HC 15

18 7 0
                                    

✿*:・゚𝕵𝖊𝖘𝖙 𝕸𝖊 𝖜𝖎𝖙𝖍 𝕳𝖎𝖒゚・:*✿

Habang nakatingin pa rin ako sa kanila ay nakaramdam ako ng hinanakit sa tiyan at unti-unti na ulit na nanghihina. Parang bumabalik na naman ang ginawa nila sa 'kin kanina.

Pero bago pa ako tuluyang mapahiga sa sahig dahil sa panghihina ay sinalo ako ni Dioryn. My vision was starting to become blurry but I managed to see what's inside the emotion in his eyes.

I thought I was just hallucinating before I closed my eyes because I really saw the worry in his eyes.

Nang magising ako ay bumungad sa 'kin ang asul na kisame na may nagkikislapang parang ilaw na nakalutang sa ere. Where am I?

Sinubukan kong umupo sa pagkakahiga pero napadaing ako at napatingin kaagad sa tiyan ko kung bakit ako napadaing sa sakit. Nakabenda na ito pero parang hindi pa rin naghihilom ang sakit sa pakiramdam kaya bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga.

Bakit ba ako nandito? Ano naman ang lugar na ito? Kanino naman 'to?

Bahagya ko na lamang pinikit ang mga mata ko at pinapakalma ang sakit na nararamdaman ko sa tiyan ko.

"You're finally awake now." Napadilat kaagad ako sa mga mata nang may narinig akong nagsabi niyon at tinignan siya nang patagilid ang ulo ko habang nakahiga pa rin.

It's definitely Dioryn who I was seeing now.

"Na...N-Nasaan ak—"

"Shh, don't speak. Alam kong nahihirapan kang magsalita kaya 'wag mo na lang i-udyok ang sarili mo na magsalita, okay?" Marahan at masuyong saad niya habang nakatapat ang kan'yang hintuturo sa labi ko na nakatikom na.

If that's what he wants, then fine. But, how I will get to know what this place is?

"You're here in my room. This place were my parent's house but you're in my own room," sagot niya. Parang alam niya ang nasa isipan ko kaya nasagot niya 'yong itatanong ko dapat sa kan'ya kanina.

"I know you're dumbfounded about why I brought you here. I don't have my own dorm in HCU so I brought you here instead even there's a clinic on the university," he explained which only made me more dumbfounded.

What was he trying to say, really? It doesn't make any sense? Bakit dinala niya ko rito sa bahay ng mga magulang niya at dito pa talaga sa silid niya kahit may clinic naman sa HCU?

Sinubukan kong magsalita at nagtagumpay naman ako. What's the use of my mouth if I don't have the chance to talk and say things to him about it, right? At saka isa pa, sino ba siya para utusan niya akong tumahimik at 'wag nang magtanong tungkol sa mga sinasabi niya sa 'kin.

"B-Baliw ka ba? P-P'wede namang sa clinic mo na lang ako dalhin sa halip na rito pa talaga sa bahay ng mga magulang mo. W-Why, exactly, did you brought me here in the first place, h-huh?" Kahit pautal-utal ang pagtatanong ko sa kan'ya no'n ay pinilit ko talagang magtanong dahil hindi pa klaro sa 'kin kung bakit niya 'ko dinala rito.

We're not even friends! We're not-in-good terms and yet he helped me from those enemies and brought me in this freaking place!

"I want to help you from those enemies. I know I don't have the rights to help you but I sincerely and firmly want to," sagot niya.

"At dinala kita rito dahil may pag-uusapan tayo tungkol doon. Tinulungan na nga kitang mabenda 'yang tiyan mo tapos ikaw pa may ganang magreklamo?" Halos mapairap ako sa huling sinabi niya. He totally ruined the perfect moment between the both of us!

Or, am I the one who is actually thinking about that moment because I have different feeling towards him?

"I-I don't even need your help in the first place," seryoso nang sabi ko kaya naman ay para siyang natauhan at napalitan ang ekspresiyon niya.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Where stories live. Discover now