Beks 8: Ginisang Kevin!

825 57 10
                                    

Mahalagang Paalala:

Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip ng aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.

~

Kevin's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kevin's POV

*Tininingning-tininingning-tinining-ning-ning*

*Tininingning-tininingning-tinining-ning-ning*

*Tininingning-tininingning-ti-*

Pinatay ko na nga ang alarm nitong cellphone ko, pasensiya na sa tunog, kung kinanta niyo man yung tunog, tama kayo kung anong cellphone ang nakakagawa ng ganoong ingay, Nokia3210, sobrang luma na ng cellphone kong ito, since High School ay nasa akin na ito na siyang napaglumaan din lang ni Tito, kamusta na kaya sila sa roon?

Inayos ko na nga ang aking pinaghigaan para makapaghanda na para mamaya. Nang matapos maitupi ang mga aking pinaghigaan ay isinukbit ko na din ang tuwalya sa aking balikat sabay kuha ng susuotin ko.

Pumunta na nga ako ng banyo para makaligo. Pagkalabas ko pa lamang ng aking banyo ay nagulat ako dahil gising na si Kuya Hiro at nagtitimpla ng kape sa kusina.

"Oh, Kuya Hiro bakit parang ang aga mo nagising?" tanong ko sa kaniya habang patuloy pa din siya sa paghahalo ng kaniyang kape.

"A-ah, wala naalimpungatan kasi ako kanina habang natutulog, ang ingay kasi ni Enan 'di ako tuloy ako makatulog ng maayos" paliwanag niya naman.

"Ah, nasa iisang kwarto lang kayo?" tanong ko naman.

"Oo, magkatabi kami palagi, tapos sinasakop niya yung higaan," sagot niya naman sa tanong ko.

"Magkatabi kayo!" gulat kong sabi sa kaniya.

"Shhhh!" sabay lagay ng hintuturo niya sa kaniyang labi na para bang sinasabi niya na tumahimik ako. "Oo, hinaan mo lang boses mo baka magising sila" sabi niya naman sa akin. I smell something isda.

"Ayy, pasensya na, nagulat lang. Sige pala Kuya Hiro, maliligo na ako," sabi ko naman sa kaniya.

My Yaya is BekiWhere stories live. Discover now