CHAPTER 05: A frog or a kiss?

134 12 1
                                    

CHAPTER 05: A frog or a kiss?

“Kuya King!” inis na tawag ni Valiri sa kuya niyang gumagala sa ibang bahay. “Kainis talaga ’tong si Kuya! Ang tanda-tanda na pero hindi man lang nag-iisip kung anong oras na, kailangan niyang pumunta kina Lola ngayong 8:00AM.”

Kahit na naka-earphones si Kylo ay rinig pa rin niya ang sigaw ni Valiri kaya tinanggal na muna niya ito. “Pauwi na ’yon—”

“Kuya Kylo, masyado ka namang mabait sa masamang lalaki na iyon. Ang dapat sa kaniya ay patikimin ng sapak para magtanda.” Nag-uunat pa si Valiri saka pinapatunog pa ang mga daliri niya.

Ngumiti si Kylo. “Hindi mo kailangang pagbuhatan ng kamay ang Kuya mo.”

“Kuya, pinagtatanggol mo siya? Mas kinakampihan mo pa siya kaysa sa akin?” Napasimangot si Valiri.

Umiling si Kylo. “Wala akong kinakampihan sa inyo, pareho kayong mali.”

“Anong mali ko?”

“Hindi solusiyon ang pagbubuhat ng kamay sa lahat ng problema,” pangaral ni Kylo saka tumayo pero napauntog ang hita niya sa lamesa kaya sabay silang napatawa ni Valiri.

“Sabagay, hindi na iyon magbabago kaya hahayaan na lang natin.” Napalingon si Valiri sa bagong dating. “Joss!”

“Valiri, Kylo!”

“Anong ginagawa mo rito?” salubong na tanong ni Valiri.

Ngumiti nang pagkalaki-laki si Joss. “Hindi ba sinabi ko sa inyo na gagala kami at isasama ko kayo?”

“Ngayon na ba?” excited na tanong ni Valiri.

“Oo.”

“Nakalimutan ko!” tili ni Valiri. “Pero nakapagpaalam na kami.”

“Mag-ayos ka na, Valiri,” nakangiting utos ni Kylo.

“Roger, Kuya Kylo! Ihahanda ko na lahat ng dadalhin natin!” masiglang sabi ni Valiri saka tinungo ang kuwarto niya.

“Magdala kayo ng extra na damit dahil maliligo tayo,” pahabol ni Joss saka tumingin kay Kylo. “Isasama kita, Kylo.”

“Pero alam mo naman na bulag—”

“Wala akong pakialam, basta sasama ka,” putol ni Joss sa sasabihin ni Kylo. “Huwag ka ng magdahilan pa dahil isasama kita.”

Napatingin si Joss kay Kylo. “May gusto ka bang puntahan?”

“Puntahan?” Umiling si Kylo.

“Imposible namang wala. May kakilala ako na galing din sa Manila at gusto niyang maglibot sa Bohol,” kuwento ni Joss.

“Talaga?”

Napatanaw si Joss sa labas dahil sa ingay ng mga batang naglalaro. “Oo, mahilig kasi si Gin mag-adventure kaya naisipan naming mamasyal ngayon.”

“Gin?” mabilis na tanong ni Kylo.

“Bakit ka gulat na gulat? Kilala mo ba siya?”

“Hindi.” Napailing si Kylo. “May kakilala lang ako na Gin din ang pangalan at mahilig siyang mag-adventure.”

“Photographer ba?”

“Mahilig kumuha ng mga litrato.” Napangiti si Kylo kapag naaalala niya si Gin, naaalala pa niya ang mukha nito, kung gaano ito kaliwanag kapag kumukuha ng litrato.

“Baka siya ang kakilala mo!” masiglang sabi ni Joss.

Malungkot na ngumiti si Kylo. “Imposibleng mangyari ’yon.”

Endless Panorama [B×B] (Tambakan Mini Series #1)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon