam Celia ay umaalis nalang ng walang paalam matapos ang isang linggong pagsisilbi sa kaniya ng mga naging  tagapagbantay niya," paliwanag niya naman sa akin.

"Tapos?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Kaya mabuti pa habang maaga pa pwede mo pang bawiin yung sinabi mo kay Madam Celia, bilis bumalik ka roon," sabi niya naman a akin habang tinutulak niya ako na tila sinasabi niyang kailangan kong bawiin yung sinabi ko.

"Eh, Lola, kababain met nu ibagak nga aginbabawi ak, baka paguntanak pay ni Madam Celia"(" Eh, Lola, nakakahiya naman kung sasabihin kong binabawi ko yung sinabi ko kanina, baka pagalitan pa ako ni Madam Celia,") paliwanag ko naman sa kaniya.

"Basta! Sabihin mo doon ayaw mo," pilit niya pa ding sabi sa akin. Habang patuloy niya pa rin akong ipinagtutulakan na umalis at bumalik doon sa opisina ni Madam Celia at bawiin ang mga sinabi ko.

"Naku, Lola! Okay lang ako! Sayang naman kung hindi ko kukunin, kasi huling taon ko na rin naman sa kolehiyo kung nagkataon. Kung ano man ang binabalak ng Englisherong Hilaw na iyon, ay bahala na siya sa buhay niya, basta, hindi ako aalis kahit ano mang mangyari," pangungumbinsing sabi ko naman sa kaniya kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako.

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now