CHAPTER 09: Twin

114 7 1
                                    

CHAPTER 09: Twin

"Bakit ka ba tumatakas? Bakit ka ba tumatakbo? Bakit ayaw mong buksan ang puso? Siya lang ba? Siya pa rin ba? Hindi ba puwedeng ako na lang?"

Panibagong araw, panibagong galit ang namumuo sa puso ni Kingsley nang nakita niyang nakikinig na naman si Kylo sa mga videos. Wala naman siyang karapatang magalit at pagalitan si Kylo dahil sa simula pa lang ay walang namamagitan sa kanila.

Napatalon sa gulat si Valiri at Kylo sa malakas na pagsipa ni Kingsley sa isang plastic chair at sa kasamaang-palad ay nabali ang isang paa dahilan para mapangiwi si Valiri habang sinusundan ng tingin ang kuya niyang padabog na lumabas ng bahay.

"Galit ka ba sa akin?" Pakiramdam ni Kylo ay nagagalit na si Valiri sa kaniya sa pinaggagawa niya kay Kingsley. Pero wala siyang magagawa para suklian ang nararamdaman nito.

"Galit? Bakit naman ako magagalit sa iyo?"

"Sa nagawa ko sa Kuya mo."

"Alam ko namang may dahilan ka, Kuya Kylo,." Tinapik ni Valiri ang braso ni Kylo.

"Salamat sa pag-iintindi."

Bumuntong-hininga s Valiri saka napangiwi. "Ang problema nga lang ay si Kuya King, hindi 'yon nakakaintindi. Nakakainis!"

"Nasa sa akin ang problema," sambit ni Kylo habang mahigpit na nakahawak sa cellphone.

Napatingin si Valiri sa wallpaper ng cellphone ni Kylo at nakita niya na kasama ni Kylo si Gin. "Hindi mo ba kayang buksan ulit ang puso mo?"

"Hindi ako sigurado kaya ayokong paasahin si King."

"Kylo, may naghahanap sa iyo!" sigaw ni Joss sa labas ng bahay nila Valiri na ngayon ay kararating lang at may kasamang guwapong binata.

Sabay na lumabas ng bahay sina Kylo at Valiri at gulat na gulat si Kylo nang mari niya ang boses nito habang si Valiri ay hindi maiwasang mamangha sa taglay na kaguwapuhan ng binata.

"Kylo," nakangiting sambit ng binata habang kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin.

"Jin?" hindi makapaniwalang sambit ni Kylo sa pangalan nito. "Anong ginagawa mo rito?"

"I'm visiting you." Mabilis na niyakap ni Jin si Kylo. "Ilang taon din kitang hindi nagkita. What about your eyes?"

Matagal na sumagot si Kylo, "I'm still blind."

"What? But-" Napalaki ang mga mata ni Jin
"You lost your will-"

"Ky!"

Napalingon si Jin kay Kingsley saka napataas ang kilay nang hatakin ni Kingsley si Kylo papalayo habang nakatingin kay Jin nang masama.

"Sino 'yon?"

"Si Jin," simpleng sagot ni Kylo.

"Q-Quijano?" namumutlang tanong ni Kingsley habang nakatitig kay Jin.

Hindi magawang umiwas ni Kingsley sa binatang akala niya matagal ng patay. Ang binatang minahal ni Kylo ng ilang taon hanggang ngayon. Napamura na lang si Kingsley sa naiisip niya na baka ay tuluyan ng lumayo si Kylo sa kaniya. Hindi maitatago ang galit sa puso ni Kingsley, nararamdaman na niya na nahuhulog na rin si Kylo pero panira ang isang binatang kararating pa lang.

Napalunok si Kylo. "Paano mo nalaman?"

"Kylo, let's talk."

Hinigit ni Jin si Kylo kay nahihiyang tumingin si Kylo kay Valiri. "Valiri, puwede ba naming hiramin ang kuwarto mo?"

Tumango si Valiri kaya agad na tinuro ni Valiri ang kuwarto niya kaya agad na pumasok si Jin habang hila-hila si Kylo.

"Kylo, sino 'yong lalaki na tumawag sa iyo na Ky?" tanong ni Jin pagkatapos niya i-locked ang pinto.

Endless Panorama [B×B] (Tambakan Mini Series #1)✓Where stories live. Discover now