CHAPTER 06: With Him

109 8 5
                                    

CHAPTER 06: With Him

“Tang-ina! Hindi na ako sasakay kay King!” hiyaw ni Creed saka dali-daling sumakay sa multicab at mabilis na sumunod si Keve habang dala-dala ang mga gamit nilang tatlo.

“Hindi na tayo kasya.” Napakamot sa ulo si Joss saka paulit-ulit na in-arrange ang mga gamit nila para magkaroon ng space.

“Sa akin sasakay si Kylo.”

Lahat sila ay nagtaatakang napatingin kay Kingsley na nakasandal sa motor habang nakatitig kay Kylo na ngayon ay napahinto sa pagsakay sa multicab.

Mabilis na umiling si Creed. “Gago ka ba? Paano kung mahulog si Kylo? Ang takbo natin kanina ay parang papunta na sa kamatayan!”

Ngumiti si Kylo. “Kay King na lang ako sasakay.”

Napaiwas si Kingsley at napakagat sa labi para pigilang ngumiti saka hinila si Kylo bago pa man magreklamo ang mga kasamahan nila. Walang nagawa ang mga kasamahan nila at napadasal na lang na wala sanang mangyari sa dalawa.

Habang nasa biyahe ay nakakunot lang ang noo ni Kingsley. Hindi niya alam kung saan nakahawak si Kylo at sobrang tahimik nito. “Ky?”

“Hmm?”

Tiningnan ni Kingsley si Kylo sa salamin. “Ayos ka lang? Bakit sobrang tahimik mo?”

Ngumiti si Kylo. “Oo naman, napagod lang ako saka nag-iisip ako.”

“Nag-iisip?”

Napatawa si Kylo. “Sabi kasi ng mga kaibigan mo ay halos kapusan na sila ng hininga sa takbo n’yo kaninang umaga tapos ngayon sakto lang ang takbo, naiwan na nga tayo.”

Hindi napigilan ni Kingsley ang pagguhit ng ngiti sa labi niya saka mahinang tumawa. “Gusto mo ba na ganoon din ang takbo natin?”

“Oo.”

Biglang napauntog si Kylo sa ulo ni Kingsley nang bigla itong huminto sa gilid ng kalsada.

Inis na lumingon si Kingsley kay Kylo na nakahawak sa noo. “Nahihibang ka na ba?”

Umiling si Kylo habang nakasimangot at nakahawak sa noo. “G-Gusto kong maranasan muli ang mabilis na pagtakbo.”

“Ano?” naguguluhang sambit ni Kinglsey. Pilit man niyang titigan ang mga mata ni Kylo ay hindi niya magawa dahil sa dilim ng paligid at tanging ilaw  na galing sa mga sasakyan na dumadaan.

Malungkot na napayuko si Kylo. “Sanay akong sumakay sa mabibilis na takbo ng mga sasakyan pero simula nang mabulag ako ay hindi na ako pinayagan.”

Napabuntong-hinanga si Kingsley. “Okay, basta—”

“Thank you!”

Naestatwa si Kingsley habang nakaawang ang bibig nang yakapin siya nang mahigpit ni Kylo.

“B-Basta humawak ka sa akin.”

“Tara na!”

Kagaya ng sinabi ni Kylo ay naging mabilis ang pagpapatakbo nila. Napapangiti na lang si Kingsley habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Kylo. Mahigpit ang hawak ni Kylo sa baywang ni Kingsley, halos kapusan ng hininga si Kingsley kapag dumadapo ang mainit na hininga ni Kylo sa batok niya.

Hindi magawang huminga ni Kingsley nang maayos dahil sa mahigpit na hawak ni Kylo at sa pintig ng puso niya.

Dahil sa bilis ng takbo ay agad silang nakarating sa isang kainan. Napanganga si Kylo sa amoy na nanunuot sa ilong niya at nagpakalam sa sikmura niya.

“N-Nasaan tayo?” Hindi maitatago ang excitement sa boses ni Kylo.

Napatawa nang maharan si Kingsley saka hinawakan ang pulsuhan ni Kylo saka hinila papunta sa isang nagtitinda ng barbeque.

Endless Panorama [B×B] (Tambakan Mini Series #1)✓Where stories live. Discover now