Beks 14: Coffee or Me?

693 53 2
                                    

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

Umakyat na nga ako sa ikalawang palapag ng mansion nang makapagpalit na ako ng damit ko, suot ko ulit itong bistidang itim, akala mo tuloy para akong madre, kulang nalang yung parang nilalagay sa ulo.

Tinanong ko naman kanina si Aling Linda kung saan yung kwarto ni Yeshi. Nasa may kaliwa daw, kulay pink na pintuan. Nakita ko naman itong hinahanap ko. May nakita pa ako sa pintuan na Hello Kitty sticker, bigla tuloy akong natuwa.

Kumatok muna ako sa pintuan. Oo na alam ko na sasabihin niyo, mahirap nang hindi kumatok baka kung ano rin ang makita ko sa loob. Makalipas ng ilang segundo ay bumukas naman yung pintuan.

"Sisssy! You're here na, come inside" sabi niya naman sa akin at pumasok naman ako.

Namangha naman ako sa nakikita ko. Am I in heaven? Kung nasa langit na ako please wag niyo na akong pabalikin sa earth, madaming toxic na tao doon, chart!

Grabeeeeee! Puro Hello Kitty nakikita ko dito sa kwarto niya, sa higaan niya, sa table niya, sa sahig, lampara, malaking Hello Kitty na stuffed toy, at kung anu-ano pa.

"Sissssy, papasukan na ng langaw yang bunganga mo," biro niya naman sa akin sabay tawa.

"Fan ka rin ni Hello Kitty?!" tanong niya naman sa akin na naeexcite. Tumango lang ako bilang sagot, namamangha pa din ako sa nakikita ko, dream come true ito para sa akin.

"Eto Sisssyyy! As a token of gratitude na ikaw pa lang ang lalaking kilala ko na mahilig sa Hello Kitty" sabi niya naman sa akin sabay bigay ng isang cute na Hello Kitty keychain.

"hallaaaa! Ang cute" sabi ko naman, niyakap ko naman si Yeshi at nagpasalamat.

---

"So ayun nga lahat ng X is papalitan mo ng value nito para makuha mo yung N, then pagkatapos nun, I multiply mo siya sa given number sa may formula ng F(x)= G(fx) then ililipat mo siya sa right side, kung ano yung number na iyon ay mag-iiba naman yung sign nung number na nilipat mo, kung positive magiging negative tapos magiging positive naman kung negative yung given number" paliwanag ko naman sa kaniya.

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now