Beks 5: Kevin The Explorer!

927 60 16
                                    


Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip g aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

Nagulat nalang ako nang biglang huminto ang sasakyan. Kinusot ko muna ang aking mga mata at sinilip kung nasaan na kami. 

Nagulat ako sa aking nakita dahil may malaking gate ang nasa harap namin. Grabe ang laking gate. Wala sigurong basta-basta nakakapasok at nakakalabas dito ng hindi ka magpapaalam sa kuyang nakatayo sa gilid nitong gate.

"Teka? Addinno kamin ba?"("Nasaan na nga ba kami?") bulong ko sa aking isipan. Tiningnan ko naman itong lalaking nasa gilid ko. Gising na gising pa din kahit ilang oras na nagbiyahe.

 Sinilip ko naman si Aling Linda sa likod, ayun natutulog pa din. 

Gustuhin ko mang tanungin itong nasa tabi ko ay pinapangunahan naman ako ng hiya.

"We are here in our hacienda" nagulat ako nang biglang magsalita itong englisherong hilaw na ito sa tabi ko.

"I know what are you going to ask. It's so obvious that you're going to ask me that" dagdag niya pang sabi.

"Masyado ba akong halata?" bulong ko sa akin isipan.

"Yes,you are way too obvious"dagdag niya pang sabi na siya namang ipinagtaka ko lalo,

"Basbasaen na ba ti anya ibagbagak idtoy utak ko? Adda ba ti psychokenesis kemerut powers na?"("Binabasa niya ba ang nasa isip ko? May psychokinesis kemerut powers ba itong taong ito?") Takang tanong ko sa akin isipan.

"I don't have like powers to read your mind, you are just so obvious" dagdag pa niya habang patuloy pa din sa pagbabaybay ng daan. Nagugulat nalang ako sa pinagsasabi ng Englisherong Hilaw na ito, kanina pa niya ako ini englisg english neto, hampas-hampasin ko kaya ulit para magtagalog? 

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now