HC 23

18 8 0
                                    

✿*:・゚𝕮𝖍𝖆𝖕𝖙𝖊𝖗 𝕿𝖜𝖊𝖓𝖙𝖞-𝕿𝖍𝖗𝖊𝖊: 𝕬 𝕲𝖊𝖑𝖎𝖌𝖓𝖎𝖙𝖊 𝕱𝖗𝖔𝖒 𝕾𝖔𝖒𝖊𝖔𝖓𝖊゚・:*✿

Isang nakakahindik ng tinig na tumatawa hindi kalayuan sa puwesto namin ngayon.

Napansin kong hinawakan ni Dyce si Nish para ilapit sa kan'ya ang kan'yang kapatid.

"Who are you?! Why don't you show up, you freaking coward?!" Sigaw na panghahamon ko.

Ngunit patuloy lang ito sa pagtawa. May sira ba siya sa utak at pagtawa lang ang tanging alam?

"Just show up, you stupid coward! We're not afraid from you!" Sigaw ko na.

Bigla namang nawala ang pagtawa at sa pagkawala niyon ay biglang lumitaw sa harapan ko ang nilalang na 'yon na nakatakip ang kan'yang buong katawan ng asul na maitim na kapa maging sa kan'yang mukha na hindi gano'n kakita.

Hindi ko maiwasang matakot dahil sa postura at tindig nito. Pero pinilit kong itinago iyon at matapang ko siyang hinarap.

Tumawa ulit ito na parang baliw kaya nahihintakutan ko naman siyang tinignan.

"We're not here for your stupid laugh, lend me that strange shot once and for all," maawtoridad kong utos pero tumawa lang ulit siya.

"Do you think I will lend you this shot? No, na uh-uh, this shot is my only hope that HC will be a better place in the end and sooner be mine!" Dumadagundong ang boses nito dahio sa huling sinabi nito.

"Do you think we'll let that happen? Yah!" Hindi ko na hinintay na sumagot siya at pinaunlakan ko siya ng tadyak ngunit mabilis siyang nakailag at bigla akong malakas na hinampas at inilayo kaya napasandal ako sa dingding at napasalampak sa lupa matapos niyon.

Hindi ako makapaniwala, ang lakas niya. Bakit gano'n siya kalakas?

Dumadaing ako habang napapasulyap sa mga kaibigan ko na isa isa rin silang kinalaban ng nilalang na 'to. Nandilim ang paningin ko dahil doon. Nasaktan ang mga kaibigan ko.

Nahihirapan akong tumayo at dahan-dahang lumapit sa kan'ya. Habang tumatawa siya at hindi pa ako napapansin ay mabibilis na ang mga hakbang ko sa paglapit sa kan'ya.

Pero nang makalapit na ako sa kan'ya ay siyang biglang pagharap sa 'kin kaya nagulat ako. Mabilis niya akong tinadyakan at sinuntok-suntok. Napadura ako ng dugo dahil sa suntok niya.

"I will be going to give you a chance. I will set you free and don't come back to me again, hindi niyo ako kaya," aniya at kapansin-pansin na parang napapangisi pa siya habang mahigpit niya akong kinuwelyuhan pero nginisian ko lang din siya.

Ano'ng akala niya sa 'kin, bobo? Hindi rin ako uto-uto.

"Kaya kitang puksain and no, I will never let you reign HC," tanggi ko.

"Okay..." tumango-tango naman siya na para bang naiintindihan niya ako. "Well, let's see," aniya.

Nakapikit na ako habang sinasabi niya iyon at parang wala na akong nararamdamang kahit ano. Wala akong ibang nakikita kundi puro liwanag.

Hindi ko na makontrol ang sarili ko at may sarili na iyong isip. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari pagkatapos no'n.

✿*:・゚━━━━━༺۵༻━━━━━゚・:*✿

"Where are you going, Ryfin?" Tanong sa 'kin ni Eidre.

"Hindi ako mapakali, Eidre. Kailangan kong puntahan si Kuiper," desididong saad ko.

Horos University: School of Horoscope Abilities | ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora